Ang color blindness o color vision deficiency ay ang kakulangang makita ang iba’t ibang kulay o pagkakaiba sa pagitan ng ilang mga kulay. Karaniwan ito sa mga kulay pula at berde, at kung minsan ay kasama ang asul. Upang higit na maunawaan kung paano ito nangyayari, alamin ang tungkol sa mga sanhi, sintomas, at diagnosis at kung nagagamot ba ang color blindness.
Paano natin nalalaman ang kulay?
Ang ating retina ay may dalawang uri ng light-detecting cells.
- Rods. Nade-detect lamang nito ang liwanag at dilim at sensitibo sa mahinang liwanag.
- Cones. Pangunahing nagde-detect ng kulay. Ang cones ay nahahati pa sa tatlong uri depende sa kulay na nade-detect: pula, berde, at asul.
Ang input mula sa mga cone na ito ay kung ano ang nakikita ng ating utak bilang kulay.
Mga Sintomas
Ang mga sintomas ng color blindness direkta. Hindi mo nakikita ang mga kulay tulad ng sa karamihan. Nahihirapan kang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng ilang mga kulay na nakikita. Ang ilang kulay ay nakikita mo na mas maliwanag kaysa sa iba, at nahihirapan ka rin sa iba’t ibang mga kulay.
Maliban kung naghihinala ka na na dumaranas ka ng color blindness, talagang mahirap mapansin ang mga sintomas. Dahil kadalasan, ang mga ito ay napaka mild. Halos hindi ito makakaapekto sa iyong pang-araw-araw na gawain. Alamin pa kung nagagamot ba ang color blindness.
Kung ang kondisyon ay mula pa nang ipanganak ka, mayroon kang sariling paraan ng pagtingin sa mga kulay. Gayunpaman, may mga malubhang kaso kung saan ang color blindness ay nakakasagabal sa pang-araw-araw na gawain ng isang tao. Ang pagiging sensitibo sa liwanag o kahit na paggalaw ay maaaring nakakapagod sa mga mata, kaya gusto mo itong makita nang maayos.
Mga sintomas ng color blindness na maaaring maranasan ng isang tao:
Red-green color blindness
Marahil ito ang pinakakaraniwang uri ng color blindness, kung saan mahirap sabihin ang pagkakaiba sa pagitan ng mga nabanggit na kulay. Sa ganitong uri ng color blindness, mayroong 4 na subtype na maaari mong uriin sa ilalim ng:
- Deuteranomaly kung saan mas mapula ang hitsura ng mga berde
- Protanomaly, ang mga pula ay mukhang mas berde at hindi gaanong maliwanag,
- Protanopia at deuteranopia kung saan hindi mo talaga masabi ang pagkakaiba ng dalawang kulay.
Blue-yellow color blindness
Ang ganitong uri ng color blindness ay hindi gaanong karaniwan kaysa sa una. Nakakaapekto rin ito kung paano mo nakikita ang pagkakaiba sa pagitan ng blue at green at sa pagitan ng yellow at red.
Mayroon din itong dalawang uri:
- Tritanomaly. Nahihirapang matukoy ang blue at green at sa pagitan ng yellow at red
- Tritanopia kung saan hindi mo matukoy ang pagkakaiba ng blue at green, purple at red, at yellow at pink
Complete color blindness
Ito ang pinakapambihirang uri ng color blindness na hindi mo makita ang mga kulay. Tinatawag din itong monochromacy, na maaaring magbigay sa iyo ng problema sa pagtingin at maaaring maging mas sensitibo ka sa liwanag.
Mga Dahilan ng Color Blindness
Mayroong ilang mga sanhi ng color blindness:
Namamana
Ang color blindness ay maaaring minanang karamdaman at mas karaniwan sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Kung ang iyong pamilya ay kilalang dumaranas ng isang uri ng color blindness, may posibilidad na minana mo ang kondisyon o madaling magkaroon ng isang uri ng disorder.
Ang namanang color blindness ay kadalasang nakakaapekto sa parehong mga mata. At ang tindi nito ay nananatili sa buong buhay mo. Muli, maaari kang magmana ng banayad, katamtaman, o malubhang antas ng colorblindness, anuman ang naranasan ng mga ninuno mo. Magbasa pa para malaman kung nagagamot ba ang color blindness.
Iba pang mga sakit
Maaaring hindi dinaranas ang color blindness sa iyong pamilya, pero maaari kang magkaroon nito sa bandang huli ng iyong buhay. Ito ay kapag dumaranas ka ng karamdaman. Ang mga nagdurusa sa mga sumusunod ay mas madaling kapitan ng colorblindness:
Nagagamot ba ang color blindness? Maaari itong makaapekto o hindi sa magkabilang mata, at habang ginagamot ang pinag-uugatang sakit, maaari ring bumuti ang color blindness mo.
Gamot
Ang mga gamot para sa autoimmune diseases, heart problems, erectile dysfunction, and psychological problems, bukod sa iba pa, ay maaaring magpabago ng iyong color vision sa isa o parehong mata. Muli, sa sandaling huminto ka sa pag-inom ng mga gamot na ito, maaari ring bumuti ang iyong color vision.
Mayroon ding ilang mga kemikal na maaaring magkaroon ng parehong epekto tulad ng carbon disulfide at fertilizers. Kung regular kang nagtatrabaho o humahawak sa mga kemikal na ito, maaaring lumala ang iyong color vision.
Pagtanda
Ang pagtanda ay hindi maiiwasan, at kasama nito ang paghina ng iyong kakayahang makakita ng mga kulay nang malinaw. Ang pagkilala sa kulay at kaibahan ay dahan-dahang kumukupas kasama ng iyong paningin at iba pang senses.
Nagagamot ba ang color blindness: Diagnosis at Paggamot
Upang malaman kung may color blindness, magsasagawa ang iyong ophthalmologist ng isang simpleng pagsusuri gamit ang iba’t ibang pattern ng multicolored dots. Ang test na ito ay tinatawag na Ishihara screening test.
Gumagamit ito ng mga kulay na pattern ng mga tuldok upang bumuo ng mga numero at hugis, na madaling makita kung wala kang anumang color deficiency. Kung color blind ka naman, mahihirapan kang matukoy ang numero o hugis, o ang mas malala wala kang makikita sa pattern.
Mahalagang i-consider na pwede ka pa ring mag-function nang normal nang hindi nalalaman na mayroon kang color deficiency. Ang visual acuity mo ay maaaring normal, ang eye exam ay normal. At maliban kung ang linya ng trabaho mo ay may kinalaman sa mga kulay na hindi mo makilala, magagawa mong mamuhay nang normal. Ang color blindness ay bihirang seryoso, pero maaaring may epekto ito sa iyong pang-araw-araw na buhay.
Maaaring maging mahirap para sa mga taong may color blindness na makakita ng mga warning signs sa pagmamaneho, traffic signs, pedestrian crossing, fire at safety exits at iba pa. Kaya pinakamainam pa rin na kumonsulta sa iyong doktor.
Iba pang mga paalala
Nagagamot ba ang color blindness? Ang hereditary color blindness ay walang anumang lunas, kaya ang tanging magagawa mo ay ang mag-adjust dito. Kung ikaw ay magulang na dumaranas ng ilang uri ng color blindness, maaari mong i-consider ang pagpapasuri sa iyong anak nang maaga para hindi siya mahirapan sa paaralan. Mahalaga rin na malaman kung mayroon kang ganitong kondisyon bago ka magsimula sa isang karera na kailangan ng color accuracy at iba pa.
Sa kabutihang palad, dahil sa tech advancements, posible nang gumawa ng tools para matulungan ang mga color blind na makilala ang kaibahan ng mga kulay. Ngayon, pwede ka nang magkaroon ng special glasses at contact lenses upang matulungan kang makilala ang mga kulay. Maaari mong gamitin ang iyong mobile phone na visual aid upang matukoy ang mga kulay. Kumuha lang ng larawan gamit ang app, pagkatapos ay i-tap ang mga lugar kung saan mo gustong malaman ang mga kulay.
Key Takeaways
Nagagamot ba ang color blindness? Ang color blindness ay maaaring hindi pangkaraniwan, ngunit may mga tao pa rin na gustong malaman ang tamang kulay. May mga paraan para ma-diagnose ka na may disorder, at habang nananatili itong walang lunas, may mga modernong tool na makakatulong sa iyong makayanan ang sitwasyon.
Matuto pa tungkol sa Eye Health dito.
[embed-health-tool-bmr]