backup og meta

Panganib ng Erectile Dysfunction: Maaari Ka Bang Tamaan Nito?

Panganib ng Erectile Dysfunction: Maaari Ka Bang Tamaan Nito?

Noong 2005, iniulat ng Philippine pharmaceutical companies na may 6 na milyong Pilipino ang nakakaranas ng erectile dysfunction. Ano ang panganib ng erectile dysfunction?

Batay sa pag-aaral na isinagawa noong 2011 na kinukumpara ang mga bansa sa Asya, pinakamataas ang kaso ng ED sa Pilipinas (33%). Ito ay 1 sa 3 Pilipino.

Ipinapakita ng mga pag-aaral na sa 2025, tataas ang bilang na ito ng 320 milyon sa buong mundo.

Upang higit na maunawaan ang erectile dysfunction, makatutulong ang pagsagot sa tanong na “Ikaw ba ay nasa panganib ng erectile dysfunction?”. Upang masagot ito, mahalagang alamin kung ano ba ang nangyayari sa katawan kapag ikaw ay may arousal.

Ang kaalaman hinggil sa kung paano ka nagkakaroon ng erection o tinitigasan ay magbibigay ng mas maraming kaalaman sa kung bakit may mga ganitong isyu.

Ano ang Nangyayari Kapag Tinitigasan?

Kadalasang tinitigasan ang tao kapag siya ay sexually stimulated o aroused. Minsan, tinitigasan ang lalaki nang walang dahilan.

Sa anumang dahilan, nagaganap ang erection kapag ang tissue sa ari ay lumaki o pumintog. Nangyayari ito sapagkat mas mabilis na pumapasok ang dugo kaysa sa paglabas nito. Ito ang nagdudulot sa ari upang tumayo o tumigas.

Ang corpora cavernosa, o ang ulo ng ari ng lalaki, ang responsable sa pagtigas nito. Responsable naman ang arteries sa pagdadala ng dugo sa corpora cavernosa, habang ang veins naman ang responsable sa pag-aalis ng dugo.

Sa karaniwang estado nito, masikip ang arteries na nagdadala ng dugo sa corpora cavernosa habang naka-relax ang veins na nag-aalis ng dugo. Kaya naman imposibleng mapuno ng dugo ang corpora cavernosa na dahilan upang lumambot ang ari.

Gayunpaman, kapag na-arouse ang lalaki, mabilis na pumapasok ang may pressure na dugo sa arteries patungo sa corpora cavernosa dahil bukas na ito. Dito, sumisikip naman ang veins, kaya’t naiipon ang dugo sa corpora cavernosa. Ito ang nagdudulot ng pagtigas ng ari.

Nangyayari ang erectile dysfunction kapag ang arteries ng corpora cavernosa ay hindi nagbubukas nang tama. Kailangang magbukas nang lubos ang arteries upang magkaroon ng buong pagtigas dahil nagiging daan ito upang dumaloy ang dugo. Ito ang isa sa mga paraan kung bakit may mga lalaking hindi tinitigasan, o kung bakit hindi gaanong tinitigasan ang lalaki.

Ang erectile dysfunction o impotence ay posible kapag:

  • Nahihirapang tigasan ang lalaki
  • Nahihirapan siyang panatilihing matigas ang ari, o kung hindi na tinigasan sa kalagitnaan ng pakikipagtalik.
  • Hindi sila naa-arouse, kaya’t hindi siya tinitigasan.

panganib ng erectile dysfunction

Paano Nalalapit sa Panganib ng Erectile Dysfunction ang Lalaki?

Karaniwang nagiging madalas ang problema sa pagtigas o impotence sa mga lalaking nasa edad 40 na. Ang impotence na may kinalaman sa edad ay karaniwang tinutukoy bilang “aging-related erectile dysfunction” o ARED. Napag-alaman sa isang pag-aaral na may kinalaman sa ARED na 40% ng kalalakihan na nasa edad 40’s ay nakakaranas ng ilang anyo ng erectile dysfunction.

Nalaman din sa pag-aaral na ang paglaganap ng erectile dysfunction ay tumataas habang nadadagdagan ng sampung taon ang edad ng lalaki. Halimbawa, ang isang lalaking nasa edad 50’s ay magkakaroon ng 50% tsansa ng sexual dysfunction, habang 60% naman sa mga nasa edad 60’s.

Kabilang sa iba pang risk factor ang:

  • Ang mga medikal na kondisyon gaya ng diabetes ay puwedeng maglapit sa iyo sa pagkakaroon ng erectile dysfunction. Sinasabi rin ng mga ekspertong maaaring may kaugnayan ang mga problema sa puso sa erectile dysfunction dahil pareho itong maaaring mangyari kapag hindi gumana nang tama ang lining ng blood vessels.
  • Maaari kang lalong malapit sa panganib ng erectile dysfunction kapag naninigarilyo ka dahil sa epekto nito sa cardiovascular system, na nakaaapekto rin sa galaw ng ari.
  • Obesity o pagkakaroon ng sobrang timbang.
  • Radiation treatment
  • Mga sugat
  • Mga gamot gaya ng antidepressants
  • Kondisyong sikolohikal tulad ng depression o anxiety
  • Paggamit ng droga at alak

Mahalaga ring tandaan na malaki ang ginagampanan ng iyong isip sa pagkakaroon ng arousal. Kung masyado kang balisa o maraming iniisip tungkol sa ibang bagay, maaaring hindi makapagpokus ang iyong katawan. Hindi dapat ipag-alala kung nahihirapang tigasan dahil nangyayari ito sa lahat.

Ang erectile dysfunction ang dapat ipag-alala dahil sa kung paano nito naaapektuhan ang pagtingin at tiwala sa sarili. Bukod pa sa maaaring ito’y senyales ng nakakubling kondisyon ng puso.

Gayunpaman, karaniwan lang talaga ito.

Paano Ginagamot ang Erectile Dysfunction? 

Ang paggamot sa erectile dysfunction o impotence ay depende sa dahilan ng pagkakaroon nito. Kung idinulot ito ng pagkitid ng blood vessels sa penis, altapresyon, o high cholesterol, maaaring magbigay ang iyong doktor ng gamot para sa altapresyon o para mapababa ang cholesterol.

Minsan, maaaring sanhi ng problema sa hormones ang erectile dysfunction. Sa ganitong kaso, maaaring ipayo ng doktor ang hormone replacement. Kung ang gamot na iyong iniinom ang sanhi ng impotence, maaaring baguhin ng iyong doktor ang reseta.

Maaari ding magreseta ang doktor ng mga gamot na tinatawag na phosphodiesterase-5 inhibitors (PDE-5 inhibitors), tulad ng sildenafil (o Viagra) at tadalafil (Cialis).

panganib ng erectile dysfunction

Mga Natural na Paraan Upang Maiwasan ang Erectile Dysfunction

Karamihan sa mga sanhi ng erectile dysfunction ay may kinalaman sa iyong pangkalahatang kalagayan at kalusugan. Bagaman maaaring gamutin ang erectile dysfunction, may mga paraan din upang maiwasang lumala ang kondisyong ito habang tumatanda ka.

  • Mag-ehersisyo. Lumalabas sa mga pag-aaral na ang moderate exercise ay nakatutulong upang maiwasan ang erectile dysfunction, kasabay ng iba pang kondisyon.
  • Panatilihin ang masustansyang pagkain. Ito ang solusyon sa karamihang banta sa iyong kalusugan. Hindi ka mapapahamak sa pagkakaroon ng balanseng pagkaing mayaman sa prutas, gulay, at sapat na protina. Nakapagpapaganda ng libido at erectile dysfunction sa kalalakihan ang pagbabawas ng timbang at pagsasaayos ng lifestyle.
  • Gumawa ng mas mabubuting desisyon sa paraan ng pamumuhay. Bawasan ang pag-inom ng alak at kontrolin ang sarili sa paninigarilyo. Ang pag-iwas sa erectile dysfunction ay paggawa ng tamang desisyon lalo na sa iyong habit na may direktang epekto sa iyong kalusugan.

Karaniwang kondisyon sa mga lalaki ang erectile dysfunction, lalo na sa mga nasa edad 40. Hindi ito dapat ipag-alala ngunit ang paulit-ulit na pangyayaring ito ay maaaring senyales na ng underlying condition.

Pinakamabuting kumonsulta sa doktor tungkol sa iyong nais na gawin upang makaiwas o gamutin ang kondisyong ito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Prevalence and risk factors of erectile dysfunction among patients attending primary health care centres in Qatar http://www.emro.who.int/emhj-volume-17/volume-17-issue-7/article6.html Accessed June 15, 2020

What’s the deal with erections, ejaculation, and wet dreams? https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/puberty/whats-deal-erections-ejaculation-and-wet-dreams Accessed June 15, 2020

How Viagra Works https://science.howstuffworks.com/viagra2.htm Accessed June 15, 2020

Effects of cigarette smoking on erectile dysfunction https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4485976/ Accessed June 15, 2020

Erectile Dysfunction https://mayoclinic.org/diseases-conditions/erectile-dysfunction/symptoms-causes/syc-20355776  Accessed June 15, 2020

Prevalence and medical management of erectile dysfunction in Asia https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3739634/ Accessed June 15, 2020

Kasalukuyang Version

07/23/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Benepisyo ng Pagkakaroon ng Balbas, Alamin Dito

Lalaking may Malaking Suso? Ano ang Gynecomastia?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement