Ang vaginal infection, na kilala rin bilang vaginitis, ay karaniwan sa mga kababaihan. Nagdudulot sila ng impeksyon o pamamaga ng ari. Kapag mayroon kang impeksyon o pamamaga ng ari at vulva, ito ay tinatawag na vulvovaginitis. Ito ay isang pangkaraniwang kondisyon at ang bawat babae ay nakakaranas nito sa isang punto ng buhay. Ang mga sintomas ng vaginal infection ay nag-iiba sa bawat babae at depende rin ito sa sanhi at kalubhaan nito.
Ang mga karaniwang sintomas ng vaginal infection ay kinabibilangan ng:
Ang masasamang kemikal sa mga sabon, panlinis, at damit ay maaaring mag-trigger ng mga sintomas ng vaginal infection. Maaaring nakakalito at nakaka-stress na malaman ang sanhi at sintomas. Kaya ipinapayo na humingi ng tulong sa iyong doktor at simulan ang tamang paggamot. Magbasa para malaman ang iba’t ibang uri at sintomas ng vaginal infection.
Mga Uri At Sintomas Ng Vaginal Infections
Yeast Infection
Ang vaginal yeast infection ay isang pangkaraniwang kondisyon na nagdudulot ng pamamaga at pangangati sa ari. Ang kondisyon ay tinatawag ding candidiasis.
Mga karaniwang sintomas ng vaginal infection:
- Pangangati
- Pantal
- Pamumula
- Pamamaga ng ari
- Vaginal discharge
Ang fungus na Candida albicans ay ang pangunahing sanhi ng yeast infection. Kapag may pagbabago sa katawan, naaapektuhan nito ang paraan ng paggana ng bacteria na ito. Ito ay maaaring humantong sa labis na pagdami ng yeast, na nagiging sanhi ng yeast infection. Ang iba pang mga kadahilanan na maaaring humantong sa yeast infections ay pagbubuntis, hormonal imbalance, stress, poor lifestyle, diabetes, at hindi sapat na pagtulog.
Upang mag-diagnose ng yeast infection, maaaring tanungin ng iyong doktor ang iyong mga sintomas, medical history, at history ng vaginal infection. Sa ilang mga kaso, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng pelvic examination. Ang paggamot sa isang yeast infection ay simple. Maaaring magreseta sa iyo ang iyong doktor ng ilang mga gamot, antifungal cream, at ointment.
Maaari mong maiwasan ang yeast infection sa tulong ng isang malusog na diet. Kasama din ang pagsusuot ng komportableng damit, at paggamit ng mga de-kalidad na produkto ng skincare.
Bacterial Vaginosis
Ang Lactobacillus ay isang uri ng bacterium na nagpapanatili sa iyong ari na acidic para maiwasan ang pagdami ng masamang bacteria. Kapag bumaba ang antas ng lactobacillus, pumapasok ang masamang bacteria sa iyong ari at nagiging sanhi ng bacterial vaginosis.
Ang kondisyon ay karaniwan at kahit na hindi ito nagdudulot ng anumang medikal na problema, maaari itong magdulot ng mga isyu kung ikaw ay buntis o nagpaplano ng pagbubuntis. Sa karamihan ng mga kaso, ang mga babaeng may bacterial vaginosis ay hindi nakakaranas ng anumang sintomas.
Ang mga karaniwang sintomas ng bacterial vaginosis ay burning sensation habang umihi, pangangati, at discharge na kulay grey o berde.
Upang maiwasan ang impeksyon, iwasan ang paggamit ng skincare products o mga tampon na maaaring mag-trigger ng pangangati ng ari. Gumawa ng pag-iingat upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik.
Mahalagang makipag-usap sa iyong doktor at para sa tamang treatment sa bacterial vaginosis. Maaaring gumawa ng physical examination ang iyong doktor at tanungin ka tungkol sa iyong mga sintomas. Maaaring din na hilingin sa iyo ng doktor ang ilang mga pagsusuri sa pH level ng iyong vagina. Ang iyong doktor ay maaaring kumuha ng sample ng iyong discharge.
Trichomoniasis
Trichomoniasis ang tawag sa isang karaniwang impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik. Ang impeksyon ay sanhi ng trichomonas vaginalis, isang organismo na mula sa isang indibidwal patungo sa isa pa sa pamamagitan ng genitals habang nakikipagtalik.
Nasa pagitan umano ng apat hanggang 28 araw ang incubation period para lumaki ang impeksyon. Nasa panganib ka na magkaroon ng trichomoniasis kung may higit sa isang sexual partner at may history ng vaginal infections. Kasama rin kung nagkaroon ng mga sekswal na aktibidad ng walang wastong pag-iingat.
Ang mga sintomas ng trichomoniasis sa mga kababaihan ay kinabibilangan ng:
- pamumula sa bahagi ng ari ng babae
- pananakit habang umiihi
- matinding pananakit habang nakikipagtalik,
- dilaw, berde, o kulay grey ang kulay ng vaginal discharge
Ipaalam sa iyong doktor kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas ng trichomoniasis.
Ang mga sintomas ng impeksyon sa mga lalaki ay ang discharge mula sa ari ng lalaki, burning sensation habang umiihi o pagkatapos ng ejaculation, at pangangati sa loob ng ari ng lalaki. Upang maiwasan ang impeksyon, iwasan ang sekswal na aktibidad hangga’t maaari. At kahit na gumamit ng mga hakbang sa pag-iingat sa sex.
Para masuri ang kondisyon, ipaalam sa iyong doktor ang mga sintomas na iyong nararanasan. Sa ilang mga kaso, maaaring irekomenda ng iyong doktor ang mga pagsusuri tulad ng mga cell culture, antigen tests, atbp.
Non-Infectious Vaginitis
Ang non-infectious vaginitis ay isang kondisyon na nagdudulot ng pangangati ng ari.
Ang mga sintomas ay nangyayari nang walang anumang impeksyon. Karaniwang sintomas ng non-infectious vaginitis ay burning sensation, pangangati, at vaginal discharge. Pangunahing sanhi ito dahil sa mga allergy o kawalan ng balanse sa mga hormone. Ang karaniwang sanhi ng non-infectious vaginitis ay ang pagiging sensitibo ng iyong balat sa mga sabon, detergent, at iba pang skincare products.
Upang masuri ang kondisyon, maaaring tanungin ng iyong doktor ang mga sintomas na iyong kinakaharap, ang iyong medical history, edad, at pisikal na kalusugan. Para gamutin ang non-infectious vaginitis, maaaring magreseta ang iyong doktor ng mga cream at tablet na makakatulong upang maibalik ang lubrication at maiwasan ang pangangati, pamumula, at pangangati.
Mga tip upang maiwasan ang vaginal infections
- Sundin ang wastong kalinisan. Gumamit ng mga sabon at panlinis na walang mga nakakapinsalang kemikal. Gumamit ng mga produkto ng pangangalaga sa katawan na fragrance-free. Maaari ka ring makipag-usap sa iyong doktor para magreseta sa iyo ng skincare products.
- Magsuot ng mga damit na breathable at malambot. Iwasan ang masikip na damit.
- Palaging gumamit ng condom upang maiwasan ang mga STD.
- I-monitor ang iyong mga sintomas. Bigyang-pansin ang kulay, amoy, at texture ng vaginal discharge. Maaaring magbigay ang iyong doktor ng mga tip at magreseta ng mga gamot upang maiwasan ang mga impeksyon.
- Kung nakakaranas ng anumang sintomas ng vaginal infections, huwag subukan ang self-medication. Kumunsulta sa iyong doktor para ibahagi ang mga sintomas ng iyong karanasan. Ang iyong doktor ay gagawa ng physical examination at i-diagnose ang sanhi ng impeksyon. Batay sa kanilang mga natuklasan, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng mga paggamot. Sabihin sa iyong doktor kung hindi bumubuti o lumalala ang iyong mga sintomas pagkatapos uminom ng mga gamot.
Matuto pa tungkol sa Vaginitis dito.