Mahalaga na matutuhan kung paano pigilan ang palpitation dahil sa anxiety. Maaari itong gawin sa pag-alam tungkol sa anxiety at palpitation ng puso.
Ano ang palpitation ng puso?
Ang palpitation ng puso ay tumutukoy sa pakiramdam na pagtibok nang mabilis ng iyong puso. Maaari din itong pakiramdam na panandaliang paghinto ng pagtibok ng puso o pagkabalisa. Ang mga palpitation na ito ay maaaring maobserbahan sa pamamagitan ng paglalagay ng atensyon sa iyong leeg, lalamunan, at dibdib, o papakiramdaman ang iyong pulso at tibok ng puso.
Ang palpitation ng puso ay maaaring senyales ng seryosong kondisyon sa kalusugan. Kaya’t mahalaga na magpatingin sa doktor kung nakaranas ng palpitation ng puso.
Ano ang anxiety?
Ang anxiety ay natural na tugon ng katawan sa stress ngunit minsan ay nakasasama. Ito ay natutukoy sa pakiramdam ng pagiging takot o nangangamba tungkol sa hindi pa nangyayaring pagkakataon o sitwasyon.
Ang iyong anxiety ay maaaring disorder kung nakaranas ng mga matinding pag-uugali, o nakaranas ng matinding porma ng pagkabalisa. Upang ma-diagnose na may anxiety disorder (base sa DSM-5), ang pakiramdam ng labis na anxiety at pangamba ay kailangan na mangyari sa loob ng kahit na 6 na buwan. Ang ibang sintomas tulad ng fatigue, walang kapaguran, at hindi maayos na gawi sa paaralan o trabaho ay maaaring mangyari.
Paano pigilan ang palpitation ng puso dahil sa anxiety
Bahagi ng pagkatuto kung paano pigilan ang palpitation dahil sa anxiety ay ang pag-unawa kung paano nagpa-palpitate ang puso kung nakakaramdam ng pangamba. Ang pakiramdam ng pangamba minsan ay normal. Gayunpaman, ang anxiety disorder ay maaaring maging sanhi na madalas na makaramdam ng pangamba at mas may epekto sa iyong mental at pisikal na kalusugan.
Paano pigilan ang palpitation dahil sa anxiety: Anxiety disorders
Ang triggers at responses sa anxiety disorder ay iba-iba mula sa mga tao. Gayunpaman, may tiyak na mga uri ng anxiety disorder na kilala sa makaaapekto sa rate ng puso at maaaring maging sanhi ng palpitations.
Ang mga ganitong uri ng anxiety disorders ay kabilang ang:
- Generalized anxiety disorder
- Panic disorder
- Agoraphobia
- Separation anxiety disorder
- Social anxiety disorder
Mahalaga na malaman na ang nararanasan na palpitation ng puso ay hindi sanhi ng ibang mga salik tulad ng mabilis na pagbabago ng lifestyle, pagbabago ng hormone, pag-inom ng gamot, lagnat, o namanang problema sa puso.
Lunas
Kabilang sa paggamot ang:
- Psychotherapy
- Mga gamot tulad ng SSRIs o selective serotonin reuptake inhibitors
Maaari mo ring i-explore ang complementary approaches upang matugunan ang iyong stress, karagdagan sa iyong pangunahing lunas. Kabilang dito ang:
- Self-management. Ito ang core element upang makatulong sa anxiety
- Mga gawain tulad ng yoga
Key Takeaways
May ibang mga salik na maaaring maging sanhi ng palpitation sa puso maliban sa anxiety. Konsultahin ang iyong doktor upang matukoy ang rason para sa iyong palpitation sa puso.
Matuto pa tungkol sa Heart Arrhythmias dito.