backup og meta

Sanhi Ng Uterine Fibroid, Alamin Dito Ang Mga Ito

Sanhi Ng Uterine Fibroid, Alamin Dito Ang Mga Ito

Ang regular na physical exams ay kailangan para ma-monitor ang kalusugan ng isang tao, at para malaman ang mga kondisyong medikal.

Para sa mga kababaihan, kabilang sa mga inirerekomendang pagsusuri ay ang mga gynecological exams, na makakatulong sa pag-detect ng tissue mass na uterine fibroids. Ang uterine fibroids ay hindi kadalasang nagdudulot ng pananakit o iba pang sintomas. Alamin kung ano ang sanhi ng uterine fibroid.

Ang uterine fibroids ay mga hindi cancerous growths na kadalasang lumilitaw sa mga babaeng edad 25 -40. Iba-iba sa bawat tao ang lokasyon, laki, at bilang ng mga paglaki na ito.

Ang mga ito ay maaaring matagpuan sa loob o sa outer surface ng matris. At maaari lumaki na isang buong mass  o ilang iba’t iba ang laki. 

Ano ang nagiging sanhi ng uterine fibroids?

Inaalam pa ng mga doktor ang dahilan ng paglaki ng uterine fibroids, ngunit ang mga pagbabago sa genetic at hormonal ay posibleng mga kadahilanan sa paglaki nito. Sinusubukan pa rin ng mga researcher na maunawaan kung bakit minsan ay lumalaki at lumiliit ang mga ito. Ang uterine fibroids kung minsan ay lumiliit pagkatapos ng menopause dahil sa mga pagbabago sa level ng hormone ng isang babae.

Patuloy ang mga pag-aaral upang matukoy kung ano ang nagiging sanhi ng uterine fibroid at kung paano ito maiiwasan.

Kabilang sa mga may lower risk ay ang mga gumamit ng oral contraceptive nang hindi bababa sa isang dekada. Ang mga may timbang na mas mababa sa 55 kilo ay mas mababa sa risk. Totoo rin ito para sa mga nagkaroon ng maramihang mga full-term na pagbubuntis. 

Detection ng fibroids at mga epekto sa kalusugan

Ang uterine fibroids ay kadalasang nakikita sa panahon ng physical exams.Sinusuri ng doktor ang matris sa pamamagitan ng bahagyang pagdiin sa tiyan gamit ang isang kamay, habang ginagamit ang dalawang gloved fingers ng kabilang kamay upang suriin ang ari. Maaaring maramdaman ng doktor na hindi regular ang hugis ng matris o mas malaki kaysa sa normal.

Maaari silang magreseta ng abdominal o transvaginal ultrasound scan upang kumpirmahin ang pagkakaroon ng uterine fibroids.

Uterine Fibroids at Pagbubuntis

Ngayong alam na natin ang sanhi ng uterine fibroid, ating alamin ang epekto nito sa pagbubuntis.

Gaya ng nabanggit, ang uterine fibroids ay karaniwang hindi nagdudulot ng mga sintomas at hindi nakakasama sa kalusugan ng isang tao. Ang mga mass na ito ay hindi rin kadalasang nakakaapekto sa pagbubuntis. Ang ilang mga kababaihan ay nakapag buntis ng full term kahit na may uterine fibroids. Sa panahon ng pagbubuntis, maaaring lumaki ang fibroid dahil sa pagtaas ng daloy ng dugo sa matris. Ngunit ang mga ito ay maaari ding maging mas maliit o ganap na mawala pagkatapos ang sanhi ng uterine fibroid.  

May mga kaso na ang fibroids ay maaaring magdulot ng discomfort at pananakit sa panahon ng pagbubuntis, na nauuwi sa pangangailangan ng treatment. Maaaring magrekomenda ang mga doktor ng cesarean delivery ng sanggol kapag naassess ang fibroid.

Signs and Symptoms

Ang mga walang sintomas o nakakaranas lamang ng mga mild na sintomas ay maaaring piliin na huwag ipagamot ang kanilang fibroids, dahil hindi ito nagiging sanhi ng kanser. 

Ang ilang kababaihan na may uterine fibroids ay maaaring makaranas ng mga sumusunod:

  • Malakas na pagdurugo ng regla
  • Mga regla na tumatagal ng higit sa isang linggo
  • Pelvic pressure o pananakit
  • Madalas na pag-ihi
  • Nahihirapang alisin ang laman ng pantog
  • Constipation
  • Backache
  • Pananakit ng binti

Treatment

Kung ang mga sintomas na ito ay hindi kaagad nawala o lumala, kumunsulta sa iyong doktor. Ang doktor ay maaaring magrekomenda ng mga paggamot batay sa health history, mga sintomas, at mga plano sa pagkakaroon ng mga anak.

Maaaring paliitin ng mga kasalukuyang gamot ang uterine fibroids, pero hindi maalis ang mga ito. Ang mga gamot na ito ay nakakaapekto sa mga hormone na kumokontrol sa cycle ng regla, na tumutulong sa pagpapagaan ng mabigat na pagdurugo ng regla at pelvic pressure.

Ang mga nonsteroidal na anti-inflammatory na gamot ay karaniwang inireseta para maibsan ang sakit. Makakatulong din ang mga ito na bawasan ang daloy ng regla. Ngunit hindi nila maaaring mapaliit ang laki ng isang fibroid.   

IUD (intrauterine device)

Para mabawasan ang matinding pagdurugo, maaaring magrekomenda ang doktor ng IUD (intrauterine device). Ang iba pang paggamot ay maaaring mga oral contraceptive at non-hormonal na gamot na tranexamic acid. Ang unang dalawang opsyon ay pumipigil din sa pagbubuntis.

Maaaring magrekomenda ang mga doktor ng mga bitamina at iron para mapunan ang pagkawala ng sustansya mula sa matinding pagdurugo.

Ang isa pang opsyon ay ang gonadotropin-releasing hormone (GnRH) agonists, na humaharang sa estrogen at progesterone upang gayahin ang mga kondisyon ng menopause. Pinipigilan nito ang regla, na nagreresulta sa pagbaba sa laki ng uterine fibroid. 

Ito ay maaaring ireseta bago ang isang operasyon para paliitin ang uterine fibroids. Gayunpaman, ang opsyong ito ay karaniwang nireresetahan lang para sa maximum na 6 na buwan habang ang mga kababaihan ay nagsasabi na nakakaranas ng mga hot flashes.

Ang pangmatagalang paggamit ay maaari ding maging sanhi ng bone loss. Bumabalik din ang mga sintomas kapag huminto ang mga babae sa pag-inom ng GnRH agonists.  

Myomectomy at Hysterectomy

Mayroon ding mga surgical procedure na magagamit, tulad ng myomectomy, na nag-aalis ng fibroids, habang hinahayaan ang matris sa lugar. 

Sa kabilang banda, ang hysterectomy ay pag-aalis ng matris at kung minsan ay ang mga ovary din. Ang huli ay maaaring gawin sa vaginally o abdominally. Ang mga babaeng pipiliing sumailalim sa hysterectomies ay hindi na makakapag-anak.

Ito ang dahilan kung bakit pinapayuhan lamang kung ang pananakit at pagdurugo na dulot ng uterine fibroids ay malubha at walang ibang opsyon sa paggamot.

Uterine Artery Embolization (UAE)

Uterine Artery Embolization (UAE) ay isa pang paggamot, na humaharang sa mga daluyan ng dugo patungo sa fibroids, na nagiging sanhi ng pag-urong ng paglaki. Mahalagang kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa epekto nito sa iyong fertility.

Ang paggawa ng maliliit, mas malusog na lifestyle ay nakakatulong sa pagpapagaan ng ilang sintomas ng uterine fibroids. Kabilang dito ang pagpili ng mas malusog at organikong pagkain kaysa sa mga naproseso, pagbabawas ng asukal, regular na pag-eehersisyo, at pagpapanatili ng pagbaba ng blood pressure at stress levels.

Key Takeaways

Ang karagdagang pananaliksik ay makakatulong na mas maunawaan kung ano ang nagiging sanhi ng uterine fibroid at kung paano maiiwasan ang mga ito. Ngunit ang pagiging maagap sa pagbabawas ng risk at pagprotekta sa iyong kalusugan ay puedeng magbigay ng malaking pagkakaiba.
Habang ang uterine fibroids ay kadalasang benign, palaging pinakamahusay na humingi ng medikal na payo. Ang iyong doktor ay makakapagbigay ng expert medical intervention na pinakamahusay para i-manage ang iyong kondisyon at mag-alok ng mga opsyon sa paggamot, kung kinakailangan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Uterine Fibroids: Symptoms and Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/uterine-fibroids/symptoms-causes/syc-20354288 Accessed July 6, 2020

Uterine Fibroids http://www.cwcare.net/services/gynecological-challenges/uterine-fibroids Accessed July 6, 2020

Risk factors for uterine fibroids: reduced risk associated with oral contraceptives. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1341047/ Accessed July 6, 2020

Uterine Fibroids – Diagnosis https://www.nhs.uk/conditions/fibroids/diagnosis/ Accessed July 6, 2020

Kasalukuyang Version

03/02/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Female Alopecia at Paano Ito Maaaring Gamutin?

Bukol Sa Ari Ng Babae: Mga Uri, Sintomas, At Paggamot


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement