backup og meta

Heterochromia: Pagkakaroon ng Iba't Ibang Kulay ng Mata

Heterochromia: Pagkakaroon ng Iba't Ibang Kulay ng Mata

Kasabihan na “eyes are the windows to the soul”. Ang isang pares ng mga mata na may iba’t ibang kulay o maraming kulay (tulad ng heterochromia) ay siguradong agaw-pansin at lilikha ng misteryo. Lalo na sa mga bansang Asyano. Ano ang heterochromia? Basahin dito.

Ang mga kilalang personalidad tulad nina Mila Kunis, Kate Bosworth, Christopher Walken, Alexander the Great ay may heterochromia. 

Ano ang heterochromia

Ang heterochromia ay mula sa wikang Griyego, na “heteros”. Ang ibig sabihin nito ay ‘chroma’ na nagpapahiwatig ng kulay. Kilala rin ang kondisyong ito na heterochromia iridis at heterochromia iridium. 

Ang melanocytes ng iris ay may pseudosyncytium. Kinokontrol nito ang kulay ng mga mata. Mayroong dalawang genes na natatanging nagpapanatili ng kulay ng mata, ito ang:

  • EYCL3, na matatagpuan sa chromosome 15 na gumagawa ng brown o asul na kulay ng mata (BEY), at
  • EYCL1, na matatagpuan sa chromosome 19 na nagbibigay ng berde o asul na kulay sa mga mata (GEY).

Natuklasan ng mga mananaliksik ang dahilan ng pagkakaroon ng mga kulay na asul, berde at brown. Kaya lang ang ibang natatanging konstelasyon ng mga kulay ay hindi pa rin alam. 

Natuklasan din ng mga siyentipiko na may iba pang genes na kasali. Ang mga ito ang nagpapasya sa paglalagay at pattern ng pigment sa pupil at/o iris. Ano ang heterochromia na mga ito?

  • Heterochromia iridium ang isang pares ng mga mata na may iba’t ibang kulay. Halimbawa, brown at asul, o asul at gray.
  • Ang Heterochromia iridis naman ay ang isang pupil ng mata ng isang indibidwal ay maraming kulay. Halimbawa, ang parehong pupil ay maaaring brown at asul, o asul at gray. Ito ay isang napakabihirang kondisyon. Karaniwan itong nangyayari dahil sa pagtaas o pagbaba ng pigmentation sa iris.

Ano ang mga uri ng heterochromia?

Ang heterochromia ay maaaring hatiin sa tatlong malawak na kategorya, depende sa lugar kung saan matatagpuan ang mga kulay sa pupil:

Ano ang heterochromia:

  • Complete heterochromia: Nagiging ganito kapag ang kulay sa iris ng isa sa mga mata ay ganap na nag-iiba mula sa kulay ng iris ng kabilang mata. Halimbawa, ang isang mata ay maaaring berde, habang ang isa naman ay brown.
  • Partial o sectoral heterochromia: Gaya ng tawag dito, isang bahagi lamang ng isang iris ang naiiba ang kulay sa lahat. Ito ay maaaring mangyari sa alinman o parehong mga iris. Halimbawa, ang isang bahagi ng iris ay maaaring asul, habang ang iba ay dark brown.  
  • Central heterochromia: Dito, ang border sa paligid ng pupil ay ibang kulay kaysa sa natitirang bahagi ng iris. Ang mga spike ng gitnang kulay ay nagmumula sa pupil patungo sa gitna ng iris. Ano ang heterochromia na ito? Nagreresulta ito sa maraming kulay sa iisang mata. Halimbawa, berdeng ring sa paligid ng pupil at asul sa iris.
  • Acquired heterochromia: Ito ang isa pang uri ng kung ano ang heterochromia. Karaniwan itong nangyayari sa mga huling taon ng buhay dahil sa injury, ilang sakit, at gamot.

Sanhi ng heterochromia

Ang kulay ng ating mga mata ay mula sa melanin pigment deposits na nabubuo sa iris. Ito ay nasa gitna ng mga mata. Mayaman sa melanin deposits ang dark brown eyes. Ang berde at asul na mga mata ay nagpapahiwatig ng mas mababang pigment sa iris.

Ang kakulangan ng pamamahagi at konsentrasyon ng melanin sa iris ay nagiging sanhi ng heterochromia. Tumutukoy sa uri ng makikitang heterochromia ang lokasyon ng konsentrasyon ng melanin sa iris.  

Karamihan sa mga kaso ng kung ano ang heterochromia ay benign. Ang mga ito ay madalas na hindi pagpapakita ng underlying medical condition.

Ayon sa isa pang pag-aaral, karamihan sa mga kaso ay hindi genetic, kahit na ito ay posible.

Sa ilang mga kaso, ang kondisyon ng kalusugan ay maaaring magpahiwatig ng mga malubhang sakit, tulad ng:

  • Sturge-Weber syndrome
  • Bloch-Sulzberger syndrome
  • Parry-Romberg syndrome
  • Waardenburg syndrome
  • Horner’s syndrome
  • Hirschsprung disease
  • Bourneville disease
  • Von Recklinghausen disease
  • Congenital pigmented nevi
  • Trauma sa panahon ng kapanganakan o sa mga susunod na yugto ng buhay 

Ang mga sanhi ng acquired heterochromia ay ang mga sumusunod:

  • Injury sa mata
  • Pamamaga at/o pagdurugo ng mata
  • Glaucoma
  • Iris ectropion syndrome
  • Tumors ng iris
  • Posner-Schlossman syndrome
  • Pigment dispersion syndrome
  • Mga gamot tulad ng Latisse at latanoprost – Latisse, kadalasang inirerekomenda para sa pampakapal ng pilikmata. Ito ay maaaring humantong sa mga pagbabago sa kulay ng iris. Sa kabilang banda, ang latanoprost, na inirereseta para sa paggamot sa glaucoma at kadalasang nagiging sanhi ng mga pagbabago sa kulay ng mata ng 33 porsyento, sa mga taong umiinom nito nang higit sa 5 taon.

Matuto ng higit pang kamangha-manghang facts  tungkol sa Mata ng Tao dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How Does Someone Get Two Different-coloured Eyes/ https://www.scientificamerican.com/article/how-does-someone-get-two/ Accessed on 17/04/2020

What Causes Two Different Coloured Eyes https://www.essilorusa.com/newsroom/what-causes-different-colored-eyes Accessed on 17/04/2020

Why are my eyes different colors? https://www.medicalnewstoday.com/articles/319389 Accessed on 17/04/2020

Heterochromia: 2 different colored eyes https://www.allaboutvision.com/conditions/heterochromia.htm Accessed on 17/04/2020

Why eyes have different colors: A science-based look https://www.zmescience.com/science/why-eyes-colored-04322/ Accessed on 17/04/2020

Why Do I Have Different Colored Eyes https://www.vspdirect.com/vision-hub/why-do-i-have-different-colored-eyes Accessed on 17/04/2020

Kasalukuyang Version

03/16/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Victor Paulino, MD, DPBO

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Bakit Nagkakaroon Ng Black Eye, At Ano Ang Maaaring Gawin Dito?

Ano Ang LASIK, At Kailangan Mo Bang Sumailalim Dito?


Narebyung medikal ni

Victor Paulino, MD, DPBO

Ophthalmology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement