backup og meta

Vision Change Therapy: Paano Ito Ginagawa? Paano Ito Nakatutulong?

Vision Change Therapy: Paano Ito Ginagawa? Paano Ito Nakatutulong?

Ano ang vision change therapy? Ito ay isang isang step-by-step na plano ng mga biswal na proseso na sinusuportahan ng agham. Naglalayon itong gamutin o iwasto ang mga problema sa paningin. Karaniwan itong isinasagawa ng isang behavioral o developmental optometrist at low vision specialist (ophthalmologist)―na sumailalim sa espesyal na pagsasanay. Binubuo ito ng mga ehersisyong nakatuon sa pagsasanay sa mga kasanayan upang muling sanayin ang mga aspeto ng paningin.

Kabilang dito ang tracking, na tumutukoy sa paggalaw ng mata, at teaming, na tumutukoy sa koordinasyon at pagpokus ng mata. Nakatutulong ito sa mga pasyente na palakasin ang kanilang mga kasanayan at kakayahan sa paningin at binabago nito ang biswal na pagpoproseso at ang kanilang interpretasyon.

Ano Ang Vision Change Therapy? Mga Uri Nito

May tatlong pangunahing uri ang vision change therapy.

Una ay ang orthoptic vision therapy. Linggo-linggo itong isinasagawa sa loob ng maraming buwan at kadalasang ginagamit ng pediatric ophthalmologists at orthoptists. Nakatutulong ang unang kategoryang ito sa wastong paggana ng binocular.

Ikalawa naman ay ang behavioral o perceptual vision therapy. Ito ay nakapagpapabuti sa biswal na pagpoproseso at biswal na persepsyon ng isang tao.

Kasama sa ikatlong uri ang pag-iwas o pagwawasto ng myopia, o nearsightedness.

Ano Ang Vision Change Therapy? Paano Ito Ginagawa?

Ang vision change therapy ay nangangailangan ng pangangasiwa ng doktor at iniaayon sa pangangailangan ng isang tao na a makakita. Karaniwan itong isinasagawa sa opisina ng doktor, isa hanggang dalawang beses sa isang linggo sa loob ng 30 minuto hanggang isang oras. Minsan, ang mga prosesong ito ay maaaring gawin sa bahay.

Gumagamit ito ng therapeutic lens, prisms, filters, occluders o patches, timed electronic targets, balance boards maging ng iba pang mga kagamitan na partikular na ginawa para sa vision change therapy.

Ano Ang Vision Change Therapy? Sino Ang Maaaring Sumailalim Dito?

Ayon sa mga pag-aaral, isa sa 10 bata ang may mga problema sa paningin na negatibong nakaaapekto sa kanilang pag-aaral, lalo na sa mga hindi gumagana nang maayos ang mga mata. Anuman ang kanilang visual acuity — na tumutukoy sa talas ng paningin — ang ganitong uri ng therapy ay nakatutulong sa mga pasyente na sundan ang mga bagay sa kanilang paligid gamit ang kanilang mga mata.

Ang pagkakaroon ng normal na visual acuity, na nangangahulugan ng pagkakaroon ng “20/20 vision”, ay hindi katumbas ng pagkakaroon ng perpektong paningin. Nagbibigay lamang ito ng numerical na sukat para sa katalasan o kalinawan ng paningin ng isang tao sa isang tiyak na layo.

Tinutugunan ng vision change therapy ang iba pang mahahalagang kasanayang biswal, tulad ng kamalayang peripheral (side vision), koordinasyon ng mata (nabanggit kanina tungkol sa teaming), depth perception, kulay ng paningin, at kakayahang magpokus.

Anuman ang edad, kapaki-pakinabang ang vision change therapy para sa mga may amblyopia (“lazy eye“), convergence insufficiency, ilang uri ng strabismus (hindi aligned na mata), at problema sa paggalaw ng mata na tinatawag na oculomotor dysfunction.

Ano Ang Vision Change Therapy? Saan Ito Maaaring Gamitin?

Amblyopia

Tumutukoy ito sa hindi magandang paningin na nangyayari sa isang mata lamang. Ang impormasyon mula sa apektadong mata ay hindi maiproseso ng utak kaya nagreresulta ito sa kakulangan ng koordinasyon sa pagitan ng mata at utak. Ang bansag dito na  “lazy eye” ay mula sa mas maayos na mata na may kakayahang gumana nang mas mabuti.

Nagsisimula ang kondisyong ito sa pagkabata. Ito ay ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkabulag sa mga bata. Nakaaapekto ito sa tatlo sa 100 bata. Gayunpaman, epektibo ang gamutan nito at maaaring maiwasan ang mga pangmatagalang problema sa paningin.

Convergence Insufficiency

Ito ay nangyayari kapag ang mga mata ay hindi maaaring gumana nang magkasama kung tinitingnan ang mga bagay na malalapit. Isang mata lamang ang pumupunta sa gitnang bahagi sa halip na pareho. Ito ay nagreresulta sa double vision o malabong paningin. Nagiging sanhi ito ng kahirapan sa pagbabasa at madalas na maling natutukoy bilang problema sa pagkatuto.

Strabismus

Ang kondisyong ito ay maaaring “crossed eyes” o “walled eyes”. Ang strabismus ay nagdudulot ng mga problema sa pagkontrol sa paggalaw ng mata. Kabilang sa mga gamutan nito ay ang patches sa mata, salamin, ehersisyo sa mata, topikal na gamot, at operasyon.

Oculomotor Dysfunction

Ang karamdamang ito ay sanhi ng pagkakaantala sa pagdebelop o ng trauma sa utak na nakaaapekto sa central nervous system. Ito ay nakaapekto sa kakayahan ng utak na magkaroon ng koordinasyon sa mga mata upang gumalaw nang tama at may kontrol.

Key Takeaways

Walang duda na ang paningin ay isa sa pinakamahalagang senses ng sinoman. Kaya naman, ang wastong pangangalaga at interbensyon ay kinakailangan kung magkaroon man ng problema.
Nakatutulong ang vision change therapy na matugunan ang mga problemang ito. Maaari itong makatulong sa mga bata at mga nakatatandang nahihirapan sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Mahalagang tandaan na ang visual acuity ay hindi angkop na sukatan ng kakayahang biswal na mahalaga sa sinoman.

Matuto pa tungkol sa mga problema sa paningin dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is Vision Therapy? https://www.covd.org/page/Vision_Therapy, Accessed March 20, 2021

Vision Therapy, https://www.childrenshospital.org/conditions-and-treatments/treatments/vision-therapy, Accessed March 20, 2021

Vision Therapy, https://aapos.org/glossary/vision-therapy, Accessed March 20, 2021

Visual Acuity: What is 20/20 vision?, https://www.aoa.org/healthy-eyes/vision-and-vision-correction/visual-acuity?sso=y, Accessed March 20, 2021

Amblyopia (Lazy Eye), https://www.nei.nih.gov/learn-about-eye-health/eye-conditions-and-diseases/amblyopia-lazy-eye, Accessed March 20, 2021

Convergence insufficiency, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/convergence-insufficiency/symptoms-causes/syc-20352735’, Accessed March 20, 2021

Strabismus (Crossed Eyes), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15065-strabismus-crossed-eyes, Accessed March 20, 2021

Oculomotor Dysfunction, https://ocvt.info/oculomotor-dysfunction/, Accessed March 20, 2021

Kasalukuyang Version

03/09/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Victor Paulino, MD, DPBO

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Nagagamot Ba Ang Color Blindness? Alamin Ang Diagnosis At Treatment

Anu-Ano Ang Benepisyo Ng Pagsusuot Ng Sunglasses, Ayon Sa Doktor?


Narebyung medikal ni

Victor Paulino, MD, DPBO

Ophthalmology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement