backup og meta

Mga Sintomas at Sanhi ng Night Blindness: Mga Dapat Mong Malaman

Mga Sintomas at Sanhi ng Night Blindness: Mga Dapat Mong Malaman

Ang nyctalopia o night blindness ay tumutukoy sa hirap ng mata na makakita sa gabi, o sa madilim na paligid. Wala itong epekto sa paningin ng isang tao sa araw. Ano ang sintomas at sanhi ng night blindness?

Ang mga mata ng isang taong may night blindness

Ang pangunahing cells na nauugnay sa kondisyong ito ay rod cells. Ito ay mga photoreceptor cells na nasa retina. Kumukuha ang mga ito ng incoming visual stimuli sa mga anyo ng photons, at ginagawa ang mga ito na electrical signals. At pagkatapos, ang mga ito ay tutungo sa optic nerve at sa utak.

Ang mga sintomas at sanhi ng night blindness ay tumutukoy na ang Nyctalopia ay isang partikular na uri ng vision impairment. Itinuturing ito ng ilang medical professionals na sintomas ng underlying issue, sa halip na kondisyon mismo. 

Napansin na sa madilim na paligid o sa gabi, ang mga mata ay patuloy na nag-a-adjust sa mga lebel ng liwanag. Depende ito sa nakapaligid na lugar at sa bagay na tinitingnan. Para makakuha ng mas maraming liwanag, ang pupils mo lumalawak o lumalaki. Ang liwanag ng ito ay tatanggapin at ipoproseso ng retina, na nasa likod ng mata. Nasa retina ang rod at cone cells, na mga responsable sa pagtulong sa mata na maproseso ang mga kulay. At makakita nang malinaw sa dilim. Nagkakaroon ng night blindness kapag ang rod cells ay hindi gumagana nang maayos. Ito ay dahil sa injury, kondisyon, sakit, o iba pang dahilan.

Mga Sintomas at Sanhi ng Night Blindness

Bukod sa anumang mga problemang nauugnay sa age-related eye changes na tiyak na makakaapekto sa paningin sa araw at gabi, may ilang iba pang mga kondisyon. Ang mga ito ay maaaring kilalang mga sanhi ng night blindness.

Katarata

Ang mga katarata kung minsan ay nagdudulot ng pagbaba ng kakayahan ng mga mata na magproseso at mag-visualize ng images sa gabi. Ito ang clouding ng lens ng mata. Isa sa mga sintomas at sanhi ng night blindness.  Nagreresulta ito sa blurred at malabong paningin. Ang epekto ng clouding sa mga mata ay maaari ring magpatindi ng glares na nakikita mo kapag tumitingin sa mga ilaw.

Glaucoma

Ang glaucoma ay maaari ding maging sanhi ng Nyctalopia. Ito ay kondisyon na may posibilidad na magdulot ng pinsala sa optic nerve. Dahil kilala itong grupo ng mga kondisyon ng mata na pumipinsala sa optic nerve na nauugnay sa mataas na intraocular pressure.

Tulad ng maraming eye conditions, kung hindi ginagamot, maaari itong humantong sa pagkabulag.

Kakulangan sa Vitamin A

Bagaman ang ganitong kaso ay napakabihira, ang kakulangan sa vitamin A ay pwedeng mauwi sa night blindness. Ito ay dahil ang vitamin A ay may mahalagang papel sa pagtataguyod at pagpapanatili ng kalusugan ng mata. Sa pamamagitan ito ng paggawa ng rhodopsin, pigment na sensitibo sa liwanag at nasa rod cells. Nangangailangan ito ng constraint replenishment.

Ang kakulangan vitamin A ay maaaring dahil kulang sa pagkain. Maaaring mag-ambag sa kakulangan sa vitamin A ang mga sakit na nakakaapekto sa atay. Dagdag na dahilan din ang malabsorption kung kulang ka sa vitamin A. 

Mga Sintomas at Sanhi ng Night Blindness: Treatment 

Ang gamutan para sa night blindness at nagsisimula sa pagkonsulta sa iyong ophthalmologist. Makakatulong ang eye exam upang matukoy ang nakapaloob na dahilan ng nyctalopia. Kung may mga hinala ng kakulangan ng vitamin A, ipapayo ang blood test at maaaring alisin ang posibilidad na ito.

Nakadepende sa sanhi ang treatment para sa night blindness. Karamihan sa mga ito ay reversible kapag natukoy sa tamang oras. 

Ang pinakakaraniwang solusyon para sa katarata ay ang mga operasyon. Sa mga kaso ng kakulangan sa bitamina A, maaaring payuhan ang karagdagang bitamina A. Kung ang isang pasyente ay dumaranas ng Nyctalopia dahil sa glaucoma, maaaring magmungkahi ng alternatibong gamot.

Key Takeaways

Ang mga sintomas at sanhi ng night blindness ay makatutulong sa iyong ophthalmologist na matukoy ang naaangkop na paggamot para sa iyo. Dapat malinaw sa iyo na ang mga hakbang na maaari mong ilapat sa iyong sarili o home remedies ay hindi nagsisilbing pangunahing paraan ng paggamot. Ang mga ito ay mga hakbang na idinisenyo upang mabawasan ang mga panganib.
 

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Mata dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Physiology, Night Vision
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK545246/
Accessed January 5, 2021

Prevalence of Night Blindness in Bashagard district in Hormozgran, Iran, in 2011
https://medlineplus.gov/genetics/condition/x-linked-congenital-stationary-night-blindness/
Accessed January 5, 2021

Do You Have Night Blindness?
https://www.aarp.org/health/conditions-treatments/info-2020/night-blindness.html
Accessed January 5, 2021

Recommendations for Indicators: Night Blindness during pregnancy
https://academic.oup.com/jn/article/132/9/2884S/4687685
Accessed January 5, 2021

Night Blindness (Nyctalopia)
https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/10118-night-blindness-nyctalopia
Accessed January 5, 2021

Kasalukuyang Version

03/17/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Victor Paulino, MD, DPBO

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Nagagamot Ba Ang Color Blindness? Alamin Ang Diagnosis At Treatment

Anu-Ano Ang Benepisyo Ng Pagsusuot Ng Sunglasses, Ayon Sa Doktor?


Narebyung medikal ni

Victor Paulino, MD, DPBO

Ophthalmology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement