backup og meta

Mga Kaalaman Tungkol Sa Mata: Ano Ang Totoo At Hindi?

Mga Kaalaman Tungkol Sa Mata: Ano Ang Totoo At Hindi?

Lahat tayo ay lumaking napakikinggan ang iba’t ibang mga babala pagdating sa kalusugan ng mata. Mula sa “Ang panonood ng telebisyon ay nakasisira ng mga mata,” hanggang sa “Ang pagkain ng carrots ay nagpapalinaw ng  paningin.” Marami pang mga katulad na babala. Ang listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin ay tila walang katapusan. Ngunit ang lahat ba ng mga babalang ito ay talagang katotohanan o mga maling paniniwala lamang? Sa artikulong ito, alamin ang lahat ng mga sikat na maling paniniwala at kaalaman tungkol sa mata.

Mga Kaalaman Tungkol Sa Mata

kaalaman tungkol sa mata

Maling paniniwala tungkol sa mata #1: Ang pagkain ng carrots ay nakatutulong upang mapalinaw ang paningin.

Katotohanan: Ito ay bahagyang totoo. Ang carrots ay mayaman sa vitamin A. Ito ay sustansyang nakatutulong upang magkaroon ng magandang paningin. Ngunit hindi lamang ang carrots ang mapagkukunan ng vitamin A.

May iba pang mga pagkaing regular nating kinakain na mapagkukunan din ng vitamin A. Kabilang dito ang gatas, itlog, kale, spinach, atbp. Kung sa halip na magtuon lamang sa carrots, siguruhing ang diet ay binubuo ng mga prutas at gulay na mayaman sa vitamin A.

Maling paniniwala tungkol sa mata #2: Ang pagtititig sa laptop ay nakasisira ng paningin.

Katotohanan: Isa sa pinakamahalagang kaalaman tungkol sa mata ay ang pagtititig sa laptop o computer nang mahabang oras ay hindi nakaaapekto sa paningin. Nagdudulot ito ng stress sa mga mata na maaaring magdulot pa ng pagsakit ng ulo o pagsakit ng bahagin sa paligid ng mga mata. Bilang karagdagan, habang nagtatrabaho sa harap ng computer, madalas nating nakalilimutang ipikit ang ating mga mata.

Ang kakulangan sa pagkurap ay maaaring magpatuyo ng mga mata at maging sanhi ng iritasyon. Tiyaking hindi masyadong malapit sa screen ng laptop o computer. Ipinapayo ang regular na pagpapahinga sa pagtititigin sa screen. Sundin ang 20-20-20 rule, na nagsasabing magpahinga sa kada 20 minuto, tumitig sa isang bagay na nasa layong 20 metro sa loob ng 20 segundo.

Maling paniniwala tungkol sa mata #3: Ang mga batang nanonood ng telebisyon nang masyadong matagal ay kakailanganin gumamit ng salamin.

Katotohanan: Walang pananaliksik na nagsasabing maaaring makasira ng paningin ng mga bata ang matagal na panonood ng telebisyon. Ito ay isang bagay na napakikingnan nating lahat habang lumalaki. Dahil ang kakayahang magpokus sa mga bagay na nasa malayong distansya ay hindi pa nadedebelop, ang mga bata ay madalas na nakaupo malapit sa telebisyon.

Tulad ng kapag ang mga bata ay nagbabasa ng isang libro, maaaring madalas makita silang hawak ang libro nang masyadong malapit sa kanilang mga mata. Habang tumatanda, karamihan sa mga bata ay malamang na magbabago ang mga gawi. Kung hindi binago ang gawing ito, ito ay isang indikasyon na ang isang bata ay may myopia. Gayundin, hindi lamang sa mga matatanda, mahalaga kahit maging sa mga bata na magkaroon ng regular na konsultasyon sa mata. 

Maling paniniwala tungkol sa mata #4: Hindi mapipigilan ang paglabo ng paningin.

Katotohanan: Karamihan sa mga medikal na kondisyon ay may kanya-kanyang mga sintomas, at gayundin ang mga problema sa mata. Kung makaranas ng anomang mga senyales at sintomas na may kaugnayan sa mga mata, mahalagang komunsulta sa doktor.

Isa sa mga pinakamahahalagang kaalaman tungkol sa mata na dapat tandaan ay: kung mas maaga ang diagnosis, mas epektibo ang magiging gamutan. Kabilang sa mga senyales at sintomas  ay ang malabong paningin, pagsakit ng mata o bahagi sa paligid nito, atbp. Ang maagang gamutan ay makatutulong upang mahinto ang panlalabo ng paningin o mapabagal ang proseso nito.

Maling paniniwala tungkol sa mata #5: Ang pagtitig sa araw nang walang salamin ay nakasisira ng paningin.

Katotohanan: Hindi ang liwanag ng araw ang mapanganib, kundi ang ultraviolet ray. Ang direktang pagtitig sa araw ay hindi mabuti. Maaari itong makasira ng paningin.

Ang mapanganib na sinag ng araw ay maaaring makasira ng retina ng mata. Maaari itong maging sanhi ng maraming mga sakit sa mata kabilang ang katarata, corneal dystrophies, solar retinitis, atbp.

Maling paniniwala tungkol sa mata #6: Nakatutulong ang mga ehersisyo sa mata na mapabuti ang paningin at kalusugan nito.

Katotohanan: Iminumungkahi ng mga doktor ang pagsasagawa ng mga ehersisyo sa mata kung mayroong convergence insufficiency. Ito ay kondisyon kung saan ang mga mata ay walang koordinasyon at kulang sa pokus.

Nakatutulong ang pagsasagawa ng regular na ehersisyo sa mata upang maalis o maiwasan ang kondisyong ito. Taliwas sa paniniwalang ang mga ehersisyo sa mata ay makatutulong upang maiwasan ang panlalabo ng paningin o nakatutulong na bawasan ang kapangyarihan ng salamin, nakatutulong lamang ito upang maiwasan o malunasan ang convergence insufficiency.

Maling paniniwala tungkol sa mata #7: Ang pagsusuot ng salamin sa loob ng mahabang oras ay nangangahulugan ng pagiging dependent dito.

Katotohanan: Kung may problema sa paningin at kung iminungkahi ng doktor ang paggamit ng salamin, mahalagang regular na suotin ito. Ang paggamit nito sa loob ng mahabang oras ay hindi nangangahulugan ng pagiging dependent dito.

Sa katunayan, ito ay nakatutulong lamang na tingnan ang mga bagay nang maayos. Ang hindi regular paggamit ng salamin ay makasasama lamang sa mata. Kaya, mas masisira ito o magreresulta pa ng kondisyon sa mata.

Maling paniniwala tungkol samata #8: Habang tumatanda, lumalabo  ang paningin.

Katotohanan: Ito ay hindi totoo. Hindi lahat ng tao ay may posibilidad na lumabo ang paningin habang tumatanda. May mga tiyak na kondisyon sa mata na maaaring magresulta sa pagkawala ng paningin ng mga tao. Ngunit karamihan sa mga kondisyon sa mata tulad ng mga katarata, presbyopia, atbp. ay maaaring gamutin at maiiwasan ang pagkawala ng paningin kabilang na ang mga matatanda.

Ipinapayong sumailalim sa regular na pagpapasuri ng mga mata upang alamin kung may anumang kondisyon. Kung ang kondisyon ng mata ay na-diagnose sa maagang yugto, makaktutulong ito upang gamutin at maiwasan ang anomang mga karagdagang problema sa mata.

Matapos malaman ang lahat ng sikat na maling paniniwala at kaalaman tungkol sa mata, narito naman ang ilang bonus tips. Tandaan ang mga ito upang magkaroon ng malusog na mata.

kaalaman tungkol sa mata

Tips Sa Pagpapanatili Ng Malusog Na Mata

  • Kumain ng pagkaing mayaman sa vitamins A, C, zinc, at omega-3 fatty acids na nakatutulong na mapanatili ang kalusugan ng mata. Ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain ay nakatutulong upang maiwasan ang maraming sakit kabilang ang obesity diabetes, sakit sa puso, atbp. Siguruhing ang diet ay binubuo ng mga madadahong gulay, orange, mani, salmon, at mga talaba.
  • Iwasan ang paninigarilyo. Ang labis na paninigarilyo ay nakasisira sa mga mata at nakapagpapataas ng tyansa ng pagkakaroon ng katarata.
  • Iwasan ang labis na pagkakalantad sa araw. Upang maprotektahan ang mga mata mula sa mapanganib na UV rays, gumamit ng sunglasses na may magandang kalidad.
  • Limitahan ang oras ng pagtititig sa screen. Ang sobrang tagal ng pagtititig sa screen ay maaaring magpatuyo ng mga mata at magdulot ng malabong paningin. Habang nagtatrabaho gamit ang computer, siguraduhin kumurap nang madalas, magpahinga sa pagtititig sa screen, atbp.
  • Mag-iskedyul ng regular na konsultasyon sa ophthalmologist. Kung nakararanas ng anomang mga problema sa paningin, ipaalam ito sa doktor. Kahit na walang anomang mga problema sa mga mata, ang pagkakaroon ng regular na pagsusuri nito ay kinakailangan.
  • Kung may family history ng mga kondisyon ng mata, ipaalam ang mga ito sa doktor.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Mata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

20 Eye and Vision Myths, https://www.aao.org/eye-health/tips-prevention/common-eye-vision-myths-facts, Accessed on 01/05/2020

Common Eye Myths, https://www.preventblindness.org/common-eye-myths, Accessed on 01/05/2020

Eye Health: Myths and Facts, https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/eye-health-myths-and-facts, Accessed October 18, 2021

15 Fascinating Facts About Your Eyes, clevelandclinic.org/15-fascinating-facts-about-your-eyes-infographic-2/, Keep an Eye on Your Vision Health

Keep an Eye on Your Vision Health, https://www.cdc.gov/visionhealth/resources/features/keep-eye-on-vision-health.html, Accessed October 18, 2021

Kasalukuyang Version

10/18/2024

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Victor Paulino, MD, DPBO

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Benepisyo ng Kalabasa: Hindi Lamang ito pang-Halloween! Alamin Dito

Mabuting Kalusugan Ng Mata: Mga Dapat Malaman


Narebyung medikal ni

Victor Paulino, MD, DPBO

Ophthalmology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement