Pagdating sa men’s health, ang pagkakaroon ng malusog na prostate ay maaaring makatulong na maiwasan ang maraming sakit, discomcomfort, at ibang health problems sa hinaharap. Pero, ano nga ba ang mga senyales na mayroon kang malusog na prostate?
Narito ang 10 signs kung gaano kalusog ang iyong prostate
Ano ang 10 Senyales na Mayroon kang Malusog na Prostate?
Ang prostate ay nasa pagitan ng pantog o bladder at ng ari ng lalaki, sa harap ng rectum. Sa gitna nito ay ang urethra, na nagbibigay-daan sa pagdaloy ng ihi palabas ng katawan. Pinalulusog at pinoprotektahan ng prostate ang sperm at fluid secretion.
Narito kung paano malalaman kung mayroon kang health prostate.
Umiihi ka sa normal na frequency
Ang isa sa mga karaniwang sintomas ng benign prostatic hyperplasia o BPH ay ang mas madalas na pag-ihi, lalo na sa gabi.
Sa isang taong may BPH, lumalaki ang prostate at nagsisimulang tumulak sa pantog. Pagtagal, ito ay maaaring magpahina sa bladder. Kaya mas prone ang isang tao sa madalas na pag-ihi dahil hindi na kayang pigilan ng pantog.
Kung wala kang napapansin na pagbabago sa dalas ng pag-ihi, o hindi ka madalas na nagbabanyo sa gabi, senyales iyon na may malusog na prostate ka.
Wala kang nakikitang dugo o cloudiness sa iyong ihi
Ideally, ang ihi mo ay dapat laging malinaw, at may maputlang shade ng yellow.
Ang dugo o cloudiness sa ihi mo ay maaaring senyales na may impeksyon sa pantog, o maging sa prostate. Kung makakita ka ng alinman sa mga sintomas na ito, kumunsulta sa doktor para sa pagsusuri.
Hindi nangyayari sa iyo ang erectile dysfunction
Isa sa mga senyales na may malusog na prostate ka ay napapanatili mo ang erection sa oras ng intercourse.
Habang ang pagkakaroon ng BPH ay hindi kinakailangang maging sanhi ng erectile dysfunction, karamihan sa mga lalaking may BPH ay dumaranas ng erectile dysfunction.
Kung nakakaranas ka ng erectile dysfunction, maaaring magandang ideya na ipasuri din ang iyong prostate, para lang matiyak na walang mga problema.
Walang sakit o discomfort malapit sa iyong pelvic region
Isa sa malinaw na senyales na may malusog na prostate ay hindi ka nakakaranas ng anumang sakit malapit sa pelvic region mo.
Anumang uri ng pananakit sa lugar na ito ay hindi normal. Dapat na kumunsulta ka sa iyong doktor kung nakakaramdam ka ng anumang sakit, lalo na kung ito ay malapit sa iyong ibabang likod, o sa dulo ng iyong ari.
Hindi ka nakakaranas ng sakit sa oras ng ejaculation
Ang isa sa mga pangunahing tungkulin ng prostate ay ang mag-secrete ng fluid na humahalo sa semilya at tumutulong na protektahan ang sperm cells.
Kaya isa sa mga senyales ng malusog na prostate ay hindi ka nakakaranas ng anumang sakit sa oras ng ejaculation. Kung may sakit o discomfort sa oras ng ejaculation, pinakamabuting kumunsulta sa iyong doktor tungkol dito.
Hindi normal kung may masakit o discomfort sa oras ng ejaculation. Ito ay maaaring potensyal na senyales ng prostate problem.
Hindi ka nakakaranas ng madalas na impeksyon sa ihi o UTI
Ang pagkakaroon ng urinary tract infection ay medyo pangkaraniwan, at kadalasan ay hindi dapat ipag-alala. Kaya lang, kung madalas kang nagdurusa sa UTI, maaari itong maging isang sintomas ng isang mas malaking problema.
Ang isa sa mga dahilan ng madalas na pagkakaroon ng UTI ay maaaring dahil sa BPH. Habang lumalaki ang prostate, nagsisimula itong itulak sa pantog. Bukod sa pagpapahirap sa pag-ihi, maaari din nitong gawing mas madaling kapitan ng impeksyon ang pantog.
Walang burning sensation kapag umiihi ka
Ito ay medyo nauugnay sa pagkakaroon ng UTI, tulad ng sa ilang mga kaso, ang pag-ihi ay maaaring masakit para sa isang taong nahihirapan sa UTI.
Gayunpaman, pwede rin na dahil may impeksyon sa iyong prostate na maaaring nagdudulot ng masakit na pag-ihi.
Isa sa pangunahing dahilan ay kapag ang bacteria mula sa pantog ay makarating sa prostate. Ito ay nagiging sanhi ng prostatitis o pamamaga ng prostate. Maaaring lubhang napakasakit ng kondisyong ito. At bukod sa sakit kapag umiihi, pwede rin itong dahilan ng pananakit sa pelvic region.
Madaling umihi
Isa sa mga palatandaan na mayroon kang malusog na prostate ay hindi mo kailangan ng sobrang effort kapag umiihi ka.
Kung mapapansin mo ang iyong sarili na sinusubukang itulak o naramdaman na ang iyong pantog ay may laman pa rin kahit na pagkatapos ng pag-ihi, maaaring ito ay isang senyales na ikaw ay may enlarged prostate.
Ang pagkakaroon ng enlarged prostate ay hindi laging dapat ipag-alala. Pero napakahalagang magpa check-up para siguruhin na hindi ito masyadong lumaki at magdulot ng mga problema.
Walang mga bato sa iyong pantog
Ang mga bato sa pantog ay maaaring maging sanhi ng maraming bagay. Isa sa mga ito ay enlarged prostate.
Habang ang prostate ay naiipit ng pantog, hindi lubos na nailalabas ang ihi. Ito ay maaaring mauwi sa pagkakaroon ng bladder stones.
Hindi ka nakakaranas ng mababang testosterone
Isa sa mga posibleng dahilan ng BPH ay habang tumatanda ang isang lalaki, nagsisimula nang bumaba ang mga level ng testosterone sa dugo. Nagdudulot ito ng hormonal imbalance na posibleng maging sanhi ng paglaki ng prostate.
Bukod sa BPH, ang mababang testosterone ay maaaring maging sanhi ng erectile dysfunction, kawalan ng sexual desire, at sleeping problems.
Kung makaranas ka ng alinman sa mga sintomas na ito, magandang ipasuri ang iyong prostate upang matiyak na wala kang BPH.
Paano mo mapanatiling malusog ang iyong prostate?
Upang makatulong na matiyak na ang iyong prostate ay nananatiling malusog at walang anumang problema, narito ang ilang mga tip na dapat tandaan:
- Kumain ng mas maraming gulay at prutas. Ang mga gulay at prutas ay may mahahalagang bitamina at mineral na tumutulong na mapanatiling kang malusog at walang sakit.
- Mag-ehersisyo nang hindi bababa sa 30 minuto bawat araw, o kabuuang 150 minuto bawat linggo. Ang pananatiling aktibo ay nakakatulong na mapababa ang panganib ng BPH, at nagpapababa din ng panganib ng iba pang mga sakit, tulad ng sakit sa puso at hypertension.
- Tumigil sa paninigarilyo. Habang ang paninigarilyo mismo ay hindi direktang nakakaapekto sa prostate, pinapataas nito ang panganib ng isang tao para sa prostate cancer, pati na rin ang lung cancer at maraming iba pang malubhang sakit.