Napansin mo bang ang iyong mga mata ay namumula? Malamang ikaw ay may bloodshot eyes. Upang matulungan kang malaman kung ano ang maaaring sanhi ng iyong kondisyon at paano tugunan ito, narito ang mabilis na gabay sa sanhi at lunas ng pamumula ng mata.
Ano ang Sanhi ng Pamumula ng Mata?
Ang mapulang mata ay termino na nagbibigay katangian sa bloodshot eyes. Ang mapulang mata ay kadalasang hindi masakit at nangyayari kung ang daluyan ng dugo malapit sa ibabaw ng mata ay dumilat at lumaki.
Ang pamumula ng mata ay hindi mapaminsala. Gayunpaman, ang mapulang mata ay maaaring maging problema kung ito ay may kasamang pagbabago sa paningin o sakit.
Ang pinaka karaniwang sanhi ng pamumula ng mata ay ang dilat at namamagang daluyan ng dugo. Gayunpaman, maraming mga karaniwang sanhi ng pamumula ng mata, kabilang na ang:
Irritants
Kung ang irritants ay napunta sa iyong mga mata, maaaring mamaga ang vessels sa iyong mga mata. Ilan sa mga karaniwang sanhi ng irritants sa mata ay:
- Paglantad sa araw
- Tuyot na hangin (sa opisina, arid na klima at iba pa)
- Pag-ubo
- Usok (galing sa sigarilyo, apoy, at iba pa)
- Viral o bacterial na impeksyon S
- Sipon
- Allergic reactions
- Alikabok
- Kemikal, tulad ng galing sa pool na may chlorine
- Singaw galing sa solvents, gasoline at iba pa
Strain
Ang pag-ubo o pwersa sa mata ay maaaring maging sanhi ng subconjunctival hemorrhage. Kung ikaw ay nagkaroon ng subconjunctival hemorrhage, ibig sabihin nito ang maliliit na daluyan ng dugo sa puting parte ng mata ay nahati.
Kung ikaw ay nagkaroon ng subconjunctival hemorrhage, maaari kang magkaroon ng mapulang patse ng dugo sa puting parte ng iyong mata. Bagaman ito ay mukhang seryoso, tipikal na mawawala ito nang kusa sa loob ng 7 hanggang 10 mga araw. Gayunpaman, mainam na humingi ng medikal na atensyon kung nakaranas ka ng sakit sa mata.
Impeksyon sa Mata
Maaaring mas seryosong sanhi ang impeksyon sa mata. Ang impeksyon ay maaaring mangyari sa iba’t ibang struktura ng mata, at ang sintomas ay pagkalabo at pagkakaroon nana o hapdi sa mata.
Ang ilang impeksyon na maaaring maging sanhi ng pamumula ng mata ay:
- Uveitis, na pamamaga sa uvea
- Corneal ulcers, na sugat sa ilabas na bahagi ng mata
- Pink na mata o conjunctivitis, na pamamaga sa layer na nasa magkabilang-dulo ng mata
- Blepharitis, na pamamaga sa parte ng pilikmata.
Ibang posibleng sanhi:
- Rheumatoid arthritis
- Sugat sa mata
- Paggamit ng marijuana
- Kuliti
- Mga kalmot sa cornea na sanhi ng irritants o sobrang paggamit sa contacts
- Problema sa pagdurugo
- Acute glaucoma, na sanhi ng mabilis na pagtaas ng presyon sa mata, na kadalasang kaugnay ng sakit sa mata at sakit sa ulo. Maaari itong maging sanhi ng permanenteng pagkabulag.
Anong Maaaring Mangyari Kung Binalewala Ko ang Pamumula ng Mata?
Sa karamihan ng mga kaso, ang pamumula ng mata ay maaaring humantong sa seryosong komplikasyon. Gayunpaman, kung napansin mo ang pagbabago sa iyong paningin, maaari itong senyales ng mas malaking problema tulad ng glaucoma o uveitis.
Ang hindi nalunasan na pamumula sa mata na dulot ng impeksyon ay maaaring humantong sa permanenteng pinsala sa mata. Ang impeksyon ay maaaring mas maging malalim na posibleng humantong sa seryosong kondisyon tulad ng endophthalmitis.
Anong Gamot ang Maaari Kong Gamitin sa Pamumula ng Mata?
Ang sanhi ng pamumula ng mata ay matutukoy sa paraan ng paggamot nito. Gayunpaman, ang ilan sa mga karaniwang gamot sa bahay na maaaring makatulong upang maibsan ang mga sintomas ay:
Mainit o malamig na compress
Ibabad ang towel sa mainit na tubig at pigain ito. Siguraduhin na ang tubig ay hindi sobrang init dahil maaaring makapinsala sa mata. Ilagay ang towel sa iyong mga mata ng 10 minuto.
Maaaring makatulong ang warm compress sa magandang daloy ng dugo sa iyong mga mata. Gayunpaman, kung hindi ito naging epektibo, maaari mong piliin ang malamig (hindi sobrang lamig) na compress. Ang malamig na compress ay nakatutulong upang magtanggal ng pangangati at inflammation.
Magpalit ng contact lenses
Kung ikaw ay may malalang pamumula ng mata kung nagsusuot ng contact lenses, ang iyong lenses ay maaaring nakaiirita sa iyong mata. Maaari itong mangyari kung hindi mo pinapalitan ang iyong contact lenses. Mainam na konsultahin ang doktor tungkol sa pagpapalit ng contact lenses.
Gayunpaman, ang problema ay maaaring ang contact lens solution o likido na pinaglalagyan ng contact lens. Ang ilang contact lens solutions ay hindi epektibo para sa mga tiyak na contact lenses.
Eye drops
Maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng eye drops o pampatak sa mata para sa iyo upang gamitin kabilang ng ilang gamot sa bahay tulad ng antibiotics. Tuwing nagsusuri ng mata, maaari din silang gumamit ng saline solution upang hugasan ang irritants sa mga mata.
Paano Maiiwasan ang Pamumula ng Mata?
Maraming mga kaso ng pamumula ng mata na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pag-iwas sa irritants at pagkakaroon ng maayos na hygiene. Ang ilang mga bagay na maaari mong gawin ay:
- Paghuhugas ng iyong mga mata gamit ang tubig
- Pag-iwas sa mga likido na maaaring makairita ng mga mata
- Regular na paglilinis ng iyong contact lenses
- Pag-iwas sa mga gawain na maaaring maging sanhi ng eye strain
- Gumamit lamang ng contact lenses sa inirekomendang oras
- Pagtanggal ng makeup sa mata, araw-araw
- Hugasan ang iyong mga kamay kung exposed sa taong may impeksyon sa mata
Kailan Ako Magpapatingin sa Doktor?
Karamihan sa mga bloodshot eyes ay hindi na kinakailangan ng medikal na atensyon. Gayunpaman, maaaring mainam na bumisita sa doktor kung naranasan ang mga sumusunod:
- Sintomas sa loob ng higit 1 linggo
- Gumagamit ka ng blood-thinning na gamot tulad ng heparin
- Obserbahan ang discharge mula sa mga mata
- Sakit sa mata
- Sensitibo sa liwanag
- Pagbabago ng paningin
Karagdagan, may mga malalang sintomas na nangangailangan ng agarang medikal na atensyon. Ang ilan dito ay:
- Pagsusuka at pagkahilo
- Nakakikita ng halos o white rings sa paligid ng ilaw
- Malabong paningin
- Sakit sa ulo
Mahalagang Tandaan
Karamihan sa mga kaso ng pamumula ng mata ay hindi seryoso at gumagaling nang kusa sa loob ng isang linggo. Gayunpaman, humingi ng agarang medikal na atensyon kung naranasan ang sakit o pagbabago sa paningin kasama ng kondisyon na ito.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Mata rito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.