Ano ang paraphimosis? Tinatawag na paraphimosis ang isang kondisyon kung saan naiiwan ang foreskin sa likod ng ulo ng penis, at hindi na mabalik sa normal nitong posisyon na nagtatakip sa dulo ng penis. Maaari ito magdulot ng pamamaga, pananakit, at pagpigil sa daloy ng dugo sa dulo ng penis. Kung hindi maibabalik ang foreskin sa orihinal nitong posisyon, maaari ito magdulot ng malubhang pinsala.
Naiwan na Foreskin: Mga sintomas ng Paraphimosis
Ano ang paraphimosis? Narito ang mga pangunahing sintomas ng paraphimosis:
- Naiwan ang foreskin, at hindi ito maitulak at maibalik sa normal nitong posisyon
- Pamamaga sa dulo ng penis
- Hindi komportableng pakiramdam at pananakit
- Pamumula o discoloration, at madaling sumakit
- Hirap sa pag-ihi
Kapag nangyari ang mga sintomas na ito, tawagan kaagad ang iyong doktor.
Ano ang nagiging sanhi ng Paraphimosis?
Maaaring hilahin ng taong hindi pa natutuli ang kanilang foreskin tuwing nakikipagtalik o kapag hinuhugasan ang kanilang penis. Maaari ding hilain ng mga doktor at nars ang foreskin upang makita ito habang sinusuri ang penis o naglalagay ng catheter.
Nakakalimutan mo minsan, pati ng iyong doktor o nars na ibalik ang foreskin. Kapag naiwan ang foreskin sa ibaba ng ulo ng penis sa matagal na panahon, maaari mamaga ang penis at maiwan sa ibaba ng penis ang foreskin.
Iba pang sanhi ng paraphimosis:
- Impeksyon. Maaari ito mangyari kapag hindi nalilinisan nang mabuti ang bahagi nito.
- Pinsala sa ari. Maaari magkaroon ng pinsala resulta ng matinding pakikipagtalik, mga breakthrough, mga sugat mula sa paulit-ulit na impeksyon, o kagat ng mga insekto o gagamba.
- Hindi tamang pagtutuli
- Posible ding magdulot ng matagalang pamamaga sa penis at foreskin ang diabetes.
Treatment Kapag Naiwan ang Foreskin
Kabilang sa gamutan ng paraphimosis ang pagbabawas ng penile fluid at pagbabalik ng foreskin sa orihinal nitong posisyon. Wala pang mga pag-aaral na maaari magkumpara sa mga mapagpipiliang treatment. Maaari gumamit ng non-invasive o minimally invasive na paraan ang mga doktor para mabawasan ang pamamaga ng penis.
Dahil sa matinding pananakit, maaaring mangailangan ng penile nerve block (paraan kung saan namamanhid ang ari ng lalaki) ang mga taong may paraphimosis. Maaaring kailanganin din nilang kumuha ng local analgesics, o oral anesthetics bago ang anumang procedure. Pinapahid sa balat ang lidocaine (Emura Cream) nang ilang minuto hanggang isang oras bago umepekto ang penis manipulation.
Anong Sanhi ng Phimosis at Paraphimosis sa mga Bata?
Nangyayari ang phimosis kapag naiiwan o humihigpit ang butas ng foreskin. Normal lamang ito mangyari sa mga bagong silang na sanggol. Paglipas ng panahon, luluwag din ang foreskin at mas madali na itong magbubukas. Sa edad na 17, karamihan sa mga lalaki ang kaya na ito galawin nang tuluyan.
Maaari din mangyari ang phimosis kapag maagang hinila ang foreskin. Maaari ito humantong sa pagkakaroon ng fibrotic scars. Mapipigilan nito ang natural na pagliit ng foreskin para madali itong makagalaw sa hinaharap.
Nangyayari naman ang paraphimosis kapag nasa ibaba ng korona ng penis ang foreskin. Sumisikip ang foreskin kaya hindi ito makabalik sa dulo ng penis.
Ano ang mga Sintomas ng Phimosis at Paraphimosis sa mga Bata?
Posibleng magkakaiba ang sintomas sa bawat bata. Kabilang sa pinakakaraniwang sintomas ng phimosis ang:
- Paglobo ng foreskin kapag umiihi
- Naiiwan ang foreskin o hindi ito tuluyang maibalik sa pagtuntong ng 3 taong gulang ng bata. Para sa ilang bata, maaaring mas matagal ito.
Sumusunod ang pinakakaraniwang sintomas ng paraphimosis:
- Pamamaga ng dulo ng penis
- Pananakit
- Hindi maitulak ang foreskin pabalik sa dulo ng penis
- Pag-iiba ng kulay ng dulo ng penis (karaniwan ang dark red o asul)
- Masakit tuwing umiihi
- Mahinang daloy ng ihi
Komunsulta sa doktor para sa tamang diagnosis. Dahil isang emergency ang paraphimosis, humingi kaagad ng medikal na atensyon kung suspetyang may paraphimosis ang anak.
Susuriin ng doktor ang mga sintomas ng iyong anak. Sunod nilang itatanong ang medial history ng anak. Sasailalim din sa pisikal na pagsusuri ang iyong anak kung saan susuriin ang kanilang foreskin at penis.
Paraphimosis Treatment sa mga Bata
Nakadepende sa sintomas ng iyong anak, sa kanilang edad, kalusugan, pati na rin sa kalubhaan ng kondisyon, ang uri ng treatment na kailangan nila. Kasama rin sa treatment ng pabalik-balik na paraphimosis ang mga sumusunod:
- Pag-lubricate sa dulo ng foreskin at penis, at dahan-dahang pagtulak sa dulo ng ari habang hinihila ang foreskin pataas.
- Paghiwa nang maliit sa foreskin.
- Pagtutuli
Tiyakin na makipag-usap muna sa health care provider ng iyong anak tungkol sa mga panganib, benepisyo, at posibleng epekto ng mga treatment.
Matuto pa tungkol sa Penis Health dito.