Ang uterine fibroids (o myomas) ay mga benign tumor na lumalaki mula sa mga muscle layer ng matris. Maaari silang maging kasing liit ng pinong butil at kasing laki ng melon. Gayunpaman, may ilang mga tao na naniniwala na ang fibroids o myoma ay maaaring maging cancer. Pero, nakaka-cancer ba ang myoma? Kailan cancerous ang myoma? Magbasa para matuto pa.
Facts tungkol sa fibroids
- Ang fibroids ay kilala rin bilang leiomyomas at myomas.
- Ito ay nakakaapekto sa 20 hanggang 80 porsyento ng mga kababaihan sa edad na 50 taon at higit sa 30 porsyento ng mga kababaihan na may edad na 35 taon.
- Karaniwan, nagkakaroon ng fibroid sa pagitan ng edad na 16 at 50 taon.
- Ang mga babaeng African-American ay mas malamang na magkaroon ng fibroids kaysa sa ibang mga lahi.
- Karamihan sa mga kababaihan ay hindi nakakaranas ng mga sintomas ng fibroids.
Gayunpaman, ang ilang mga kababaihan ay maaaring makaranas ng ilang mga sintomas. Para sa maraming kababaihan na may uterine fibroids, lalo na iyong mga mas malalaki ang sukat, maaaring mahirap ito sa kanila. Kung dumadanas ka ng mga sintomas ng myoma, dapat kang komunsulta sa iyong doktor at ipagamot ito.
Nakaka-cancer ba ang myoma?
Para sa mga na-diagnose o nasa panganib ng ganitong kondisyon, ang karaniwang tanong ay: Cancerous ba ang myoma?
Halos palaging, benign ang fibroids, ibig sabihin ay hindi cancerous. Ang uterine fibroids ay mga muscular growth sa dingding ng matris. Maaari silang maging sanhi ng kahirapan dahil sa kanilang laki, lokasyon, at pressure sa matris at iba pang mga organ.
Gayunpaman, kadalasan ay hindi sila nagdudulot ng cancer o mga sintomas na tulad ng cancer. Sa napakabihirang mga pangyayari, ang uterine fibroids ay maaaring maging cancerous.
Nakaka-cancer ba ang myoma? Naniniwala ang mga eksperto na wala pang 1 sa 100 kaso na maaaring mangyari ang cancerous fibroid.
Ang mga fibroids na nagiging cancerous ay tinatawag na leiomyosarcoma o uterine leiomyosarcoma. Ito ay tinatawag ding uterine leiomyoma. Napakabihirang uri ng cancer ang uterine sarcoma. Nagsisimula ito sa muscle at supporting tissues ng matris.
Higit pa rito, para mas maunawaan kung nakaka-cancer ba ang myoma, karamihan sa mga doktor ay naniniwala na ang cancer ay hindi nabubuo mula sa naroroon nang fibroid. Maaaring ang mga cancerous cells na dumadaloy sa paligid ng fibroids na dumidikit sa mga sulok ng fibroids at nagsisimulang lumaki.
Ang WomensHealth.gov ay mayroon ding sagot kung nakaka-cancer ba ang myoma. Ayon sa kanila, ang pagkakaroon ng fibroids ay hindi nagpapataas ng tsansa ng isang babae na magkaroon ng cancerous fibroid at hindi rin nito pinapataas ang panganib na magkaroon ng iba pang uri ng cancer sa matris.
Kahit na sinasabing ang fibroids ay hindi nagiging sanhi ng cancer sa mga kababaihan, ang iyong doktor ang maaaring gumabay sa iyo sa mga pinakamahusay na paraan at magmungkahi kung ano ang angkop para sa iyo. Samakatuwid, kapag nakaranas ka ng mga sintomas ng fibroids, dapat kumunsulta sa klinika ng doktor at ipasuri ito.
Ano ang mangyayari sa kaso ng cancerous fibroid?
Kailan cancerous ang myoma at ano ang dapat gawin ng isang babae tungkol dito? Kung ang fibroid ay binubuo ng cancer cells, ito ay isang cancerous fibroid, o uterine leiomyosarcoma. Isa itong makinis na muscle tumor na nabubuo mula sa muscular na bahagi ng matris.
