Kung nagpaplano kang kumuha ng isang pares ng salamin para sa radiation upang maprotektahan ang iyong mga mata mula sa blue light, basahin ito. Sa artikulong ito, sasagutin natin ang tanong na ito: Mabisa ba ang paggamit ng anti-radiation glasses?
Kung nagpaplano kang kumuha ng isang pares ng salamin para sa radiation upang maprotektahan ang iyong mga mata mula sa blue light, basahin ito. Sa artikulong ito, sasagutin natin ang tanong na ito: Mabisa ba ang paggamit ng anti-radiation glasses?
Habang ang blue light ay isang termino na bahagyang bago, ang computer radiation ay hindi. Sa katunayan, ang isyu tungkol dito ang nagbigay inspirasyon sa maraming mga mananaliksik upang malaman kung gaano karaming radiation ang nagmumula sa ating mga screen. Ano nga ba ang computer radiation, at paano ito naiiba sa blue light?
Ang radiation ay isang anyo ng enerhiya na nagmumula sa parehong visible at invisible light. Ang visible light ay tumutukoy sa mga kulay tulad ng pula, kahel, dilaw, berde, at asul. Tandaan na ang mas maiinit na kulay, tulad ng pulang ilaw, ay may mas mababang enerhiya, habang ang mas malalamig na kulay, gaya ng asul na ilaw, ay may mas maraming radiation.
At pagkatapos, siyempre, mayroong tinatawag na invisible light, na binubuo ng mga ultraviolet rays. Ang mga UV lights ay may pinakamataas na enerhiya o radiation at maaaring humantong sa mga panganib sa kalusugan, depende sa exposure. Kinabibilangan ito ng ilang mga sumusunod na kondisyon:
Eto ang ideya: ang blue light na ibinubuga ng mga digital screens ay ang pinakamalapit sa mga UV rays. Nangangahulugan ito na sa tabi ng UV rays, ang blue light ay gumagawa ng pinakamataas na radiation. Dahil dito, marami ang naniniwala na ang paggamit ng salamin para sa radiation ay isang mabisang paraan para maprotektahan ang mata habang gumagamit ng gadgets. Ngunit epektibo ba ang mga salamin para sa radiation? Magbasa para malaman mo.
Ang mga device ay naglalabas ng radiation. Ngunit, hindi ito nagdadala ng sapat na enerhiya upang magdulot ng mga panganib sa kalusugan. Bukod dito, napagalaman sa mga pag-aaral na ang mga electronic gadgets ay hindi naglalabas ng mapanganib na ultraviolet rays.
Ngunit, paano naman ang blue light?
Ibinibigyang punto ng American Academy of Ophthalmology na walang katibayan na ang blue light mula sa mga digital na screen ay nagdudulot ng pinsala sa mata. Kung nakakaramdam ka ng ilang discomforts sa mata, tulad ng malabong paningin at pagod, pananakit ng mata, marahil ito ay dahil sa matagal na paggamit ng gadget. Sinasabi ng mga eksperto na kapag ginagamit natin ang ating mga screen, mas madalas tayong kumukurap. Ito ay maaaring humantong sa pagkapagod ng mata at pagkatuyo ng mga mata.
Eto ang isang munting paalala: bagama’t walang siyentipikong ebidensya na ang blue light ay nakakasira sa mga mata, ipinakita ng mga pag-aaral na maaari itong makaapekto sa ating sleep-wake cycle. Sapat na para sabihin, kung gagamit ng mga gadget malapit sa oras ng pagtulog, maaaring ito makapigil sa pagtulog.
Gumagana umano ang mga salamin para sa radiation sa pamamagitan ng pagharang sa blue light na ibinubuga ng mga devices. Gayunpaman, dahil walang siyentipikong datos na nagpapaliwanag sa maaaring pinsala nito sa mata, iwiniwika ng The American Academy of Ophthalmology na hindi natin kailangan ang mga ito. Sa katunayan, hindi nila inirerekomenda ang anumang espesyal na salamin para sa radiation para sa mga taong gumagamit ng kompyuter.
Higit pa rito, dahil ang mga salamin para sa radiation ay isang bagong uso, wala pang siyentipikong data tungkol sa mga ito. Ang kakulangan sa pag-aaral ay isang dahilan kung bakit maraming eksperto ang tutol sa paggamit ng anti-blue light glasses. Ayon sa kanila, hindi pa naman natutukoy kung ano ang mga potensyal na benepisyo at pinsala na maaaring idulot ng mga espesyal na salamin na ito sa nagsusuot.
Dahil hindi pa rin natin alam kung ang paggamit ng salamin para sa radiation ay isang mabisang paraan para protektahan ang mga mata, iminumungkahi ng mga eksperto na manatili tayo sa mga natural na paraan upang mabawasan ang eyestrain. Maaari mong gawin ang mga sumusunod:
Umupo nang maayos. Siguraduhin na ang iyong kompyuter ay nasa may kasinghaba ng iyong braso (25 pulgada) mula sa iyo. Iposisyon ang screen sa paraang nakatingin ka nang bahagya pababa.
I-praktis ang 20-20-20 rule. Tuwing 20 minuto, ibaling ang iyong tingin sa isang lugar na 20 talampakan ang layo sa loob ng 20 segundo. Ito ay isang mahusay na pagsasanay upang i-relax ang mga mata.
Gumamit ng eye drops. Kung nakakaranas ka ng mga tuyong mata, kausapin ang iyong doktor tungkol sa magandang eye drops na naglalaman ng artipisyal na luha.
Gumamit ng screen filter. Maaari mong bawasan ang screen glare o harsh reflection sa pamamagitan ng paggamit ng matte screen filter.
I-adjust ang liwanag. Habang gumagamit ng mga electronic device, maaari mong bawasan ang pagkapagod ng mata sa pamamagitan ng pag-aayos ng liwanag sa iyong kuwarto para hindi maging nakasisilaw ang screen. Gayundin, maaari mong baguhin ang contrast sa iyong mga device.
Alamin ang iba pa tungkol sa Kalusugan ng Mata dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Ultraviolet radiation emitted by lamps, TVs, tablets and computers: are there risks for the population? https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4560556/ Accessed December 1, 2020
Does blue light from electronic devices damage our eyes? https://wexnermedical.osu.edu/blog/blue-light-and-vision Accessed December 1, 2020
Do Blue Light Blocking Glasses Actually Work? https://health.clevelandclinic.org/do-blue-light-blocking-glasses-actually-work/ Accessed December 1, 2020
Debunking blue light glasses claims to focus on proven eye issues https://www.tmc.edu/news/2020/01/debunking-blue-light-glasses-claims-to-focus-on-proven-eye-issues/ Accessed December 1, 2020
Should You Be Worried About Blue Light? https://www.aao.org/eye-health/tips-prevention/should-you-be-worried-about-blue-light Accessed December 1, 2020
Are Computer Glasses Worth It? https://www.aao.org/eye-health/tips-prevention/are-computer-glasses-worth-it Accessed December 1, 2020
Research progress about the effect and prevention of blue light on eyes, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6288536/ Accessed September 13, 2021
Blue light has a dark side, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/blue-light-has-a-dark-side, Accessed September 13, 2021
Kasalukuyang Version
08/29/2022
Isinulat ni Fiel Tugade
Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD
In-update ni: Dexter Macalintal, MD