backup og meta

Paano nagkakaroon ng sore eyes, at ano ang mabisang gamot dito?

Paano nagkakaroon ng sore eyes, at ano ang mabisang gamot dito?

Namumula ba o nangangati ang mga mata mo? Malamang na meron kang conjunctivitis, na kilala ring pink eye o sore eyes. Alamin dito kung paano nagkakaroon ng sore eyes at paano ito ginagamot.

Ano ang Pink Eye?

Ang impeksyon o pamamaga ng transparent membrane na tumatakip sa puti ng eyeball at mga linya ng talukap ng mata ay tinatawag na pink eye o conjunctivitis. Kapag namamaga ang maliliit na blood vessels, ang mga puti ng mata ay nagmumukhang pink o reddish. 

Ang mga karaniwang sanhi ng conjunctivitis ay viral o bacterial infection at allergic reaction. Gayunpaman maaari ding maging sanhi ng conjunctivitis sa mga sanggol ang hindi lubos na nakabukas na tear duct. 

Maaaring nakakairita sa pakiramdam ang conjunctivitis, pero hindi ito laging nakakaapekto sa paningin mo. Kaya lang, nakakahawa ito. Kaya makakatulong kun alam mo kung paano nagkakaroon ng sore eyes at paano ang treatment nito.

Sintomas ng Sore Eyes

Ang isa sa mga pinaka karaniwang sintomas ng sore eyes ay ang isa o parehong mata ay pink o mapula-pula. Maaaring lumabas ang green, yellow o puting discharge sa mga mata mo.

Madalas na sintomas din na mainit o makati ang isa o parehong mga mata. Bukod pa rito, maaari kang makaranas ng magaspang na pakiramdam sa iyong mga mata. Ang iba naman ay maaaring makaranas ng nagtutubig na mga mata kapag may conjunctivitis. 

Maaari ding magdulot ng ilang mas hindi komportableng sintomas ang sore eyes. Ilan sa mga sintomas kung paano nagkakaroon ng sore eyes ang isang bukol sa harap ng iyong tainga. Kasama din ang pagiging sensitibo sa liwanag, malabong paningin, at namamagang talukap.  

Mga Sanhi at Paggamot ng Sore Eyes

Maaaring masuri ng doktor kung ang iyong sore eyes ay sanhi ng allergen, bacterium, o virus. Ibabatay ng doktor ang kanilang diagnosis sa pagsusuri sa mata, kasama ang mga sintomas at history ng pasyente. Gayunpaman, maaaring mahirap pa ring malaman ang sanhi. Ito ay dahil pwedeng pareho ang mga sintomas kahit na magkaiba ang mga sanhi.

Para maayos na masuri at matukoy ang sanhi kung paano nagkakaroon ng sore eyes, maaaring magrekomenda ang doktor ng laboratory test. Maaari silang kumuha ng sample ng eye discharge sa infected na mata. Ito ay para malaman ang uri ng impeksyon at kung paano gagamutin.

Viral Conjunctivitis

Maaaring matubig ang discharge ng mata mo. Dagdag pa rito ang uri ng pink eye na ito ay madalas may kasamang respiratory tract infection o sipon. 

Bacterial Conjunctivitis

Maaari kang makaranas ng sore eyes na may impeksyon sa tainga. Bukod pa rito, maaaring makapal ang discharge mula sa iyong mata.

Allergic conjunctivitis

Pwedeng seasonal mong maranasan ang pink eye. Maaaring mayroon kang matinding pangangati ng mga mata at may iba pang sintomas ng allergy, tulad ng eczema, hika, hay fever, atbp.

Neonatal Conjunctivitis 

Ito ay isang malubhang uri ng conjunctivitis na nakakaapekto sa mga bagong silang at sanhi ng mga mapanganib na bakterya.

Giant Papillary Conjunctivitis

Ito ay maaaring sanhi ng pangmatagalang paggamit ng isang artificial eye o contact lens.

Paggamot sa Sore Eyes

Symptom relief

Kadalasan, ang pinagtutuunan ng paggamot sa sore eyes ay ang pagpapaginhawa sa sintomas nito. Maaaring imungkahi ng doktor na mag-apply ng mainit o malamig na compress ng ilang beses sa isang araw. Gamit dito ang basang tela para linisin ang iyong mga talukap, at paggamit ng artificial tears.

Pangangalaga sa contact lens

Maaari ka ring sabihan ng iyong doktor na ihinto ang pagsusuot ng contact lens hanggang ang treatment mo. Kung may mga disposable contact lens, maaaring imungkahi ng iyong doktor na i-dispose ang mga ito.

Kung may hard contact lenses, i-disinfect ang mga ito overnight bago muling gamitin. Mabuting tanungin ang doktor kung dapat mong palitan ang anumang mga accessory ng contact lens. Ito ay lalo na kung ginamit mo ang mga ito habang mayroon kang pink eye. Mabuti rin na i-dispose ang anumang eye makeup na ginamit mo bago magkaroon ng pink eye.

Mga antibiotic at antiviral na gamot

Karamihan sa kaso ng pink eye, lalo na kung viral, pwedeng hindi kailangan ng antibiotic. maaaring kailanganin mong maghintay ng 2-3 linggo para ito ay mawala. Gayunpaman, kung sa tingin ng iyong doktor ay nagkaroon ka ng pink eye dahil sa herpes simplex virus, maaari silang magrekomenda ng mga antiviral medication.

Medicated eye drops

Maaaring imungkahi ng iyong doktor na gumamit ka ng ilang uri ng eye drops kung may allergic conjunctivitis ka. Ito ay para kontrolin ang allergic reactions. At maaaring kabilang sa mga ito ang mga mast cell stabilizer, antihistamine, atbp.

Pwede ring magreseta ang doktor mo ng gamot para makontrol ang pamamaga. Kabilang sa mga ito ang mga anti-inflammatory drop, steroid, decongestant, atbp. Bukod pa rito, ang pag-iwas sa allergy mo ay maaaring makatulong na mapawi ang mga sintomas.

Paano Ko Maiiwasan ang Pagkalat ng Sore Eyes?

Tulad ng nabanggit kanina, ang bacterial at viral conjunctivitis ay nakakahawa. Kung na-diagnose ka ng doktor mo na may pink eye, mahalagang alam mo kung paano hindi makahawa sa iba o muling ma-infect ka.

  • Maghugas ng kamay madalas gamit ang tubig at sabon. Kung hindi, maaari kang gumamit ng sanitizer na may alkohol upang i-sanitize ang iyong mga kamay, lalo na kung nahawakan mo ang iyong mga mata.
  • Huwag ipagamit sa ibang tao ang mga bagay na ginamit mo o lumapat sa iyong mga mata. Halimbawa dito ang eye makeup, pillowcases, glasses, towels, atbp. Bukod pa rito, mabuti rin na palitan mo ang pillowcases araw-araw.

Key Takeaways

Bagama’t ang sore eyes ay lubhang nakakahawa, madali itong gamutin at pangasiwaan. Kumunsulta sa doktor kung paano nagkakaroon ng sore eyes, at ang paggamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pink eye, https://www.nei.nih.gov/learn-about-eye-health/eye-conditions-and-diseases/pink-eye, Accessed Dec 28, 2020

Conjunctivitis: Pink Eye, https://www.cdc.gov/conjunctivitis/about/diagnosis.html#:~:text=A%20doctor%20can%20often%20determine,vary%20depending%20on%20the%20cause, Accessed Dec 28, 2020

Viral conjunctivitis, https://www.msdmanuals.com/professional/eye-disorders/conjunctival-and-scleral-disorders/viral-conjunctivitis#:~:text=Viral%20conjunctivitis%20is%20a%20highly,or%20immunodiagnostic%20testing%20is%20indicated, Accessed Dec 28, 2020

Viruses most common cause of pink eye, https://www.rchsd.org/health-safety/growing-up-columns/viruses-most-common-cause-of-pinkeye/#:~:text=Sometimes%20the%20bacteria%20that%20cause,the%20bacteria%20that%20cause%20pinkeye, Accessed Dec 28, 2020

Neonatal Conjunctivitis (Opthalmia Neonatorum), https://emedicine.medscape.com/article/1192190-overview, Accessed Dec 28, 2020

Giant Papillary Conjunctivitis, https://emedicine.medscape.com/article/1191641-overview, Accessed Dec 28, 2020

Conjunctivitis, https://www.cdc.gov/conjunctivitis/about/treatment.html, Accessed Dec 28, 2020

Kasalukuyang Version

06/27/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Victor Paulino, MD, DPBO

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang LASIK, At Kailangan Mo Bang Sumailalim Dito?

Heterochromia: Pagkakaroon ng Iba't Ibang Kulay ng Mata


Narebyung medikal ni

Victor Paulino, MD, DPBO

Ophthalmology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement