Ang namuong dugo sa mata, o subconjunctival hemorrhage, sa medikal na terminolohiya ay maaaring maranasan dahil sa maraming dahilan. Ilan sa mga dahilan na ito ay seryosong medikal na kondisyon, bagaman ang iba ay hindi naman nangangailangan ikabahala na sanhi. Bago tayo magsimula sa pagtalakay sa mga sanhi ng namuong dugo sa mata, pag-usapan muna natin kung ano ito.
Ano ang Namuong Dugo sa Mata?
Nangyayari ang namuong dugo sa mata dahil sa tagas o pagkasira ng malawak at marurupok na blood vessels sa ilalim ng conjunctiva, ang manipis at transparent na membrane. Ang membrane na ito ay makikita sa ilalim ng sclera, ang puti ng mata. Ang tagas ng dugo sa ilalim ng conjunctiva ay humahantong sa namuong dugo sa mata. Maaaring iba-iba ang laki ng spot, mula sa maliit na tuldok hanggang sa kasing laki ng sakop ang buong sclera.
Ang dami ng tagas ng dugo ay natutukoy sa lala ng injury o laki ng injured blood vessels. Hindi palaging malaki ang injured vessel. Ang mga malalaking vessels ay maaari ding pumutok, na magiging sanhi ng mas malaking pulang spot na nasasakop ang kabuuang mata. Ang mga spots na ito ay karaniwan sa mga indibidwal sa iba’t ibang edad. Kaugnay dito ang sakit, iritasyon, o ibang side effects.
Ang namuong dugo sa mata ay karaniwang nakikita bilang nakakatakot at dapat alalahanin. Ngunit kadalasan hindi ito hahantong sa karamdaman sa paningin o ibang mga side effects. Sa kabuuan, ito ay nawawala nang kusa sa isa o dalawang linggo. Gayunpaman, ipinapayo na magpatingin sa doktor upang mawala ang banta ng medikal na kondisyon tulad ng impeksyon sa mata na nangangailangan ng gamutan.
Ngayon, tignan naman natin ang nangungunang mga sanhi ng subconjunctival hemorrhage.
Sanhi ng Namuong Dugo sa Mata
Mga gawain na nagpapataas ng lebel ng blood pressure
Ang pagbahing at pag-ubo nang maraming beses, pagsusuka, pagbuhat ng mabigat, panganganak, constipation, at iba pa ay maaaring humantong sa pagtaas ng lebel ng blood pressure. Napatataas nito ang tsansa ng pamumuo ng dugo sa mata. Gayunpaman, ang pagtaas ng blood pressure ay hindi lang nagiging sanhi ng mga namuong dugo. Narito ang ilan sa mga karaniwang sanhi ng namuong dugo:
Injury o sugat sa mata
Ang minor na injury sa mata ay sanhi ng mga bagay na nakatusok sa ibabaw ng mata, sa sobrang pagkuskos o sa insektong lumipad sa mata. Maaari nitong masira ang fragile blood vessels sa ilalim ng sclera na magiging sanhi ng tagas ng dugo. Karagdagan, maaari itong humantong sa namuong dugo sa mata. Karaniwang ipinapayo na magsuot ng protective eyewear tulad ng eye shades para sa sports at mga gawain na kabilang ang mga alikabok. Mainam ang sunshades upang maprotektahan ang mga mata sa labas ng bahay. Nakababawas din ito sa banta ng mga maliliit na particles na mapunta sa iyong mga mata dahil sa hangin.
Iritasyon mula sa contact lens
Ang maliit na dumi na nakuha ng iyong contact lens ay maaaring sanhi ng sapat na iritasyon upang kuskusin ang iyong mga mata. Maaari itong maging sanhi ng dugo sa capillaries sa ilalim ng sclera. Ito ay sisirain o tatagas, na magiging sanhi ng namuong dugo sa mata. Siguraduhin na tanggalin ang lens at linisin nang mabuti kung nagpapakati ito ng mata. Hindi lamang iyon, laging isaisip na huwag suotin sa mahabang panahon ang iyong lens na mas mahaba sa inirekomendang oras. Kung ang iyong ginagamit ay disposable lens, palitan ang mga ito base sa panuto sa manwal.
Blood thinners
Ang mga gamot na espesyal sa pagpapanipis ng dugo ay nagpapataas ng tsansa ng pagdurugo. Ilan sa mga gamot na ito ay aspirin, heparin, enoxaparin, apixaban, enoxaparin, rivaroxaban, warfarin, at dabigatran.
Episcleritis
Ang episcleritis ay malalang disorder ng pamamaga ng episclera, ang malawak na tissue sa pagitan ng white sclera at ng conjunctiva. Ang episclera ay may manipis na network ng blood vessels. Karaniwang nawawala ang kondisyon na ito nang kusa. Bagaman ang ilan sa mga kaso ay maaaring humantong sa disorder na pamamaga sa ibang mga bahagi ng katawan.
Sickle cell anemia
Ang blood disorder na ito ay karaniwang namamana. Ito ay nangyayari kung ang abnormal na hugis ng blood cells ay nakakadulot sa problema sa pagdaloy ng dugo at oxygen sa buong katawan. Ang sakit na ito ay nagpaparamdam sa pamamagitan ng pananakit ng katawan, malalang anaemia, at mga tuldok tuldok sa sclera na hugis kuwit na o linya. Ang sickling ng red blood cells sa loob ng marurupok na blood vessels ay humahantong sa pagharang, na sanhi ng namuong dugo.
Conjunctival hemangioma
Sa kondisyon na ito, ang namuong dugo sa mata ay maaaring makita dahil sa blood vessels na nabubuo sa sclera, dagdag pa ang congenital malformation. Ang paglaki na ito ay benign at maaaring matanggal sa pamamagitan ng operasyon.
Blood clotting disorders
Ang blood clotting disorders tulad ng von Willebrand disease at hemophilia ay maaaring magpataas ng banta ng namuong dugo sa mata.
Kaya’t mainam na konsultahin ang iyong doktor kung nakapansin ng namuong dugo sa mata. Lalo na matapos makaranas ng mga sanhi nito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.