Ang mga taong nagdurusa sa malabo at distorted na paningin ay maaaring ikonsidera ang pagsasailalim sa isang LASIK laser operation. Ngunit, ano ang LASIK at ikaw ba ay maaaring maging LASIK eye surgery candidate? Basahin ang artikulong ito upang malaman ang mga kasagutan.
Paano Gumagana Ang Mga Mata
Bago tumungo sa pag-alam kung ano ang LASIK at kung ikaw ba ay maaaring maging LASIK eye surgery candidate, nararapat munang malaman at mabigyang halaga kung paano gumagana ang mga mata.
Para makita natin ang mga bagay-bagay, ang cornea, na siyang malinaw na protective layer sa harap ng mga mata, kasama ng lens, ay itinututok ang liwanag sa retina. Ang proseso ng pagtutok ng liwanag ay nangyayari sa pamamagitan ng pagbaluktot nito sa prosesong tinatawag na refraction.
Kapag natanggap na ng retina ang liwanag, gagawin itong mga signal na maaaring mabuo ng utak bilang mga imahe. Iyon ay kung nakikita natin ang mga bagay.
Gayunpaman, karamihan sa mga tao ay may hindi perpektong hugis ng cornea, na humahantong sa pagkabawas ng lakas sa pagtutok o ang kawalan ng kakayahan na baluktot nang tama ang liwanag (refractive error). Ang di-kasakdalan na ito ay nagreresulta sa mga “out-of-focus” na mga larawan na siyang lumalabas na baluktot o malabo – isang bagay na kadalasang nararanasan ng mga taong may mga refractive error.
Ang mga Refractive Errors
Gaya ng nabanggit kanina, ang mga refractive errors ay nangyayari kapag hindi natin ma-focus nang tama ang liwanag. Hindi nakikita ng mga taong may refractive eye error ang mga bagay nang malinaw sa isang partikular na sitwasyon.
Mayroong tatlong uri ng mga refractive error, at kung ikaw ay isang LASIK eye surgery candidate, malamang na mayroon ka ng isa sa mga ito:
- Nearsightedness. Tinatawag din na myopia, ito ay kapag nakikita mo nang malinaw ang mga bagay kapag sila ay malapit. Ngunit, mahirap para sa iyo na makakita ng malalayong bagay.
- Farsightedness. Medikal na tinatawag na hyperopia, ito ay kabaligtaran ng myopia. Sa ganitong kalagayan, makikita mo nang malinaw ang mga bagay kung malayo ang mga ito. Subalit, hindi mo makikita ang malapit na mga bagay nang malinaw.
- Presbyopia. Ito rin ay farsightedness na karaniwang nangyayari sa mga nasa katanghaliang-gulang o may edad na. Ang presbyopia ay nangyayari dahil sa pagkawala ng elasticity ng lens. Ito rin ay farsightedness na karaniwang nangyayari sa mga nasa middle-aged o may edad na. Ang presbyopia ay nangyayari dahil sa pagkawala ng elasticity ng lens.
- Astigmatism. Ang isang taong may astigmatism ay makakikita ng mga distorted images ng malapit o malayong mga bagay.
Pakitandaan na ang mga refractive eye errors ay ang pinakakaraniwang problema sa paningin. Sa katunayan, karaniwan na ang astigmatism ay napagsasama sa alinman sa nearsightedness o farsightedness.
Ano Ang LASIK Eye Surgery?
Ngayon na alam mo na ang tungkol sa mga refractive errors, oras na upang tukuyin kung ano ang LASIK surgery. Ang LASIK ay nangangahulugang “Laser in-situ keratomileusis,” at ito ay isang lasir-assisted operation na nagwawasto sa mga nasabing refractive errors.
Ang ideya ay gamitin ang laser sa isang kontrolado at tumpak na paraan upang alisin ang ilan sa mga tissue ng cornea upang “ma-reshape” ito. Maaaring magbibigay-daan sa cornea ang reshaping na ito na magbaluktot ng liwanag nang tama, kaya, pinapataas ang lakas ng pagtutok nito.
Kung ikaw ay nagtataka kung ang LASIK ay maaaring mabalik ang 20/20 vision, ikaw ay magiging masaya na malaman na, oo, ito ay posible. Bagama’t ang ilang mga salik ay dapat isaalang-alang, tulad ng kung gaano kataas ang iyong mga reseta bago ang LASIK.
Ayon kay Christopher Hood, M.D., isang clinical assistant professor ng ophthalmology at visual sciences sa University of Michigan Kellogg Eye Center, makukuha ng isang tao, sa pinakamahusay na paraan, ang maaari nilang makamit gamit ang mga prescription glasses at lenses.
Ano Ang LASIK Eye Surgery At Sino Ang Mga Posibleng Kandidato Nito?
Upang malaman kung maaari kang maging kandidato para sa naturang operasyon, nararapat na maabot ang mga sumusunod na criteria:
Edad
Kasama sa pag-alam kung ano ang LASIK, dapat alam mo rin na dapat nasa wastong edad, 18 taong gulang o mas matanda, para maoperahan. Ngunit, dapat hindi rin lalampas sa 65 taong gulang.
Kung ikaw ay wala pang 18 taong gulang, maaaring hindi ka payagan ng iyong doktor na magpa-LASIK dahil posibleng magbago pa rin ang iyong paningin.
Pangkalahatang Kalusugan
Upang maging isang kandidato para sa LASIK eye surgery, dapat mayroon kang mabuting pangkalahatang kalusugan. Nangangahulugan ito na hindi ka dapat magkaroon ng mga sakit tulad ng uncontrolled diabetes o ilang mga vascular diseases. Bilang karagdagan, kung umiinom ka ng mga gamot na nakaaapekto sa iyong immunity, maaari ka ring idirekta ng doktor sa iba pang mga opsyon sa paggamot.
Eye Health
Para sa LASIK, maraming mga restriksyon pagdating sa kalusugan ng mata. Ang isang mahusay na kandidato para sa LASIK eye surgery ay hindi dapat magkaroon ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon:
Iba Pang Mga Kondisyon Sa Mata
Bukod dito, kung mayroon kang mga kondisyon sa mata na maaaring makaapekto sa iyong recovery, dapat mong banggitin ang mga ito sa iyong doktor sa mata. Ang mga halimbawa ng mga kondisyong ito ay amblyopia o lazy eye, at strabismus.
Ang lazy eye ay isang kondisyon kung saan ang isa sa mga mata ay may mas malabong paningin kaysa sa isa. Sa kabilang banda, ang strabismus ay nakaaapekto sa mga eye muscles na nagiging sanhi ng pagpikit.
Bukod sa mga restriksyong nabanggit, ang iba pang mga kinakailangan upang maging karapat-dapat na kandidato ay kinabibilangan ng:
- Matatag na paningin nang hindi bababa sa isang taon bago ang nais na petsa ng operasyon.
- Hindi bababa sa 0.5 mm ang kapal ng cornea.
- Pagiging contact lens-free para sa isang tiyak na tagal ng panahon na siyang tatalakayin ng iyong doktor sa mata sa panahon ng iyong konsultasyon.
Pagbubuntis
Maliban sa pagtatanong kung ano ang LASIK surgery, mayroon ding mga taong nagtatanong kung posible ito sa mga nagdadalang-tao.
Ang mga buntis o ang mga nagbabalak na magbuntis sa loob ng anim na buwan o higit pa ay hindi dapat sumailalim sa LASIK. Gayundin, ang LASIK ay contraindicated para sa mga nanay na nagpapasuso. Ito ay dahil ang mga pagbabago sa mga hormone na dulot ng pagbubuntis at pagpapasuso ay maaaring makaapekto sa refraction.
Isaalang-alang lamang ang LASIK pagkatapos mong magkaroon ng 3 menstrual cycle mula noong huminto ka sa pagpapasuso.
Ano Ang LASIK Eye Surgery At Gaano Katagal Ang Mga Epekto Nito?
Ayon sa mga eksperto, maraming mga pasyente na sumailalim sa LASIK eye surgery ay nagpapanatili ng kanilang mahusay na paningin sa loob ng 10 taon. Pagkatapos ng isang dekada, maaaring kailanganin nilang sumailalim sa tinatawag na LASIK enhancement, na isang follow-up na LASIK surgery.
Ano Ang LASIK At Ang Mga Panganib Nito?
Kahit na ikaw ay isang LASIK eye surgery candidate, hindi ka exempted sa mga panganib pagkatapos ng procedure.
Tandaan na maraming tao na nagpa-LASIK ang nag-ulat ng tuyong mga mata at pagbabago sa paningin buong araw. Gayunpaman, marami sa kanila ang nagsabi na ang mga naturang epekto ay nawala rin kalaunan. Ang ilan ay hindi na ito naranasan sa loob ng isang buwan, habang para sa iba, ito ay mas matagal.
Bukod sa mga tuyong mata at pagbabago ng paningin, ang iba pang mga panganib ng LASIK ay:
- Maliit, pulang patak ng dugo sa puti ng mata
- Pagiging sensitibo sa liwanag
- Sakit o kakulangan sa ginhawa sa mata
- Malabong paningin; inilalarawan din ito ng ilan bilang malabo (hazy) at mahamog (foggy)
- Nakasisilaw
- Scratchy eyes
- Nakakikita ng halos o starburst sa paligid ng mga ilaw
Tandaan: kahit na ang karamihan sa mga side effect na ito ay kalaunang nawawala, ang panganib na sila ay manatili nang permanente ay naroroon pa rin.
Bukod pa rito, hindi ginagarantiya ng LASIK na titigil ka sa pagsusuot ng salamin o contact lens. May mga pagkakataon na ang operasyon ay nagreresulta sa under-correction o over-correction. Ang under-correction ay nangyayari kapag masyadong maliit na tissue ang naalis, kumpara sa over-correction kung saan napakaraming tissue ang naalis. Ang mga ganitong kaso ay maaaring mangailangan ng paggamit ng corrective contact lens o salamin.
Sa wakas, bagaman bihira, ang mga taong nagkaroon ng LASIK ay maaari ring magkaroon ng impeksyon sa mata na maaaring humantong sa pagkabulag. Maaari rin silang magkaroon ng mas malalang paningin kaysa bago sila sumailalim sa operasyon. Sa kasamaang palad, posibleng hindi ito maitama sa pamamagitan ng pagsusuot ng salamin at contact lens.
Key Takeaway
Kahit na pagkatapos ng masusing pagsasaliksik at nakita mo ang iyong sarili na isang mahusay na kandidato para LASIK eye surgery, kailangan mo pa ring makipag-usap sa iyong doktor sa mata. Kung masaya ka sa pagsusuot ng contact lens at salamin, maaaring pigilan ka ng iyong doktor na gawin ang operasyon.
Alamin ang iba pa tungkol sa Ibang mga Isyu sa Mata dito.