backup og meta

Ano ang High Blood Pressure? Heto ang Dapat mong Malaman

Ano ang High Blood Pressure? Heto ang Dapat mong Malaman

Ano ang ibig sabihin ng hypertension?

Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH), nasa 12 milyon ng mga Pilipino ang kinokonsiderang hypertensive. Karagdagan, ang hypertensive disease na komplikasyon ng hypertension ay nasa pang 7 na ranggo sa pinaka nangungunang sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas.

Upang maunawaan bakit ito ang pinaka nangungunang sanhi ng pagkamatay, kailangan muna natin maunawaan ano ang kahulugan ng hypertension.

Upang pasimplehin, ang hypertension ay pagkakaroon ng high blood pressure na mas mataas kaysa sa malusog.

Ayon sa WHO, kung ang blood pressure ng isang tao ay mas mataas sa 130 systolic at/o mas mataas sa 80 diastolic o nasa 130 over 80, ang taong iyon ay may mataas na blood pressure. Ibig sabihin nito na ang kanilang dugo ay mas may pressure sa kanilang arteries, at maaari itong maging sanhi ng maraming problema sa kalusugan.

Gayunpaman, ang pagkakaroon ng blood pressure na mas mababa ay hindi nangangahulugan na ang blood pressure ng isang tao ay nasa range ng isang malusog. Ang blood pressure na nasa 120 systolic hanggang 129 mmHg at diastolic na <80 mmHg o 120 hanggang 129 over less than 80 ay maaaring ibig sabihin na ang isang tao ay prehypertensive, o sila ay prone na magkaroon ng hypertension kinalaunan sa kanilang buhay.

Hindi sapat na malaman lamang ang kahulugan ng hypertension upang malaman ang mga banta ng sakit na ito. Mahalaga rin na malaman kung anong mga problema sa kalusugan ang maaaring mangyari mula sa hypertension.

Sanhi at Banta

Ngayon na alam na natin kung anong kahulugan ng hypertension, kailangan nating maunawaan ano muna ang sanhi nito.

Ang hypertension ay resulta ng maraming genetic at environmental factors na maraming epekto sa iyong cardiovascular at renal systems.

Bagaman ang eksaktong sanhi ng hypertension ay nananatiling hindi tiyak, maraming mga banta na maiuugnay sa pagkakaroon ng mga sumusunod:

  • Maaaring maging sanhi ng hypertension ang pagiging overweight o obese dahil mas maraming dugo ang kailangan na mag-pump sa buong katawan, na nagiging sanhi na tumaas ang pressure sa iyong blood vessels.
  • Ang kawalan ng ehersisyo o pisikal na gawain ay nagpapataas ng banta ng pagiging overweight, at ang mga tao na hindi nagsasagawa ng regular na ehersisyo ay may mas mataas na banta ng resting heart rates, na ibig sabihin na nahihirapan na mag-pump ng dugo ang puso.
  • Pagkakaroon ng hindi masustansyang diet, lalo na ang mga pagkain na may mataas na sodium ay nagpapataas ng blood pressure.
  • Paninigarilyo, o paggamit ng mga produktong tobacco ay maaaring panandaliang magpataas ng blood pressure habang ginagamit ito, at maaari ding makapinsala ng iyong mga blood vessels.
  • Isang salik din ang stress na nagko-contribute sa hypertension, dahil nakapagpapataas ng blood pressure ang pagiging stress.
  • Ang pag-inom ng sobrang alak ay maaaring maging sanhi ng hypertension. Ang byproduct ng alak ay masyadong marami at tinatawag itong acetaldehyde, na direktang nakapipinsala sa puso at sinisira ang kakayahan nitong mag-pump ng dugo.
  • Namamana rin ang hypertension, na ang ibig sabihin ay maipapasa ito mula sa mga magulang at anak.
  • May epekto rin ang edad sa hypertension, dahil tumataas ang iyong systolic blood pressure kung ikaw ay tumatanda.

ano ang high blood pressure

Statistics ng High Blood Pressure

Base sa impormasyon mula sa World Health Organization (WHO), nasa 1.13 na bilyon na mga tao sa buong mundo ay mayroong hypertension. At kada taon, nasa 7.6 na milyong mga tao ang namamatay dahil sa komplikasyon na resulta mula sa hypertension.

Ang pag-alam ng ibig sabihin ng hypertension ay nakatutulong sa mga tao na mas maging maalam tungkol sa kondisyon. Nakatutulong din ito na maiwasan ang mga banta na maaaring magpabawas ng tsansa na ma-diagnose ng hypertension, kinalaunan sa buhay nila.

Komplikasyon ng Hypertension

Naiuugnay ang hypertension ng pagtaas ng banta ng problema sa cardiovascular at kidney. Kung iniwang hindi natutugunan, maaaring humantong ang high blood pressure sa mga sumusunod na komplikasyon:

  • Isa pang komplikasyon ay heart failure. Ang pagkakaroon ng hypertension ay nagbibigay ng sanhi sa iyong puso na mas mahirapan na lumaban sa pagtaas ng pressure, maaaring magpakapal ito ng iyong heart muscles, na mas mahihirapan na mag-pump ng iyong dugo. Kinalaunan, ito ay maaaring humantong sa heart failure.
  • Ang stroke o heart attack ay posibilidad din para sa mga mayroong hypertension. Ang pagkakaroon ng hypertension ay maaaring maging sanhi sa walls ng arteries na maging matigas. Daihil dito mas mahihirapan na mag-circulate ang dugo sa katawan.
  • Aneurysm, o kung ang high blood pressure ay nagpahina sa blood vessels, na magiging sanhi na mag-bulge. Kung pumutok ang aneurysm, mabilis na hahantong ito sa pagkamatay.
  • Maaari ding magpahina ang high blood pressure ng vessels sa kidney, na maaaring mahinto ito sa normal na pag-function.
  • Maaari din nitong maapektuhan ang mata ng isang tao, kung lumaki na ang blood vessels, o sa ibang mga kaso, mapunit. Hahantong ito sa pagkalabo ng mata o pagkabulag.
  • Maaaring magpahinto ito ng maayos na pagdaloy ng dugo papuntang utak na hahantong sa dementia.

Kaya’t mahalaga na ma-manage ang iyong blood pressure, at manatiling i-check ito upang maiwasan ang mga komplikasyon na nabanggit.

Diagnosis

Maliban sa pag-alam kung anong ibig sabihin ng hypertension, magina ang mga banta, mahalaga na malaman ang mga senyales na maaaring mangyari sa kondisyon na ito.

Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH), ang stroke na resulta mula sa hypertension ay ang pangalawa sa pinaka karaniwang sanhi ng pagkamatay sa mga lalaki, at pang-apat na pinaka karaniwang sanhi ng pagkamatay sa mga babae.

Ang pagiging malay sa mga senyales ng hypertension ay nakatutulong sa mga tao upang ma-manage ito, at manatiling kontrolado ang blood pressure. Dahil ang hypertension ay karaniwang asymptomatic, may mga potensyal na sintomas na dapat na paalalahanan sa hypertension:

  • Blood pressure na mas mataas sa 130/80
  • Sakit sa ulo lalo na sa umaga
  • Pagdurugo ng ilong
  • Pagbabago ng paningin (malabo)
  • Tinnitus (tunog mula sa tenga)
  • Labis na pagkapagod o fatigue
  • Vertigo (paghilo o hindi balanse)
  • Sakit sa dibdib o angina

Posible rin sa isang tao na may hypertension na hindi makita ang mga sintomas na ito. Kaya’t tinatawag ang hypertension na silent killer, dahil ang mga sintomas ay hindi laging nararamdaman.

Kaya’t mahalaga na magkaroon ng regular na check sa iyong blood pressure upang masigurado na ito ay nasa malusog na range o mas mababa sa 120/80.

Pag-iwas

Maliban sa pag-alam kung ano ang high blood pressure, ang pag-alam paano maiiwasan ang hypertension ay napakahalaga.

Kumpara sa ibang mga potensyal na nakamamatay na kondisyon, ang hypertension ay maaaring ma-manage. Ang mga taong na-diagnose ng ganitong kondisyon ay maaaring makontrol ito nang walang gamot.

Narito ang ilang mga paraan upang manatiling malusog ang blood pressure:

  • Siguraduhin na magkaroon ng balanseng diet ng prutas at gulay, at mababa sa mga processed at fatty na pagkain.
  • Kumain ng kaunting maalat na pagkain, o gumamit ng kaunting asin sa pagkain.
  • Magsagawa ng pang-araw-araw na ehersisyo na nasa 30 minuto.
  • Kung ikaw ay naninigarilyo, ipinapayo na ihinto ito.
  • Kung ikaw ay regular na umiinom, ipinapayo na bawasan ang konsumo nito.

Lunas

Kung ikaw ay mayroon nang high blood pressure, narito ang mga paraan kung paano i-manage at lunasan ang hypertension:

  • Siguraduhin na tuloy-tuloy ang pagmo-monitor ng iyong blood pressure upang malaman na nama-manage mo ba ito.
  • Sundin ang mga sinabi ng doktor, at siguraduhin na uminom ng gamot na inireseta niya.
  • Iwasan ang pagkain ng mga mamantika o maalat na pagkain, at magdagdag ng maraming prutas at gulay sa iyong diet.
  • Magsagawa ng regular na ehersisyo upang matulungan na mapanatili ang malusog na timbang at manatiling malusog ang katawan.

Key Takeaways

Ang hypertension ay isang malaking problema sa kalusugan hindi lamang sa Pilipinas, ngunit sa buong mundo. Sa katunayan, maraming bilang ng mga tao na may hypertension. Sila ay nananatiling hindi pa nadi-diagnose at hindi malay sa kanilang kondisyon.
Maliban sa pag-alam ng kahulugan ng hypertension at pag-alam kung ano ang potensyal na sanhi nito, mahalaga rin na malaman paano ito maiiwasan.
Kaya’t ito rin ay magandang ideya na matingnan ang iyong blood pressure upang malaman kung ikaw ba ay nakararanas ng hypertension. At kahit na ikaw ay nasa normal range, mas mainam na magkaroon ng positibong pagbabago sa lifestyle upang magsimulang mamuhay nang mas malusog.
Ang banta ng hypertension ay tumataas sa pagtanda. Kaya’t ang pagpapanatiling malusog habang bata pa ay magandang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng high blood pressure kinalaunan sa buhay.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.who.int/health-topics/hypertension/#tab=tab_1

https://www.doh.gov.ph/sites/default/files/news_clips/040819-0003.pdf

http://www.healthdata.org/philippines

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/22157565

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/diagnosis-treatment/drc-20373417

https://www.health.harvard.edu/heart-health/reading-the-new-blood-pressure-guidelines

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/symptoms-causes/syc-20373410

https://www.heart.org/en/health-topics/high-blood-pressure/why-high-blood-pressure-is-a-silent-killer

http://pchrd.dost.gov.ph/index.php/events/6360-celebrate-hypertension-awareness-month-this-may

Kasalukuyang Version

05/23/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Nangyayari Ang Hypertensive Crisis?

Anu-ano ang mga Nirereseta na Gamot para sa High Blood?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement