backup og meta

Namatay Sa Tuli Na Binatilyo: Paano Ito Nangyari? Alamin Dito!

Namatay Sa Tuli Na Binatilyo: Paano Ito Nangyari? Alamin Dito!

Sobra-sobra ang paghihinagpis ng ina na si Ana Francisco dahil namatay sa tuli ang kaniyang 13 taong gulang na anak na si Angelo, matapos  magpatuli sa medical mission sa Zaballero Subdivision sa Lucena City, Quezon, noong Marso 19. 

“Kinabukasan, Linggo ng umaga ang daming dugo tapos dun siya nag-start na lagi niyang daing na masakit ulo niya,” pahayag ng ina ng bata.

Noong umuwi ng bahay si Angelo napansin ni Ana ang pagdurugo sa ari ng anak, kaya naman isinugod ang binatilyo sa ospital noong Marso 21. 

Sa kasamaang palad ay binawian rin ng buhay ang binatilyo noong Marso 22, isang araw matapos siyang madala sa ospital. Kung saan batay sa death certificate ni Angelo naubusan ng dugo ang bata kaya ito namatay, at lumalabas na hypoxic ischemic encephalopathy ang naging epekto nang sobra ang naging pagdurugo ng ari ni Angelo matapos isagawa ang tuli sa kanya.

Ano ang hypoxic ischemic encephalopathy?

“Chineck ng nurse ‘yung kanyang ari, laktaw-laktaw daw ‘yung tahi, tapos nakita nila ‘yung ano ‘yung ari ng bahay, kung saan ‘yung may nalabas na dugo, sabi ng nurse may nadaling ugat o litid,” ayon sa ina ni Angelo.

Isa sa itinuturing na dahilan ng pagkakaroon ng hypoxic ischemic encephalopathy ni Angelo ay ang hindi paghinto ng pagdurugo pagkatapos niyang magpatuli, at naging mapanganib ito para sa kanya dahil ang hypoxic ischemic encephalopathy ay isang type ng brain dysfunction na nagaganap kapag ang utak ay hindi na nakatatanggap ng sapat na oxygen.

Para mas lubos na maunawaan ang hypoxic ischemic encephalopathy, narito ang mga sumusunod na depinisyon ng bawat salita:

  • Hypoxic— ibig sabihin hindi sapat na oxygen
  • Ischemic— hindi sapat na daloy ng dugo
  • Encephalopathy— nangangahulugang brain disorder

Bagama’t posibleng maganap ang ganitong komplikasyon sa pagpapatuli, mahalagang malaman na bihira ang ganitong pangyayari. Dahil ang pagpapatuli ay safe, minor at routine na operasyon, at hindi dapat mabahala ang mga magulang dito.

Ano ang pagpapatuli?

Ang circumcision o pagtutuli ay isang surgical removal ng foreskin mula sa ari ng lalake at kadalasang gumagaling ang sugat matapos ang isang linggo.

Huwag mo ring kakalimutan na karaniwang ginagawa sa mga binatilyo ang tuli, pero maaari rin na gawin ito sa mga sanggol at narito ang ilang mga benepisyo ng pagpapatuli na dapat mong malaman:

  • Mas madaling paglilinis. Dahil sa pagtutuli, mas ginagawa nitong simple ang paghuhugas ng ari. 
  • Nabawasan ang panganib ng impeksyon sa ihi. Ang risk ng impeksyon sa ihi sa mga lalaki ay mababa, pero ang mga impeksyon na ito ay mas karaniwan sa mga hindi tuli na lalaki. Tandaan na ang severe infections sa maagang bahagi ng buhay ay maaaring humantong sa mga problema sa bato.
  • Pagkakaroon ng kabawasan sa risk ng sexually transmitted infections. Sinasabi na ang mga lalaking tuli ay maaaring magkaroon ng mas mababang risk sa ilang partikular na impeksyon na nakukuha sa pakikipag-sex. Kaya naman ipinapayo na dapat manatiling ligtas ang sexual practices.
  • Pag-iwas sa penile problems. Paminsan-minsan ang foreskin sa isang hindi tuli na ari ng lalaki ay mahirap o imposibleng i-retract (phimosis) at maaari itong humantong sa pamamaga ng foreskin o bahagi sa ulo ng ari ng lalaki.
  • Nabawasan ang panganib ng penile cancer. Bagama’t bihira ang kanser sa ari, hindi ito gaanong karaniwan sa mga lalaking tuli. Bilang karagdagan, ang cervical cancer ay hindi gano’ng kadalas sa mga babaeng nakikipag-sex sa mga lalaking tuli.

Narito naman ang cons at risk sa pagpapatuli:

Ang pagtutuli ay isang ligtas na operasyon na hindi dapat ikabahala, pero tulad ng anumang operasyon may mga ilang mga panganib na kakambal ito.

Tila nagsilbing paalala sa lahat ng health professional ang balitang tungkol sa batang namatay sa tuli para mas lalo pang mag-ingat sa pagsasagawa ng operasyon upang maiwasang maulit muli ang insidente.

“Ito ay aral sa mga nagme-medical mission na kapag po may mass circumcision ay maging handa sila. Sa ganitong pangyayari na may hemophiliac na hindi maaampat agad ang dugo. At kailangang mag-screening pa rin sila,” ani ni Public Attorney’s Office Chief, Percida Rueda Acosta.

Narito ang sumusunod na cons at risk sa pagpapatuli:

  • Pagdurugo
  • Impeksyon
  • Pagkakaroon ng reaksyon sa anesthesia
  • Sakit ng katawan
  • Masyadong mahaba o masyadong maikling pagputol ng foreskin
  • Iritasyon sa dulo ng ari.
  • Meatitis (inflamed opening sa ari ng lalaki)
  • Maaaring hindi ganap na gumaling ang ari ng lalaki mula sa pagkakatuli
  • Pagbuo ng scar tissues

Namatay sa tuli: Safety tips sa para maging ligtas

Isa sa paraan para maging ligtas sa pagpapatuli ay ang pagsigurado na ang health professional at health workers ay may sapat na kakayahan at karanasan para gawin ang pagtutuli sa mga tao upang maiwasan ang insidenteng namatay sa tuli.

Narito ang ilang safety tips upang maiwasan ang kapamahakan sa pagpapatuli:

  • Siguraduhing malinis ang katawan bago magpatuli para maiwasan ang anumang impeksyon sa operasyon
  • Tiyakin na ang mga gamit na gagamitin sa operasyon ay tama, dekalidad at malinis
  • Pagpapakonsulta muna sa doktor kung angkop ba para sa’yo ang pagpapatuli nang sagayon ay makita rin kung may mga sakit ka na maaaring maging sagabal sa operasyon.

Kapag napansin mo na may mga ganitong problema pagkatapos ang pagtutuli, kumonsulta agad sa doktor.

Narito ang ilang sa mga problema:

  • Pagdurugo ng walang hinto o patid
  • Paglala ng pamumula ng ari
  • Lagnat
  • Pagtindi ng pamamaga o pag kakaroon ng discharge
  • Pagkakaroon ng pus-filled blisters
  • Hindi pag hilom o pag ka tuyo ng sugat sa takdang araw
  • Hindi pag-ihi sa loob ng 6-8 oras pagkatapos tuliin
  • Pagsakit ng ulo

Key Takeaways

Ang pag-alam ng pros at cons sa pagpapatuli ay makatutulong para maiwasan ang anumang trahedya, at sa pamamagitan rin ng pagsasaalang-alang ng safety tips sa pagpapatuli ay magiging mas panatag at ligtas ang operasyon.
Laging tandaan na sa oras na makaranas ka ng anumang problemang malala pagkatapos ng pagtutuli, pumunta agad sa pinakamalapit na ospital para magpatingin sa doktor at agad mabigyan ng angkop na atensyong medikal.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Circumcision: A minor procedure?https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2528673/ Accessed March 31, 2022

Hypoxic ischemic encephalopathy https://www.ucsfbenioffchildrens.org/conditions/neonatal-hypoxic-ischemic-encephalopathy#:~:text=Hypoxic%20ischemic%20encephalopathy%20(HIE)%20is,and%20encephalopathy%20means%20brain%20disorder Accessed March 31, 2022

Circumcision (Male) https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/circumcision/about/pac-20393550 Accessed March 31, 2022

Circumcision https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/16194-circumcision Accessed March 31, 2022

Circumcision (for Parents0 https://kidshealth.org/en/parents/circumcision.html March 31, 2022

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Benepisyo ng Pagkakaroon ng Balbas, Alamin Dito

Lalaking may Malaking Suso? Ano ang Gynecomastia?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement