Ang Pap smear ay isang medical test para tingnan kung may mga abnormalidad sa cervix ng babae, ang ibabang bahagi ng matris na nasa ibabaw ng ari. Kahit na mabilis lang ang procedure na ito, minsan ay nag-aalangan ang mga babae na magpa-schedule para dito. Narito kung ano ang dapat asahan sa Pap smear.
Ano ang Pap smear?
Sa isang regular na pelvic exam, maaaring gawin ng iyong doktor ang Pap smear. Sa screening procedure na ito, kumukuha ang doktor ng sample ng iyong mga cervical cell para suriin ang mga abnormalidad na maaaring magpahiwatig ng cervical cancer.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang unang Pap test ng isang babae ay dapat mangyari 3 taon pagkatapos ng kanyang unang pakikipagtalik. Pagkatapos nito, dapat itong gawin taun-taon para sa susunod na 3 taon. Kung negatibo ang resulta sa loob ng 3 magkakasunod na taon, maaaring ulitin ng babae ang pagsusuri isang beses bawat 2 hanggang 3 taon. Para sa mga babaeng hindi kailanman nakipagtalik, maaaring gawin ang Pap test sa edad na 35.
Ayon ilang mga ulat, ang mga babae ay dapat magkaroon ng Pap test kapag sila ay 21 taong gulang, at pagkatapos ay bawat 3 taon kung ang resulta ay negatibo. Sa edad na 30, maaaring magpa-Pap test ang mga babae isang beses bawat 5 taon kung ang smear ay may kasamang pagsusuri sa HPV.
Sa panahon ng iyong gynecologic exam, sasabihin sa iyo ng doktor ang dalas na kailangan mong sumailalim sa isang Pap smear.
Mga dapat asahan sa iyong unang pap smear
Maaaring makaramdam ng kaunting takot o pagkahiya ang ilang kababaihan sa kanilang unang Pap test. Mabuti na lang, kadalasan ay hindi ito masakit, at ang pamamaraan ay tumatagal lamang ng ilang minuto. Narito ang aasahan sa iyong unang pap smear:
Walang “espesyal” na paghahanda para sa test
Hindi mo kailangang maghanda ng anuman para sa isang Pap test. Ngunit ang mga medical experts ay may mga sumusunod na rekomendasyon:
- Mag-iskedyul ng test sa araw na wala kang regla. Mas magiging madali ang pagsusuri para sa iyo at sa doktor. Gayunpaman, kung hindi maiiwasan, ang pagsusuri habang ikaw ay may regla ay maaari ding gawin.
- Iwasan ang pakikipagtalik o pagpasok ng anuman sa iyong ari (kahit mga gamot) nang hindi bababa sa 48 oras bago ang pagsusuri. Ang mga ito ay maaaring makaapekto sa mga resulta sa loob ng 2 araw bago ang pagsusulit. Alinman sa mga ito ay tinatakpan o nawawala ang mga abnormal na cell.
- Magsuot ng mga damit na madaling matanggal, dahil tiyak na kakailanganin mong maghubad mula sa baywang pababa. Minsan, kailangan mong tanggalin ang lahat ng iyong damit, lalo na kung ang iyong test ay may kasamang pagsusulit sa suso o tiyan.
Maaaring sulitin ang konsultasyon
Ano ang ano ang dapat asahan sa pap smear test?
Well, bago ang test, malamang na magkakaroon ka ng konsultasyon sa doktor. Upang masulit ito, sagutin ang kanilang mga tanong ng detalyado. Makakatulong din sa iyo na maghanda ng anumang mga tanong na tungkol sa iyong sexual health. Ihanda ang iyong mga tanong tungkol sa mga sintomas na maaaring nararamdaman mo, ang iyong regla, at pills o contraception.
Panghuli, pakitandaan ang unang araw ng iyong huling regla. Ito ay malamang na itatanong ng doktor.
Ang doktor ay gagamit ng speculum para “palawakin” ang iyong ari
Pagkatapos maghubad, hihiga ka sa examination table, i-bend ang mga tuhod at ilalagay ang iyong mga binti sa mga stirrup para sa suporta.
Pagkatapos ay ipapasok ng doktor ang isang speculum sa iyong ari. Ito ay isang instrumento na naghihiwalay sa iyong mga vaginal wall para mas madaling ma-access ang iyong cervix. Ang pagpasok ng speculum ay maaaring medyo hindi komportable. Pero kadalasan, hindi ito masakit. Makakaramdam ka lang ng kaunting pressure. Para sa comfort, ilu-lubricate ng doctor ang instrumento at hihilingin sa iyo na mag-relax.
Ang pagkuha ng cervical cell samples ay mabilis matapos
Kapag nailagay na ang speculum, kukunin ng doktor ang mga cervical cell gamit ang isang spatula (instrumentong pang-scraping) o soft-bristled brush. Ang sensasyon ay maaaring medyo kakaiba, ngunit tulad ng pagpasok ng speculum, hindi ito masakit.
Matapos kolektahin ang sample at alisin ang speculum, tapos na iyon. Natapos mo na ang iyong unang Pap smear. Bibigyan ka ng doktor ng oras para maglinis at magbihis, at pagkatapos ay maaari nang pag-usapan kung kailan mo maaasahan ang mga resulta.
Sa sandaling umalis ka na sa klinika, maaari ka nang bumalik sa iyong usual na araw. Kung nakakaranas ka ng pananakit, ipaalam kaagad sa iyong doktor, dahil hindi ito pangkaraniwang pangyayari.