backup og meta

Mga Sanhi at Paggamot ng Lazy Eye

Mga Sanhi at Paggamot ng Lazy Eye

Ang amblyopia, na tinatawag ding “lazy eye,” ay abnormal development sa isa sa mga mata. Ito ay nangyayari kapag ang utak ay sa isang mata lang nagpapadala ng signals. Naiiwan ang isa pang mata na magkaroon ng normal vision. Humahantong din ito sa poor visual performance ng isang mata habang ang iba pang paningin ay nabubuo. Ang lazy eye ay hindi naiiba sa hitsura ng normal na mata. Gayunpaman, madalas itong gumagalaw at tumitingin sa ibang direksyon. Basahin pa dito ang tungkol sa mga sanhi ng lazy eye at paggamot dito.

Ang kondisyong ito ay madalas na nabubuo mula sa kapanganakan hanggang 7 taong gulang. Kung hindi ginagamot, matututo ang utak na ganap na huwag pansinin ang isang mata at humantong sa kapansanan o pagkawala ng paningin. 

Sa ilang mga bihirang kaso, posibleng maapektuhan ang parehong mga mata. Gayunpaman, ang mahinang paningin o pagkawala ng paningin ay maiiwasan kung ang sanhi ng lazy eye ay maagang masuri. Sa artikulong ito, tatalakayin ang pinakakaraniwang sanhi ng lazy eye at mga paggamot na naaangkop sa bawat stage.

Mga Sanhi at Paggamot ng Lazy Eye

Karamihan sa mga sanhi ng lazy eye ay nauugnay sa kawalan ng kakayahan ng utak na magproseso ng mga signal mula sa isang mata. Nakakaabala ito sa development ng paningin alinman sa isa o parehong mga mata. Ang ilan sa mga sanhi ay:

Muscle Imbalance

Nangyayari ang amblyopia kapag ang muscles na nagpo-posisyon sa mga mata ay hindi gumana nang magkasama. Ang imbalance sa mga mata ng muscle ay maaaring magdulot ng mahinang visual performance na maaaring magresulta sa amblyopia sa ibang pagkakataon. 

Refractive Errors

Nangyayari ito kapag ang kabilang mata ay may mas malakas na pokus kaysa sa isa. Kung minsan, maaaring makaranas ang isang mata ng nearsightedness o farsightedness. Kung naayos ng utak ang vision, hindi nito papansinin ang mata na may mahinang visual performance na kadalasang nagiging lazy eye.

Deprivation

Nangyayari ito kapag ang mata ay nagkaroon ng cloudy lens na maaaring makagambala sa pagkakaroon ng malinaw na paningin. Ito ay tinatawag na katarata. Tanging ang operasyon ng katarata ang treatment sa kundisyong ito. Makakatulong ito upang maiwasan ang permanenteng pagkawala ng paningin.

Maaari rin itong mangyari kapag naharangan ang tamang paningin at hindi magawa ng mata ang kanyang function tulad ng pamamaga ng mata, cellulitis, eyelid mass, at iba pa.

Ptosis

Isa itong eye condition kung saan ang itaas na talukap ng mata ay may posibilidad na lumaylay o bumagsak. Maaari nitong hadlangan ang pagbuo ng paningin na maaaring humantong sa amblyopia.

Glaucoma

Tumutukoy ito sa pinsala sa development ng paningin dahil sa mataas na pressure. Madalas itong nakakasira sa optic nerve.

Mga sintomas

Ang mga sintomas ng amblyopia ay maaaring mahirap makilala maliban kung ito ay nagiging malubha. Narito ang madaling matukoy na mga sintomas ng maagang yugto ng amblyopia:

  • Poor Depth Perception. Ito ay ang kawalan ng kakayahang makita ang mga bagay sa three-dimension at nahihirapang matukoy ang distansya sa pagitan ng dalawang bagay. Kaya, hindi masasabi ng isang tao kung ang puwang ay malayo o malapit.
  • Squinting Eye o Banlag. Ang parehong mga mata ay nakatingin paloob o palabas na ang mga mata ay halos nakapikit upang mas makakita ng mga nakikilalang larawan.
  • Pagkiling ng Ulo. Ang paggalaw tulad ng pagkiling ng ulo ay maaaring isa sa mga sintomas. Ipinapalagay nito na ang isang mata ay may mas mahusay na paningin kaysa sa isa.
  • Strabismus. Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga mata ay hindi pantay-pantay – maaaring duling o tumitingin sa magkasalungat na direksyon.

Mga Paggamot

Ang paggamot sa amblyopia ay depende sa lala ng kondisyon at kagustuhan ng pasyente. Patuloy rin ang research para sa mas mahusay na  paggamot.

Narito ang ilang mga kasalukuyang paggamot na makakatulong sa tamang paningin sanhi ng lazy eye:

  • Salamin o Contact Lens. Ang corrective glass o contact lens ay makakatulong na mai-tama ang paningin. Gayunpaman, naaangkop lamang ito sa nearsightedness, farsightedness, o astigmatism. Karaniwan, ang ganitong uri ng paggamot ay angkop lamang sa maagang na-diagnose na amblyopia.
  • Eye Patch. Sa treatment na ito, ang matang tatakpan ay ang may mas mahusay na paningin upang hayaan ang utak na tumuon lamang sa pagpapabuti ng mata na may mahinang paningin. Karaniwang tumatagal ng dalawa hanggang anim na oras sa isang araw, depende sa lubha ng amblyopia. Kung tumatagal ng higit sa itinakdang oras, ang nakatakip na mata ay malamang na magkaroon ng amblyopia. 
  • Bangerter Filter. Isa itong espesyal na filter na inilalagay sa isa sa mga lente ng eyeglasses na may mas malakas na paningin. Gumagana ito tulad ng eyepatch na tumutulong sa mga mahihina na mapabuti ang visual performance. 
  • Eye Drops. Ang eyedrop medication na tinatawag na atropine ay pansamantalang pinalalabo ang mata na mas malinaw. Ito ay karaniwang inirereseta para sa pang-araw-araw na paggamit o kung weekends. Gayunpaman, maaaring may side effects gaya ng eye irritation o pagiging sensitibo sa liwanag. 
  • Training. Nakakatulong din ang games at activity-based training sa pagpapabuti ng imbalance vision ng mga pasyente gaya ng  computer games, puzzle, at drawing. Gayunpaman, hindi ito sapat upang ganap na gamutin ang amblyopia.  
  • Operasyon. Inaayos nito ang posisyon ng mata at ang mga muscle nito. Gayunpaman, pagkatapos ng operasyon, nangangailangan ng mga karagdagang paggamot, tulad ng paggamit ng mga patch sa mata, para maitama ang paningin. Ang success rate ng amblyopia nag-iiba mula ng 30% hanggang 80%.       

Key Takeaways

Key Takeaways

Ang lazy eye o amblyopia ay kondisyon sa mata kung saan ang isang mata ay may mas malakas na paningin kaysa sa isa. Karaniwang nangyayari ito sa mga bagong silang na bata at mga batang may edad hanggang 7 taong gulang. Ang pinakakaraniwang dahilan ay ang brain-to-eye signal malfunction. Kung ang lazy eye ay hindi matukoy ng maaga, maaari itong maging sanhi ng pagkawala ng paningin o pagkabulag. Maaaring makatulong ang treatment upang ayusin ang imbalance vision ng magkabilang mata kung ito ay matukoy bago ito lumala.

Matuto pa tungkol sa Mga Sakit sa Mata dito

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lazy eye (amblyopia), https://www.allaboutvision.com/conditions/amblyopia.htm Accessed January 5, 2021

Lazy Eye (Amblyopia), https://www.webmd.com/eye-health/amblyopia-child-eyes#1  Accessed January 5, 2021

Lazy Eye (Amblyopia), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/lazy-eye/diagnosis-treatment/drc-20352396 Accessed January 5, 2021

Amblyopia: What Is Lazy Eye?, https://www.aao.org/eye-health/diseases/amblyopia-lazy-eye  Accessed January 5, 2021

 

Kasalukuyang Version

03/01/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Victor Paulino, MD, DPBO

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Kuliti: Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Blepharitis


Narebyung medikal ni

Victor Paulino, MD, DPBO

Ophthalmology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement