backup og meta

Abnormal Na Pagtibok Ng Puso: Anu-Ano Ang Mga Uri Nito?

Abnormal Na Pagtibok Ng Puso: Anu-Ano Ang Mga Uri Nito?

Batay sa survey na isinagawa ng Kagawaran ng Kalusugan, 2% ng mga Pilipino na nasa edad 70 pataas ay namamatay dahil sa heart arrhythmias o abnormal na pagtibok ng puso. Ngunit ang ano heart arrythmias? Anu-ano ang mga uri nito? At paano ito nagagamot?

Ang abnormal na pagtibok ng puso ay sanhi ng dati nang umiiral na mga kondisyon tulad ng coronary heart disease, electrolyte imbalances sa dugo sanhi ng potassium o sodium,injury mula sa atake sa puso, at iba pang pagbabago sa muscle ng puso tulad ng sanhi ng pagkatapos ng operasyon sa puso.

Ang abnormal na pagtibok ng puso ay maaari ding mangyari sa normal at malusog na puso.

Maraming uri ng heart arrhythmia. Ang mga sumusunod ay ang mga sintomas nito:

  • Mabilis, malakas, at abnormal na pagtibok ng puso
  • Pagkahilo
  • Pagkakapos ng hininga
  • Pagkahimatay
  • Hindi komportableng pakiramdam sa dibdib
  • Panghihina o pagkapagod

Upang mas maunawaan ang kondisyong ito, maging ang mga gamutan, alamin natin ang mga uri ng heart arrhythmias.

Anu-Ano Ang Mga Uri Ng Heart Arrhythmias?

Maraming uri ng heart arrhythmias na nag-iiba-iba sa sanhi at kalubhaan. Sa kabuoan, ang arrhythmias ay nahahati sa dalawang pangunahing kategorya: ang tachyarrhythmias kung saan ang puso ay mas mabilis na tumitibok kaysa sa normal, at ang bradyarrhythmias kung saan ang puso ay mas mabagal na tumitibok kaysa sa normal.

Ang bradyarrhythmias ay kadalasang sanhi ng sakit sa electrical conduction system ng puso. Ito ay ang mabagal na pagtibok ng puso na kinabibilangan ng sinus node dysfunction at bara sa puso.

Mga Uri Ng Tachyarrhythmias

Premature Atrial Contractions

Mula sa atria o sa itaas na bahagi ng puso, ang premature atrial contractions ay maagang karagdagang tibok na bahagyang hindi mapanganib at hindi nangangailangan ng gamutan.

Sa tulong ng iyong doktor, kailangan mo munang tukuyin ang sanhi ng abnormal na pagtibok ng puso. Kapag natukoy na ito, ang kailangan mo lamang gawin ay iwasan ang mga ito upang mapigilan ang premature atrial contractions.

Premature Ventricular Contractions (PVCs)

Ang PVCs ay ang pinakakaraniwang uri ng abnormal na pagtibok ng puso. Nangyayari ito sa mga taong mayroon o walang sakit sa puso. Maraming tao ang nakaranas nito sa ilang bahagi ng kanilang buhay at inilalarawan nila ito bilang “paglaktaw ng tibok ng puso.” Ito ay maaaring iugnay sa stress, sobrang pagkonsumo ng nicotine o caffeine, at sa ibang mga kaso ay sobrang pag-eehersisyo. Ang PVCs ay maaari ding sanhi ng electrolyte imbalance o sakit sa puso. Sa ilang mga kaso, ito ay hindi mapanganib at hindi nangangailangan ng medikal na gamutan. Ngunit kung ang sanhi ng PVCs ay iba pang kondisyon sa puso, gagamutin ng doktor ang kondisyong iyon.

Atrial Flutter

Ang isa o maraming mabilis na circuits sa atrium ay maaaring maging sanhi ng atrial flutter. Kadalasan itong mas regular at organisado kaysa sa atrial fibrillation. Ang atrial flutter ay nangyayari sa mga taong may sakit sa puso o kamakailan lamang ay sumailalim sa operasyon sa puso. Ito sa huli ay magiging atrial fibrillation.

abnormal na pagtibok ng puso

Atrial Fibrillation

Ang atrial fibrillation isang napakakaraniwang uri ng abnormal na pagtibok ng puso. Naaapektuhan nito ang mga nakatatanda. Ito ay dulot ng hindi normal na contraction ng atria.

Paroxysmal Supraventricular Tachycardia (PSVT)

Nagmula sa itaas ng ventricles, ang PSVT ay mabilis na pagtibok ng puso na sinabayan ng isang regular na ritmo. Ito ay nagsisimula at nagtatapos kaagad.

