Ang hypertension, kilala rin bilang high blood pressure ay kondisyon sa pwersa ng pagdaloy ng dugo sa katawan ng tao mula sa arteries. Kadalasang nilalarawan ang high blood pressure sa pagpiga ng puso ng tao ng mas maraming dugo kaysa sa normal at sa pasyenteng may mas makitid na arteries kaysa sa karaniwan. Kung ito ay hindi mapapasuri, ang high blood pressure ay nagpapataas sa panganib ng atake sa puso at stroke sa pasyente. Sa artikulo na ito pag-uusapan ang mga sanhi ng hypertension, senyales, sintomas, at pamamaraan ng diagnosis.
Mga uri at sanhi ng hypertension
Mayroong dalawang uri ng hypertension
Primary hypertension. Ito ay kilala bilang essential hypertension at ang pinaka karaniwang uri ng hypertension. Ito ay karaniwang resulta ng ilang genetic at kadahilanan sa kapaligiran na mayroong additive na epekto sa mga bahagi at paggalaw ng puso, kidney, ay mga ugat. Ang pagkakaroon ng kondisyong ito ay kumakalat sa paglipas ng mga taon. Ang kondisyong ito ay ang kasukdulan ng paligid, pamumuhay, history ng pamilya, pisikal na aktibidad, diet, at edad ng pasyente.
Secondary hypertension. Ang kondisyong ito ay nangyayari bilang epekto ng ilang gamot o kondisyon sa kalusugan na nagsasanhi ng mataas na presyon ng dugo. Ang mga sanhi ng ganitong uri ng hypertension ay kinabibilangan ng:
- Sleep apnea
- Primary Kidney problems, kabilang ang acute at chronic kidney disease
- Problema na may kaugnayan sa adrenal gland o thyroid
- Mga gamot tulad ng iniinom na contraceptives, anti-depressant, painkillers at paracetamol, iniinom na steroid, at decongestant.
- Mga ipinagbabawal na gamot tulad ng methamphetamines (shabu) at cocaine ay maaaring magtaas ng presyon ng dugo.
Nagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo sa paglipas ng panahon, maraming mga kadahilanan ang maaaring sanhi ng hypertension. Ito ay maaaring lumabas sa mga taong walang sapat na ehersisyo, at maging sa may diet na mataas sa fats at alat. Kabilang ang ilang kondisyon sa kalusugan tulad ng obesity at diabetes na nagpapataas sa panganib ng pasyente sa high blood pressure.
Ang high blood pressure na lumalabas kung nagbubuntis ay gestational hypertension.
Mga senyales at sintomas ng Hypertension
Maaaring asymptomatic ang mga pasyenteng may hypertension sa maaga nitong yugto. Kung kaya iminumungkahi na magkaroon ng regular na check-up ng blood pressure.
Ang maraming bilang ng pasyente na may hypertension ay nakakaranas ng mga sintomas. Ang mga sintomas na ito ay pagdurugo ng ilong, kapos na paghinga, at pananakit ng ulo na may iba’t ibang lala. Gayunpaman, ang mga may sintomas ay maaaring pareho sa sintomas ng ibang kondisyon. Kadalasan, ang mga sintomas na ito ay mas nakikita kung ang presyon ng dugo ay umabot na at napanatili ang mataas na lebel sa loob ng mahabang panahon.
Paano dina-diagnose ng doktor ang hypertension
Maliban sa pag-alam ng mga sanhi ng hypertension. Mahalaga rin na malaman kung paano makita ito.
Ang high blood pressure ay dina-diagnose sa paggamit ng blood pressure monitor. Sa test na ito, babalutin ng doktor o nurse ng band ang braso ng pasyente. Ang band na ito ay may kasamang meter at pump. Ang taong nagsasagawa ng test na ito ay pipigain ang cuff at pakikinggan ang pulso habang bumababa ang pagbabasa sa meter.
Naglalabas ang meter ng dalawang numero at ito ang nagiging blood pressure ng pasyente. Ang numero sa taas ng meter ay ang systolic reading. Ito ang pinakamataas na presyon ng dugo habang ang puso ay naglalabas ng dugo para sa buong katawan.
Samantala, ang number sa ibaba ay ang diastolic reading. Ito ang presyon na nararamdaman ng pasyente sa kaniyang puso kung ito’y napupuno ng dugo, na nagkukumpleto sa proseso ng sirkulasyon.
Bilang pangkalahatang tagubilin, natukoy ng mga medical practitioner ang normal na blood pressure ay mababa sa 120/80 mmHg. Ito ay totoo anuman ang sanhi ng hypertension ng tao. Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang yugto ng blood pressure ng pasyente:
- Ang normal na blood pressure ay mababa sa 120mm/Hg sa systolic at mababa sa 80 sa diastolic.
- Nasa pagitan naman ng 120-139mm/Hg sa itaas at 80-89 sa baba ang Prehypertension.
- Stage 1 high blood pressure ay 140-158 mm/Hg sa taas at 90-99 sa ibaba.
- Ang stage 2 high blood pressure ay 160 mm/Hg ang systolic o mas mataas at hindi bababa sa 100 ang diastolic
Lubos na inirerekomenda ng mga ekspertong medikal ang pagkakaroon ng annual check up sa blood pressure, partikular sa mga taong 18 gulang pataas o sa mga nasa panganib ng ilang sanhi ng hypertension.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Puso rito.
[embed-health-tool-bmi]