Ayon sa mga eksperto, maaaring magkaroon ng uterine leiomyosarcoma sa humigit-kumulang isa hanggang limang babaeng may fibroids sa 1,000. Kung ihahambing sa mga benign uterine fibroids, ang cancerous fibroids ay maaaring lumaki nang napakabilis at madaling kumalat sa ibang bahagi kung hindi ginagamot o kung hindi naaangkop ang paggamot sa kanila.
Tulad ng benign fibroids, ang mga sanhi ng uterine leiomyosarcoma ay hindi alam. Karamihan sa mga eksperto ay naniniwala na ang paglitaw ng isang cancerous fibroid ay hiwalay sa pagkakaroon ng isang non-cancerous fibroid.
Gayunpaman, sa mga bihirang kaso, ang ilang mga mananaliksik ay naniniwala na maaari silang magpahiwatig ng malignant na pagbabago ng non-cancerous fibroid. Ang paksang ito ay nasa debate pa rin at wala pang napapatunayang ebidensya.
Dahil napakaliit ng tyansang mangyari ito, walang dahilan para mag-alala nang husto. Ngunit mabuting malaman ang mga sintomas at mga paraan upang masuri ito. Makakatulong ito sa iyo na humingi ng napapanahong medical advice, kung sakaling nag-aalala.
Ano ang mga sintomas ng cancerous fibroid?
Kasama sa cancerous fibroid ang halos lahat ng sintomas ng non-cancerous fibroid. Gayunpaman, kung may paglaki ng isang cancerous na myoma, maaaring may ilang karagdagang karaingan din.
Maaaring ito na ang oras para humingi ng agarang medical advice upang maiwasan ang anumang komplikasyon at paglaki ng cancer. Ang ilan sa mga sintomas ng cancerous fibroid na dapat bantayan ay:
Habang ang karamihan sa mga ito ay clinical presentations, ang pagkuha ng history at pagsusuri ay isinasaalang-alang din.
Paano sinusuri ng mga doktor ang myoma?
Susuriin ng doktor ang cancerous fibroid o uterine leiomyosarcoma sa parehong paraan tulad ng benign fibroids.
Pagkatapos ay makikita nila ang fibroids sa physical examination. Maaaring makaramdam ang iyong doktor ng hindi regular at matigas na bukol sa oras ng pelvic o abdominal exam.
Upang ipaisantabi ang fibroids, iminumungkahi ng doktor na sumailalim sa mga pag-scan na nasa ibaba:
MRI
Magpapayo ang doktor ng MRI upang makita ang laki, dami, at lokasyon ng mga myoma. Ang MRI ay gumagamit ng magnet at radio waves upang makagawa ng mga larawan na makakatulong sa iyong doktor na makilala kung adenomyosis o fibroids.
Makakatulong sa iyong doktor ang MRI na kumpirmahin ang fibroids at malaman kung aling paggamot ang magiging kapaki-pakinabang at epektibo para sa iyo.
Ultrasound
Karaniwang nagre-request ang mga doktor ng ultrasound para tingnan ang fibroids. Gumagamit ang ultrasound ng sound waves upang makita ang mga fibroid kasama din ang frequencies na mas mataas kaysa sa iyong naririnig.
Maglalagay ang doktor ng ultrasound probe sa iyong tiyan o sa loob ng puwerta para mag-scan sa mga obaryo at matris. Ang mga resulta mula sa ultrasound ay tumutulong sa iyong doktor na makakita ng fibroids at magmungkahi ng mga naaangkop na paggamot.
Ang iba pang mga pagsusuri na iminumungkahi ng iyong doktor ay ang mga sumusunod:
- Hysteroscopy
- Hysterosalpingogram (HSG)
- Laparoscopy
- Hysterosonogram
Ang mga pamamaraang ito ay kadalasang kapaki-pakinabang upang makita ang non-cancerous fibroids. Gayunpaman, dapat na planuhin ng mabuti ang mga pamamaraang ito kung ang fibroids ay cancerous. Ito ay para maiwasan ang anumang uri ng pagkalat sa iba pang mga bahagi.
Anumang unusual findings sa mga pagsusuri sa imaging tests ay ay maaaring magtaas ng hinala sa posibilidad ng paglaki ng cancer. Maaaring magpayo ang iyong doktor ng mga karagdagang pagsisiyasat at advanced tests upang maalis ang posibilidad ng cancer.
Maaari bang magdulot ng iba pang komplikasyon ang myoma?
Ang myoma ay hindi karaniwang nagdudulot ng mga komplikasyon ngunit kapag nangyari ito, maaari itong maging napakaseryoso at banta sa buhay.
Ang mga komplikasyon ng myoma ay:
- Infertility: Sa ilang mga kaso, ang fibroids ay magpapahirap sa fertilized egg na idikit ang sarili sa lining ng sinapupunan. Kung mayroon kang submucosal fibroid (o fibroids na tumutubo sa loob ng uterine cavity) maaari nitong baguhin ang hugis ng sinapupunan at magbigay ng mas kaunting espasyo sa inunan.
- Menorrhagia: Kilala rin bilang malakas na regla, ang kondisyong ito ay maaaring maging mahirap para sa isang babae na gumawa ng maayos at tapusin ang kanilang mga pang-araw-araw na gawain. Ito ay maaaring humantong sa pagkapagod, anemia, at depresyon.
- Abdominal pain: Maaari kang makaranas ng pamamaga at pananakit sa ibabang bahagi ng tiyan kung malaki ang fibroids. Gayundin, maaari itong magdulot ng constipation na may masakit na pagdumi.
- Kahirapan sa pagbubuntis: Ang fibroids ay maaaring magdulot ng miscarriage, preterm birth, at mga isyu sa panganganak gaya ng pagtaas ng estrogen levels sa panahon ng pagbubuntis.
Ang leiomyosarcoma o cancerous fibroid ay isang bihirang uri ng cancer na inaakalang nabuo sa loob ng fibroid sa napakabihirang mga kaso. Bagamat hindi malinaw kung ito ay isang komplikasyon ng benign fibroid o isang hiwalay na kondisyon.
Ang iba pang posibleng seryosong komplikasyon ay:
- internal bleeding
- acute thromboembolism
- acute renal failure
- deep vein thrombosis (DVT)
Ito ay mga karaniwang komplikasyon ng fibroids. Sa kaso ng cancerous fibroid, ang alinman sa mga komplikasyong ito ay maaaring mangyari sa iba’t ibang antas. Ito ay depende sa edad at kalusugan ng isang babae. Para sa ilan, maaari itong maging mas mahirap dahil may panganib na kumalat ang cancer sa ibang bahagi ng katawan.
Ipinapayo sa mga babaeng may myoma na agad makipag-ugnayan sa kanilang doktor kung nakakaranas sila ng matinding pananakit ng tiyan o hindi pangkaraniwang pagdurugo sa ari.
Mayroon pa ring debate kung nakaka-cancer ba ang myoma. Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle, pagiging aktibo, at pagpapanatili ng malusog na timbang ay mahalaga para protektahan ang kalusugan mo. Mahalagang mag-focus sa pag-iwas sa paglitaw ng fibroid at pagpigil sa mga posibleng komplikasyon.
Kapaki-pakinabang ang pag-iwas sa fibroids. Maaari ring maiwasan ang maraming risk factors at mga komplikasyon. Mahalaga rin ang pagtuklas ng kondisyon sa mga unang yugto–kung ito ay cancer o hindi. Ang mga regular na pagsusuri at pagsunod sa medikal na payo ay maaaring makatulong sa pagtuklas ng mga kaso at makatanggap ng napapanahong paggamot.
Kung gusto mo pa ring malaman kung nakaka-cancer ba ang myoma, pinakamainam na tanungin ang iyong doktor. Bagamat ang karamihan sa mga uri ng fibroids ay hindi cancerous, sasabihin ito ng doktor mo pagkatapos ng physical examination at ilang pagsusuri.
[embed-health-tool-bmi]