Ang pagbili ng vitamins para sa lalaki ay hindi pangkaraniwan. Ayon sa survey na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology (FNRI-DOST), ang pinakakaraniwang supplement na kinukuha ng mga mamimili ay multivitamins at minerals, B-complex vitamins at vitamin C.
Isiniwalat din ng nasabing survey na ang ang mga Pilipino ay umiinom ng vitamins o supplements dahil sa mga sumusunod na rason:
- Upang mapanatili ang lakas kapag pagod
- Para gumaan ang pakiramdam
- Upang mapabuti ang hitsura
Makikita sa mga tindahan ang iba’t-ibang kombinasyon ng mga vitamins at minerals na nag aangkin ng maraming benepisyo sa kalusugan. Dahil dito, naging popular ang pag-inom ng mga vitamins at supplements kahit sa mga taong walang dinaramdam.
Mga pagpipiliang vitamins para sa lalaki
Sa pangkalahatan, maaari kang uminom ng vitamins kung ikaw ay may nutritional deficiency. Ngunit pwede rin naman itong inumin kung gusto mong mapanatili ang iyong kalusugan at maiwasan ang ibang kondisyon. Matapos kumunsulta sa iyong doktor, maaaring irekomenda nya ang sumusunod na mga vitamins:
Zinc
Ang mababang antas ng zinc ay maaaring maging sanhi ng iba’t ibang mga problemang nauugnay sa kalusugan ng lalaki gaya ng erectile dysfunction. Ito ay mahalagang mineral na ginagamit sa pag-metabolize ng sustansya at may kaugnayan sa:
- Immune function
- Produksyon ng DNA at protina
- Cell division
- Produksyon ng testosterone
Ang erectile dysfunction ay isa sa mga pinakakaraniwang problema sa pakikipagtalik na kinakaharap ng mga lalaki. May iba’t ibang sanhi nito tulad ng kakulangan sa nutrisyon at depresyon. Natural na nakukuha ang vitamins para sa lalaki gaya ng zinc sa ilang mga gulay, karne, at pagkaing-dagat. Gayunpaman, maaaring magkaproblema kapag ang antas ng zinc ay bumaba sa inirekumendang threshold.
Ang mga sintomas ng kakulangan sa zinc ay:
- Pagbawas ng timbang
- Kawalan ng gana
- Problema sa paglaban sa sakit
- Mabagal na paglaki ng bata
Vitamin D
Ito ay isang mahalagang vitamins para sa lalaki dahil tumutulong ito sa pagpapanatili ng malusog na antas ng calcium at phosphorus sa dugo. Mas kapaki-pakinabang ang Vitamin D sa anyo ng tableta na parehong klase ng nakukuha sa init ng araw dahil mas mabilis itong ma-absorb. .
Ang Vitamin D ay mahalaga para sa mga pang-araw-araw na ehersisyo lalo ng mga atleta dahil tumutulong ito sa pagbuo ng skeletal muscle. Ito ang kalamnan na nakakabit sa mga buto na tumutulong sa paggalaw ng katawan. Ang sapat na bitamina D ay nakatulong din sa pagpapanatili ng malusog na antas ng testosterone.
Vitamin C
Ang iyong katawan ay hindi makagawa o makapag-imbak ng Vitamin C nang mag-isa,. Kung kaya kailangan mo nitong vitamins para sa lalaki na makukuha sa pagkain o supplements. Mahalaga ang Vitamin C para sa sumusunod:
- Pag synthesize ng collagen
- Pagalingin ang mga sugat
- Labanan ang mga free radicals
- Protektahan ang mga cells mula sa pagkasira
- Bawasan ang panganib ng enlarged prostate
Gayunpaman, ang sobrang Vitamin C ay maaaring magdulot ng mga side effects kaya dapat alamin ang pinakamataas na limitasyon para sa iyo. Ang mga lalaking nasa hustong gulang ay dapat makakuha ng hindi bababa sa 90 mg ng Vitamin C bawat araw. Dahil ang bitamina C ay natutunaw sa tubig, madali itong maalis sa katawan.
Tamang diet vs vitamins para sa lalaki
Popular man ang mga supplements at vitamins, hindi dapat ito ipagpalit sa malusog na diet. May posibilidad na magsanhi ng direktang pagkalason kapag sobra sa dosage ang nainom mo na vitamins. Maliban sa pagsusuka, sakit ng ulo at pagtatae, maaari din itong magdulot ng panganib sa ugnayan ng mga sustansya sa katawan. Kung kaya, dapat na kumunsulta muna sa doktor bago uminom nito.
Ang mga vitamins at supplements ay idinisenyo upang maging karagdagan sa iyong diyeta. Hindi sagot sa mabuting kalusugan ang pag-inom nito kung hindi rin naman kailangan. Gawing prayoridad ang balanseng diet. Kumuha lamang ng mga vitamins at supplements upang punan ang anumang mga kakulangan sa nutrisyon.