May dalawang pangunahing uri ng PSVT: ang accessory path tachycardias at ang AV nodal reentrant tachycardias.

• Accessory Path Tachycardias

Ang mabilis na pagtibok ng puso ay nangyayari kapag ang impulses ay dumadaan sa abnormal na daanan sa pagitan ng ventricles at atria.

• AV Nodal Reentrant Tachycardias

Tulad ng accessory pathway tachycardias, ang AV nodal reentrant tachycardia ay maaring maging sanhi ng problema sa puso, mabilis, malakas, at abnormal na pagtibok ng puso, at maging ng pagkahimatay. Sa ilang mga kaso, ang isang taong may ganitong kondisyon ay maaaring hindi mangailangan ng medikal na gamutan. Ito ay dahil ang simpleng gawain tulad ng wastong paghinga o paglalagay ng pressure sa tiyan ay maaaring makapagpaayos sa tibok ng puso. Sa ibang mga kaso naman, maaaring kailanganin ang medikal na gamutan at maaaring resetahan ka ng iyong doktor ng mga gamot upang umayos ang tibok ng puso.

Ventricular Tachycardia (V-Tach)

Sa kondisyong ito, dahil sa mali at hindi organisadong impulses, ang ventricles ng puso ay nahihirapang mag-pump ng dugo papunta sa katawan. Ang delikado at mapanganib na kondisyong ito ay nangangailangan ng agarang medikal na atensyon at pangangalaga.

Long QT Syndrome

Ang QT interval ay ang sukat sa electrocardiogram na nagpapakita ng oras kung kailan ang electrical impulses ay nagsimula atsaka muling lumakas. Kinakatawan nito ang oras kung kailan ang muscle ng puso ay lumiit at muling nagkalakas. Kung ang QT interval ay naging mas mahaba kaysa sa normal, ito ay maaaring senyales ng posibleng mapanganib na kondisyon. Maaari din itong maging sanhi ng biglang kamatayan sa mga bata. Maaari lamang ito magamot sa pamamagitan ng pacemaker, electrical cardioversion, ablation therapy, o implanted cardioverter/defibrillator.

Mga Uri Ng Bradyarrhythmias

Sinus Node Dysfunction

Ito ay ang mabagal na ritmo ng puso na sanhi ng hindi normal na SA (sinus) node. Para sa SAs na nagiging ng sanhi ng mga sintomas, tulad ng pagkahilo, pagkawala ng malay, o syncope, maaaring irekomenda ng doktor ang paggamit ng pacemaker.

Heart Block

Ito ay ang ganap na bara ng electrical impulse na nagsisimula sa sinus mode papunta sa ventricles. Ang mga taong naghihirap mula sa kondisyong ito ay nakararanas ng abnormal na pagtibok ng puso o mabagal na pagtibok. Kadalasang ginagamot ng doktor ang mga pasyenteng may ganitong kondisyon sa pamamagitan ng pacemaker.

Paano Magagamot Ang Abnormal Na Pagtibok Ng Puso?

Matapos malaman ang mga uri ng heart arrhythmia, mahalagang malaman kung paano magagamot ag iyong kondisyon. Depende sa uri at kalubhaan ng kondisyon, ang mga doktor at propesyonal sa larangan ng kalusugan ay maaaring magrekomenda ng gamutan na kinabibilangan ng pagsailalim sa operasyon, pag-inom ng gamot, o pagbabago ng mga gawi sa araw-araw na pamumuhay.

Key Takeaways

Ang heart arrhythmias o abnormal na pagtibok ng puso — kahit hindi matindi o malubha — ay hindi dapat isantabi. Kung ikaw ay nakararanas ng abnormal na pagtibok ng puso o ng mabilis o mabagal na pagtibok, kumonsulta sa iyong doktor para sa diagnosis at gamutan.

Matuto pa tungkol Kalusugan ng Puso dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heart Arrhythmia, www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-arrhythmia/symptoms-causes/syc-20350668, Accessed 2 June 2020

Types of Heart Arrhythmia, stanfordhealthcare.org/medical-conditions/blood-heart-circulation/arrhythmia/types.html, Accessed 2 June 2020

Stroke and Atrial Fibrillation, www.stlukes.com.ph/health-library/health-articles/stroke-and-atrial-fibrillation, Accessed 2 June 2020

Kasalukuyang Version

10/11/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Paano Mapipigilan ang Palpitation o Mabilis na Tibok ng Puso?

Mabilis Na Tibok Ng Puso: Mapanganib Ba Ang Sinus Tachycardia?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement