Ano ang karyotype test? Inirerekomenda ang karyotype test upang ma-monitor ang bilang, hugis, at laki ng chromosomes. Bawat tao ay mayroong kabuuang 46 chromosomes. 23 pares ang mayroon sa bawat selula. Sa 46 na chromosomes, minamana ng bawat tao ang 23 chromosomes mula sa kanilang Nanay at ang natitirang 23 ay mula naman sa Tatay. Lubos na nakatutulong ang karyotype test upang masuri kung mayroon mang isa o higit pang nawawala o sobrang chromosome. O kung lahat ng chromosomes ay normal ang hugis at laki. Isang indikasyon ng partikular na genetic disorder ang pagkakaroon ng abnormal na bilang, hugis, at laki ng chromosomes. Malaki rin ang maitutulong ng test na ito upang matukoy kung may genetic defects ang isisilang pa lang na mga sanggol.
Ano ang Karyotype Test at Bakit ito Ginagawa?
- Inirerekomenda ang test na ito sa babaeng nahihirapang mabuntis o mandalas makunan. Maaari din kasing dahil sa chromosomal issues ang hirap sa pagbubuntis o madalas na makunan.
- Inirerekomenda ang test na ito sa mga bata upang matukoy ang tiyak na genetic disorders. Kung may history ang pamilya ninyo ng tiyak na mga kondisyon, maaaring irekomenda ng iyong doktor ang test na ito upang malaman kung namana ba ito ng iyong anak.
- Ang test na ito ay inirerekomenda sa mga buntis upang malaman kung may congenital o birth defects ang hindi pa naisisilang nilang sanggol. Inirerekomenda lamang ito kung mayroon kang panganib na ang iyong baby ay magkaroon ng kondisyong pangkalusugan.
- Ang mga resulta ng karyotype test ay makatutulong din upang makapagbigay ng akmang mapagpipiliang gamutan para sa cancer at anumang blood disorder. Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang karyotype testing kung mayroon kang anumang mga senyales at sintomas ng leukemia, lymphoma, o myeloma. Makatutulong ang test na ito upang malaman ang kondisyon at ang bisa ng ginawang gamutan.
Mga Paunang Kinakailangan para sa Karyotype Test
- Tutulungan ka ng iyong doktor sa lahat ng gabay na kailangan mong sundin bago ang test.
- Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa test, maaari kang makipag-usap sa iyong doktor. Maaari ka ring ilapit ng iyong doktor sa isang genetic counselor upang matulungan kang magdesisyon
- Puwede ka ring i-require na pumirma sa consent form bago ang test. Isa itong minimum risk test. Ang panganib at komplikasyong kasama sa test na ito ay nag-iiba-iba batay sa ginamit na pamamaraan upang makakuha ng sample para sa test. Kung blood o bone marrow ang kinuha para sa test, maaari kang maranas ng pagdurugo o pamamasa sa lugar kung saan ito kinuha. Kung kumuha ng amiotic fluid para sa test, maaaring may ilang panganib ng pagkalaglag. Ipaliliwanag ng iyong doktor o lab technician ang lahat ng mga potensiyal na panganib na kasama sa test.
Pag-unawa sa mga Resulta
Inaalisa ng rest results ang bilang, hugis, at laki ng chromosomes. Maaaring tumagal ito ng 1 – 15 araw bago lumabas ang resulta.
Normal na Resulta
Ang bawat chromosome ay normal ang hugis, laki, at structure. Ang normal na resulta ng test ay magsasabing may 46 chromosomes na ang 2 ay maikokonsiderang sex hormones. Pinapangkat sa 22 pares ang mga chromosome. Ang isang pares ng sex chromosomes ay dalawang x chromosomes sa babae at isang X at isang Y chromosome sa lalaki.
Abnormal na Resulta
- Abnormal ang resulta kung may sobra o kulang sa 46 chromosomes.
- Ang resulta ay maaari ding magsabing abnormal kung ang hugis o laki ng chromosome ay abnormal.
Maaaring indikasyon ng ilang kondisyong pangkalusugan gaya ng Down’s syndrome, Edward’s syndrome, Triple XXX syndrome, Patau’s syndrome, o Turner’s syndrome ang abnormal na bilang ng chromosomes.
Indikasyon ng ilang kondisyong pangkalusugan gaya ng Prader Willi syndrome, Cat’s cry syndrome, duplication of chromosomal material, etc. ang abnormal na structure ng chromosomes.
Puwede ring abnormal ang resulta ng test kung sumasailalim ka sa cancer treatment dahil maaaring nasira ang mga chromosomes habang nasa gamutan.
Kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang mga potensiyal na salik na maaaring magbigay ng abnormal na resulta.
Ano ang Karyotype Test at Kailan Ito Dapat Ulitin?
Maaaring ipaulit sa iyong doktor ang test sa mga sumusunod na kondisyon:
- Kung nagkaroon ng abnormalities sa resulta ng nakaraan mong test, maaaring kailanganin mong ulitin ito upang matiyak ang diagnosis.
- Kung may suspetsya ang doktor mo na ang nakaraang resulta ng iyong test ay false positive o false negative.
- Hindi tama ang technique na ginamit sa pagkolekta ng sample para sa test.
- Hindi sapat ang nakolektang sample para sa test.
- Maaaring kailangan mong ulitin ang test kung sumasailalim ka sa gamutan para sa leukemia, lymphoma, o myeloma. Ang mga resulta ng test na ito ay lubos na makatutulong upang matingnan ang bisa ng gamutan.
Pamamaraan
Maaaring kolektahin ang mga sample para sa test mula sa iba’t ibang tissue gaya ng bone marrow, dugo, amniotic fluid, at placenta. Nagkakaiba-iba ang pammaaraan sa pagkolekta ng sample batay sa bahagi ng katawan na tine-test.
- Blood sample – Kapareho ng paraang ito ng pagkolekta ng blood sample sa iba pang blood test. Kinokolekta ang blood sample mula sa ugat ng iyong braso at inilalagay sa tube. Ipinapadala ang blood sample sa lab para sa analysis. Tumatagal ng 5 – 10 minuto ang pagkolekta nito.
- Bone marrow – sa paraang ito, kinokolekta ang sample ng bone marrow gamit ang malaking bore needle at ipinapadala sa lab para sa analysis.
- Amniotic fluid – isang malinaw at madilaw na fluid ang amniotic fluid na pumapalibot sa fetus na nasa loob ng sinapupunan ng ina. Sa paraang ito, ipinapasok ang karayom sa uterus mula sa abdomen saka kinukuha ang sample nito.
- Placenta – Maaaring kolektahin ang sample ng placenta sa dalawang paraan. Ang sample ay maaaring kolektahin gamit ang karayom na ipinasok sa placenta mula sa abdomen, o sa pamamagitan ng catheter mula sa iyong vagina.
Bagong Panganak na Sanggol
Sa mga bagong panganak na sanggol, kumukuha ng sample mula sa kanilang talampakan.
Sa oras na makuha na ang kinakailangang sample, ipinapadala na ito sa laboratoryo na mayroong sapat na technology para sa karyotype analysis at may mga eksperto gaya ng cytogenetic technologists.
May ilang kemikal na idinadagdag sa sample upang makatulong na mapaghiwalay ang dividing at non-dividing cells.
Pagkatapos nito, pinalalaki ang dividing cells gamit ang ilang kemikal o hormones sa pamamagitan ng cell culture process. Malaki ang nakokonsumong oras ng pagpapalaki ng cells at maaaring tumagal ng ilang araw upang makompleto ang hakbang na ito.
Sa huli, may ilang kemikal na idinadagdag sa mga cell at binabantayan ito gamit ang microscope.
Matuto pa tungkol sa screening tests para sa mga babae dito.