backup og meta

Pagkain Na Dapat Iwasan Ng Mga May Enlarged Heart!

Mahalaga ang puso ng tao dahil sa gampanin nitong gawing maayos ang daloy ng dugo sa’ting katawan. Importante rin ito upang ang oxygen at iba’t ibang nutrients na kailangan natin ay malayang makapunta sa bawat bahagi ng ating katawan. Gayunpaman, kung ikaw ay sobrang nakakaranas ng stress, may posibilidad na mas nahihirapan na dumaloy ang dugo sa’ting puso at katawan. Napakahalaga ng angkop na pangangalaga sa puso upang maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon, gaya ng pagkakaroon ng enlarged heart.

Pagkain Na Dapat Iwasan Ng Mga May Enlarged Heart!

Ang enlarged heart (cardiomegaly) ay ang pagtaas ng laki o size ng puso ng isang tao. At ang pagkakaroon nito ay isang senyales ng iba pang health condition na nakakaapekto sa puso ng isang tao.

Narito ang ilang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng enlarged heart ang isang tao:

  • Thyroid disorders
  • Mataas na presyon ng dugo
  • Sakit sa bato
  • Genetic or inherited conditions
  • Pagbubuntis (peripartum cardiomyopathy o PPCM)
  • Heart valve disease
  • Coronary artery disease
  • Atake sa puso
  • Cardiomyopathy
  • Pulmonary Hypertension
  • Impeksyon sa puso
  • HIV infection

Bagamat pwedeng magkaroon ng enlarged heart ang sinumang tao, tandaan mo na pwede pa rin natin mapangalagaan ang ating sarili kahit may ganito tayong kondisyon. Isa sa mga paraan na pwede nating gawin ay ang pag-alam sa mga bawal na pagkain sa enlarged heart upang maiwasan natin ang paglala ng ating kondisyon.

Bawal Na Pagkain Sa Enlarged Heart

Ang mga pagkain na mababanggit sa artikulong ito ay hindi naman buong pinagbabawal sa mga taong may enlarged heart at sakit sa puso. Maaari pa rin silang kumain nito, ngunit kinakailangan na maging angkop at tama ang paraan ng pagkain ng mga taong may kondisyon sa puso. Ipinapayo ang pagpapakonsulta sa doktor upang magabayan ka sa mga pagkain na dapat mong kainin at iwasan. Malaki rin ang maitutulong ng mga doktor upang malaman mo ang angkop na dami ng pagkain na dapat mong ikonsumo.

1. Mga Naprosesong Karne o Processed Meats

Iwasan ang mga processed meats na may mataas na sodium at fats gaya ng burgers at steak. Ang sobrang pagkain nito ay pwedeng humantong sa pagkakaroon ng “clogged arteries”. Gayunpaman, tandaan mo na hindi lahat ng fat ay masama, dahil ang monounsaturated at polyunsaturated fats ay maaaring magpababa ng iyong risk sa pagkakaroon mo ng stroke at sakit sa puso

2. Alcohol

Ang sobrang pag-inom ng alak o alcohol ay maaaring magpahina ng iyong heart muscle. Mas mainam kung iiwasan ang pagkonsumo nito. Subalit kung nais mo pa ring uminom ng alak o wine, maganda kung magpapakonsulta ka muna sa iyong doktor para malaman mo ang angkop na dapat mo lang inumin.

3. Potato Chips

Madalas ang mga potato chip ay may mataas na sodium at fat. Dahil dito, dapat mong iwasan ang mga ito kung may sakit ka sa puso at enlarged heart.  Mahalaga kasi na makapagpanatili ka ng malusog na timbang. At ang pagkain ng high-fat snacks ay makakasagabal upang makuha mo ang ideal weight na angkop para sa iyong kalusugan.

Ipinapayo ng mga eksperto ang pagkain ng mga gulay at prutas na may mababang fat at mataas na fiber. Ang mga pagkain na ito ay mas maganda para sa’yong puso at kalusugan.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng angkop na diyeta na nakabatay sa iyong kasalukuyang estado ng kalusugan ay makakatulong upang mapababa ang iyong panganib sa pagkakaroon ng mga medikal na komplikasyon na pwedeng humantong sa kamatayan.
Kung ikaw ay nagtataglay ng kondisyon sa puso gaya ng enlarged heart, mainam na alamin ang mga bawal na pagkain para mapangalagaan ang kalusugan. Kaugnay nito, malaki ang maitutulong ng pagpapakonsulta sa doktor upang matukoy ang mga pagkain na dapat iwasan. Bukod pa rito, mabibigyan ka rin ng angkop na medikal na diagnosis at treatment para sa iyong kasalukuyang kondisyon.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan sa Puso dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is an enlarged heart? https://www.heartandstroke.ca/heart-disease/conditions/enlarged-heart#:~:text=An%20enlarged%20heart%20(cardiomegaly)%20is,increase%20demand%20on%20the%20heart. Accessed August 30, 2022

Avoid These Foods If You Have Heart Failure, https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/heart-and-vascular-blog/2020/august/avoid-these-foods-if-you-have-heart-failure#:~:text=Avoid%20cured%20and%20processed%20meats,tuna%2C%20trout%2C%20and%20cod. Accessed August 30, 2022

5 Foods to Avoid When You Have Heart Failure, https://www.healthgrades.com/right-care/heart-failure/5-foods-to-avoid-when-you-have-heart-failure Accessed August 30, 2022

Heart-healthy diet: 8 Steps To Prevent Heart Disease, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-disease/in-depth/heart-healthy-diet/art-20047702 Accessed August 30, 2022

Diet and Heart Disease risk, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/heart-disease-and-food Accessed August 30, 2022

Avoid these foods for a healthier heart, https://www.health.harvard.edu/healthbeat/avoid-these-foods-for-a-healthier-heart Accessed August 30, 2022

Kasalukuyang Version

02/26/2026

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Sakit Sa Puso, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Sanhi Ng Rheumatic Heart Disease: Anu-Ano Ang Mga Ito?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas