backup og meta

Sarah Labhati Body Shaming: Paano Ito Hinarap Ng Aktres?

Sarah Labhati Body Shaming: Paano Ito Hinarap Ng Aktres?

Hindi nakaligtas ang sikat na aktres na si Sarah Labhati sa body shaming. Dahil sa pagbabago ng kanyang katawan habang nagbubuntis at pagkatapos magbuntis.

“I’m six months pregnant and getting body shamed. ‘Ang taba mo,’ ‘ang laki mo,’ ‘loshang,’ etc. Did you forget that I am carrying a child? I am growing a baby inside of me and you are shaming me. This just doesn’t happen to me. What happened to women supporting each other? Praising each other as mothers? Why can’t we accept that our bodies are made to change during pregnancy because there is a growing baby inside?” pahayag ni Labhati.

Hindi naging madali ang hamon ng body shaming kay Sarah Labhati. Dahil na rin sa iba’t ibang negative comments tungkol sa kanyang katawan. Subalit kamakailan lamang sa kanyang instagram post. Siya ay nagbigay ng inspirational post para sa mga kagaya niyang babae na nakaranas ng body shaming at insecurities sa katawan.

I’m tired of hiding my stretch-marks. I’m not perfect. No one is. What’s funny is it took me a while to accept that. My biggest insecurity,” ayon kay Sarah. 

Umani ito ng iba’t ibang positibong reaksyon at komento sa social media. Kung saan sinuportahan siya ng mga kilalang artista at mga netizen sa kanyang pahayag. Sa ngayon may 408,330 likes na ang kanyang instagram post.

Maraming kababaihan ang na-empower ni Sarah Labhati na harapin ang hamon ng body shaming. Dahil sa kanyang matapang na pagharap sa mga taong mahilig mag-body shame. Basahin ang artikulong ito para sa ibang mahahalagang detalye tungkol sa body shaming.

Ano Ang Konsepto Ng Body Shaming?

Ang body shaming ay isang konsepto ng pagsasabi ng mga negatibong bagay. Tungkol sa katawan ng isang tao. Madalas ang mga negatibong pahayag ay kaugnay sa mga palagay na hindi kanais-nais na itsura ng isang indibidwal.

Mga Uri Ng Body Shaming

Bukod kay Sarah Labhati, marami pang mga artista sa iba’t ibang bansa ang nakaranas nito. Tulad ni Lisa Manobal ng Black Pink, dahil sa kanyang pagiging sobrang payat. Maging si Taylor Swift dahil sa kanyang pagtaba. Naging sanhi ito sa pagkakaroon ng eating disorder ng dalaga noon.

May mga iba’t ibang uri ng body shaming. Mahalaga na magkaroon ang bawat isa ng kamalayan tungkol dito. Para alam ng bawat isa kung paano nila haharapin ang body shaming.

Narito ang mga sumusunod na uri:

Fat-Shaming

Isa sa mga komon na dahilan kung bakit nakararanas ng body shaming ang isang tao ay dahil sa kanilang timbang. Isa ito sa mga uri ng body shaming naranasan ni Sarah Labhati noong siya ay nagbuntis— ang fat-shaming.

Ang fat-shaming ay isang uri ng body shaming na tungkol sa pagsasabi ng “masyadong mataba o payat” ang isang tao. Nagiging fat-shaming ito sa pamamagitan ng pagsasabi may layong manghusga at manlait ng kapwa.

Paalala: Tandaan na sa pagbubuntis ay normal lamang na magkaroon ng mga pagbabago sa katawan. Tulad ng mga naganap sa pagbabago ng katawan ni Sarah Labhati noong siya ay nagbubuntis. 

[embed-health-tool-bmi]

Texture-Shaming

Ang texture-shaming ay may kaugnayan sa buhok ng isang tao. Minsan ang mga babaeng may maikling buhok ay nabibigyan ng komento na “mukang lalake o tomboy”. Isa itong halimbawa ng body shaming, lalo na kung ang layunin ng pagsasabi nito ay manghusga at manlait ng kapwa. 

Sa Western country ang ideal hair para sa kanila ay ang pagkakaroon ng straight, sleek at shiny hair. Ang pagkakaroon ng curls, kinky at iba pang uri at textures ng buhok ay less attractive sa kanilang paningin. Kaya madalas ang mga taong may ganoong klaseng buhok ay nakatatangap ng pagbo-body shame.

Clothing-Shaming

Ang pagbibigay din ng pagpuna sa kasuotan ay maaaring matawag na clothing-shaming. Hindi masama ang pagbibigay ng komento sa pananamit ng kapwa. Lalo na kung ang layunin nito ay maganda. Subalit kung ang dahilan ng pagpuna sa pananamit ng isang tao ay pamamahiya at panghuhusga. Masasabi na ito ay clothing-shaming.

Pretty-Shaming

Ito ang uri ng body shaming at diskriminasyon na may kaugnayan sa pagiging attractive ng isang tao. Maraming mga tao ang nakararanas ng bullying dahil sa paningin ng iba ay hindi sila maganda.

There is no definite definition of beauty. Pero madalas nakakalimutan ito ng mga tao. Tinatawag na “lookism” ang pagkiling o diskriminasyon laban sa mga taong itinuturing na hindi kaakit-akit sa pisikal na itsura.

Ang pretty-shaming ay maaaring maganap sa pag-aaplay ng trabaho. Minsan hindi tinatanggap ang isang tao sa isang trabaho. Dahil sa palagay ng employer ay hindi sila magiging epektibo sa gawain. Halimbawa, ang isang babae ay nag-aplay na isang sales lady. Ang aplikante ay may malaking peklat sa mukha. Hindi siya tinanggap, dahil sa palagay ng employer ay hindi ito lalapitan ng customer sanhi para hindi makabenta.

Food-Shaming

Sa kabuuang may kaugnayan ang food-shaming sa body size ng isang tao. Nagaganap ang food-shaming kapag ang isang tao ay hinuhusgahan batay sa kanyang kinakain. Halimbawa, nakita ni Johann ang kanyang kaibigan na si Shaira na kumakain ng donut. At sinabihan niya ang kaibigan na “kaya ka tumataba kasi wala kang ginawa kundi kumain ng donut”. Masasabi na food-shaming ito, lalo na kung ang layunin ng pagkokomentong ito ay panghuhusga sa kapwa at panlalait.

Age-Shaming

Masasabi na isa itong diskriminasyon tungkol sa edad. Bilang pag-uugnay nito sa body-shaming maaaring makaranas ng age-shaming ang isang tao. Kung siya ay nahuhusgahan at nalalait dahil sa kanyang edad. Halimbawa, ang edad ni Arlene ay nasa 45 taong gulang. Nakita siya ni Mercy na nagma-make up at sinabihan niya ang kaibigan ng “hindi na eepekto sa’yo ang make-up dahil kulubot na ang iyong balat”. 

Lagi ring tatandaan na magiging ganap na age-shaming ito. Kung ang pangunahing layunin ng pamumuna ay pang-aapi ng kapwa.

Ano Ang Mga Iba’t Ibang Epekto Nito?

May iba’t ibang masamang epekto sa kalusugang pisikal at mental ang body shaming. Tulad ng mga sumusunod:

  • Eating disorder. Isa itong behavioral conditions na nailalarawan sa pamamagitan ng severe at persistent disturbance sa eating behaviors. Kung saan nauugnay ito sa pag-distress ng sariling pag-iisip at emosyon.
  • Depresyon. Ito ay isa sa mga mental illness na maaaring makuha ng isang tao sa body shaming. Dahil sa pagiging balisa sa mga komentong naririnig na nakaaapekto sa kanilang confidence.
  • Mababang self-esteem. Maaaring magbunga ng kawalan ng lakas ng loob sa pagharap sa mga tao ang body shaming. Dahil sa palagay nila ay may mali sa kanila bilang isang tao.
  • Body dysmorphia o BDD ay isang mental health condition. Ang mga taong may ganitong kondisyon ay madalas na nag-aalala sa kanilang flaws sa itsura. Madalas ang flaws na ito ay hindi naman kapansin-pansin sa iba.
  • Matinding pag-ayaw o pag-hate sa sariling katawan. Dahil sa body shaming maaaring magresulta ito ng pagbuo ng hinanakit sa sariling katawan.
  • Pagkakaroon ng mataas ng risk ng self-harm at suicide. Isa ito sa masamang epekto ng body shaming. Hindi maiiwasan na minsan ay humantong sa ganitong pag-iisip ang taong nakararanas ng body shaming. Dahil pakiramdam nila na wala na silang pag-asa dahil sa kanilang mga kakulangan.

Paano Mo Maiiwasan Ang Pagiging Dahilan Ng Body Shaming?

Bilang mga indibidwal, nararapat lamang na magkaroon ang bawat isa ng sense of responsibility. Lalo na sa mga bagay na sasabihin sa kapwa at kung paano tratratuhin ang isang tao. Narito ang ilang mga tip kung paano mo maiiwasan na maging sanhi ng shaming:

  • Pagtigil sa pag-uusap tungkol sa katawan ng ibang tao. Makatutulong ito para maiwasan ang body shaming. Kung wala namang magandang layunin at agenda para pag-usapan ang katawan ng ibang tao. Mas maganda na huwag pag-usapan ito para maiwasan ang maling pamumuna sa kapwa.
  • Matuto tungkol sa body neutrality. Ang  body neutrality ay tungkol sa pagpokus sa positive function ng katawan. Mainam na matutunan ito para mas makita ang pagiging unique ng isang tao at magpokus sa kagalingan nito. Kaysa sa mga kakulangan ng isang indibidwal
  • Pagiging open-minded. Sinasabi na ang pagkakaroon ng bukas na pag-iisip sa itsura ng isang tao ay nakatutulong ng malaki. Ang pagiging open-minded ay makatutulong para mas maunawaan na normal lang na magkaroon ng imperfections at hindi ito ang batayan dapat ng lipunan sa kung ano ang maganda.

Paano Mo Ito Haharapin?

Bilang isang babae, dapat mong ipakita na hindi ka lamang basta babae na mahina at walang kakayahan. Tulad ng ginawa ni Sarah Labhati— ang pagtanggap ng sariling flaws ay nakatutulong para mas maunawaan ang sarili. Mahalaga rin na matutunan na mag-stand up at speak-up sa kung ano ang tama at mali. Para makita ng ibang tao na hindi ka nila maaaring insultuhin sa mga bagay na para sa kanila ay hindi maganda. 

Ang ginawa ni Sarah Labhati na pag-speak up. Gamit ang kanyang instagram account ay isang pagpapatunay na maaaring labanan ang body shaming sa positive way. Kung saan maaari pa itong maging inspirasyon ng mga tao sa kung paano papahalagahan ang sarili.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng flaws at imperfections ay normal lamang. Hindi dapat i-tolerate ang body shaming dahil sa mga masasamang epekto nito sa kalusugan ng tao. Maganda na maging malay sa mga bagay na may kaugnayan sa body shaming. Para bilang isang indibidwal ay alam mo kung paano mo maiiwasan na maging sanhi ng body shaming. Ang pagiging malay tungkol dito ay makatutulong din para harapin sa positibong paraan ang body shaming.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.

Larawan mula sa Instagram

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Body Shaming, https://anad.org/get-informed/body-image/body-image-articles/body-shaming/, Accessed March 21, 2022

Body dysmorphic disorder (BDD), https://www.nhs.uk/mental-health/conditions/body-dysmorphia/#:~:text=Body%20dysmorphic%20disorder%20(BDD)%2C,in%20teenagers%20and%20young%20adults, Accessed March 21, 2022

Is Lookism Unjust? The Ethics of Aesthetics and Public Policy Implications, https://www.researchgate.net/publication/228370474_Is_Lookism_Unjust_The_Ethics_of_Aesthetics_and_Public_Policy_Implications, Accessed March 21, 2022

What are eating disorders? https://www.psychiatry.org/patients-families/eating-disorders/what-are-eating-disorders, Accessed March 21, 2022

Body Shaming, https://www.merriam-webster.com/dictionary/body-shaming, Accessed March 21, 2022

Is beauty beastly? Gender-specific effects of leader attractiveness and leadership style on followers’ trust and loyalty, https://psycnet.apa.org/doiLanding?doi=10.1027%2F2151-2604%2Fa000101, Accessed March 21, 2022

Fat shaming is making people sicker and heavier, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6565398/, Accessed March 21, 2022

The role of weight self-stigma on the quality of life of women with overweight and obesity: A multi-group comparison between binge eaters and non-binge eaters, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/27423819/, Accessed March 21, 2022

Weight Shame, Social Connection, and Depressive Symptoms in Late Adolescence, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5981930/, Accessed March 21, 2022

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Female Alopecia at Paano Ito Maaaring Gamutin?

Bukol Sa Ari Ng Babae: Mga Uri, Sintomas, At Paggamot


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement