Ikaw ba ay sumailalim kamakailan sa electrocardiogram (ECG) at napansin sa resulta ang terminong “sinus tachycardia”? Marahil ay nagtatanong ka — mapanganib ba ang sinus tachycardia? Dapat ba akong gamutin para dito? Matuto nang higit pa tungkol sa sinus tachycardia dito.
Ano Ang Sinus Tachycardia?
Ang tachycardia ay ang terminong medikal na ginagamit upang ilarawan sa kabuoan ang pagtaas ng tibok ng puso (100 beats bawat minuto at higit pa).
Ikinakategorya ang tachycardia batay sa bahagi ng puso na nagti-trigger sa pagtaas ng tibok ng puso. Kung ang pagtaas ng rate ay sanhi ng sinus node, na natural na pacemaker ng puso, ito ay tinatawag na sinus tachycardia (ST). Kung ang upper chamber, ang atria, ang nagiging sanhi ng tachycardia, ito ay tinatawag na atrial tachycardia. Sa kabilang banda, kung ang lower chambers, ang ventricles, ay responsable sa pagtaas ng tibok ng puso, ito ay tinatawag na ventricular tachycardia.
Mga Uri Ng Sinus Tachycardia
Maaaring maging mapanganib ang sinus tachycardia depende sa kung kailan at paano ito nangyayari.
Ang sinus tachycardia na mas mabilis kaysa sa normal ngunit matatag na tibok ng puso, ay maaaring mangyari bilang tugon sa mga natutukoy na kadahilanan, tulad ng pagkabalisa, pag-eehersisyo, stress, at lagnat. Tinutukoy ito bilang normal o appropriate sinus tachycardia.
Sa kabilang banda, ang inappropriate sinus tachycardia ay nangyayari nang walang tiyak na dahilan. Ang pagkakaroon ng sinus tachycardia habang nagpapahinga ay maaaring nakababahala para sa doktor, lalo na kung ang pasyente ay tila wala kang sakit o hindi nababalisa.
Mapanganib Ba Ang Sinus Tachycardia?
Kadalasan, hinahayaan lamang mga nakatatanda ang normal sinus tachycardia na walang problema. Kaya, mapanganib ba ang sinus tachycardia?
Sa kabuoan, ang sinus tachycardia ay maaaring maging mapanganib kung ito ay madalas na nangyayari sa puntong nakapagpapahina na ito ng puso (tachycardia-induced cardiomyopathy).
Bukod sa panganib ng cardiomyopathy, ang inappropriate ST ay maaari ding maging sanhi ng alalahanin kung ang mga kasama nitong senyales at sintomas ay nakaaapekto na sa araw-araw na pamumuhay. Narito ang mga posibleng senyales at sintomas ng inappropriate ST:
- Pagsakit ng dibdib
- Panghihina
- Pagkahilo
- Kakapusan sa paghinga
- Pagsakit ng ulo
- Pagkabalisa
- Pagbaba ng kakayahang mag-ehersisyo
- Hindi komportable palpitations
Paalala
Mahalagang tandaang hindi bihira ang inappropriate ST. Sa karamihan ng mga kaso, matutukoy ng doktor ang posibleng dahilan ng pagtaas ng tibok ng puso. Kapag natukoy na ito, maaari silang gumawa ng angkop na plano ng gamutan upang matugunan ang alalahanin, na maaaring gamot sa ST.
Paano Ang Diagnosis Ng Inappropriate Sinus Tachycardia?
Kung walang nakikitang malinaw na dahilan ang doktor sa pagkakaroon ng sinus tachycardia ng pasyente, posibleng magsasagawa ng iba pang mga pagsusuri upang malaman ang iba pang mga posibleng dahilan.
Halimbawa: Maaari imungkahi ang mga pagsusuri sa dugo upang malaman ang lebel ng electrolytes dahil maaari nitong maapektuhan ang tibok ng puso (magnesium, potassium, atbp.). Maaari din magrekomenda ng mga pagsusuri sa paggana ng thyroid dahil ang hyperthyroidism ay maaaring mag-trigger ng tachycardia.
Kung wala mahanap na dahilan, maaaring ma-diagnose ang inappropriate sinus tachycardia KUNG angkop sa sumusunod na pamantayan:
- Resting heart rate na 100 beats bawat minuto
- Average na resting heart rate na 90 beats bawat minuto sa Holter heartbeat monitoring sa loob ng 24 na oras.
- Tumaas na tibok ng puso o palpitations na may emosyonal na pagkabalisa.
Gamot Sa Sinus Tachycardia
Ang paggamot ng ST ay nakadepende sa sanhi nito. Ngunit, paano ang inappropriate sinus tachycardia? Ayon sa mga ulat, ang paggamot sa inappropriate ST ay maaaring maging mahirap dahil hindi alam ang dahilan nito.
Sa maraming mga kaso, maaaring magmungkahi ang doktor ng:
- Pag-alis sa posibleng triggers, tulad ng caffeine, alak, at paninigarilyo
- Pag-inom ng mga gamot na nagpapabagal sa tibok ng puso
- Pagsasagawa ng angkop na ehersisyo upang mapanatili ang kalusugan ng puso
Kung hindi naging epektibo sa isnag tao ang treatment strategy, maaaring itaas ng doktor ang posibilidad ng catheter ablation, kung saan ang enerhiya ay ginagamit upang sirain ang maliit na bahagi ng sinus node.
Siyempre, ang prosesong ito ay may ilang mga panganib. Una, hindi ito palaging epektibo. Pangalawa, ang prosesong ito ay maaaring makasira sa mas malaking bahagi ng sinus node, na sinisigurado ang pangangailangan ng isang artipisyal na pacemaker.
Key Takeaways
Mapanganib ba ang sinus tachycardia? Ayon sa mga ulat, mapanganib ang kondisyong ito kung ito ay madalas na nangyayari at nagiging dahilan ng paghina ng puso. Maaari din itong ituring na mapanganib kung ang mga kasamang mga senyales at sintomas ay nakaaapekto na sa kalidad ng pamumuhay.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Puso dito.