Ang vaginal discharge ng isang babae ay iba-iba ng kulay at consistency depende sa menstrual cycle stage. Halimbawa, maraming mga babae ang napapansin ang “white mens” bago ang aktuwal na regla. Ano ang ibig sabihin nito, at kailangan ba itong alalahanin? Alamin dito.
[embed-health-tool-ovulation]
White menstruation, pagpapaliwanag
Kung narinig mo ang mga babae na pinag-uusapan ang white mens, sigurado na ang tinutukoy nila ay ang makapal, na puti o dilaw na vaginal discharge na nangyayari bago ang aktuwal na regla.
Karamihan ng mga babae ay hindi iniisip ang discharge hangga’t hindi sila nakararanas ng kahit na anong nakababahalang sintomas, tulad ng matapang, malansa o malalang sakit sa puson. Ngunit, ano eksakto ang white menstruation, at bakit ito nangyayari bago ang regla?
Ayon sa mga eksperto, ang discharge ay tinatawag na leukorrhea, at karamihan ng mga babae ay nagpo-produce ng isang kutsara kada araw. Ang kulay at consistency nito ay depende sa mas dominanteng hormone habang nasa menstrual cycle.
Halimbawa, kung ang hormone na progesterone ay makikita, ang leukorrhea ay makikitang makapal at maputi at medyo cloudy. Sa mataas na lebel ng estrogen ang discharge ay nagiging manipis, klaro, matubig, o stretchy.
Ang ilang mga babae ay ginagamit ang leukorrhea upang ma-track ang kanilang fertility. Ang manipis at matubig na discharge ay iniuugnay sa pagiging fertile; sa kabilang banda, ang makapal at cloudy na leukorrhea ay kinokonsiderang infertile cervical mucus.
At hindi ito nakagugulat. Sa kabila ng lahat, ang discharge na tinatawag na white mens ay karaniwang nangyayari bago ang kanilang period kung kailan hindi na sila fertile.
Ang ibang sanhi ng white discharge
Gaya ng nabanggit kanina, ang white mens bago ang regla ng babae ay karaniwang hindi dapat alalahanin hangga’t walang mga inaalalang sintomas. Nasa ibaba ang mga posibleng rason bakit ka nagkakaroon ng “white menstruation.”
Oral contraceptive pills
Ikaw ba ay gumagamit ng birth control pills? Kung ikaw ay gumagamit, pakiusap na alalahanin na ang oral contraceptive pills ay nakaaapekto sa lebel ng hormones ng babae, kaya’t maaaring humantong ito sa white discharge.
Karagdagan, ang mga babae na “nagpi-pills” ay mas marami ang white discharge.
Bacterial Vaginosis
Ito ay kondisyon na nagreresulta sa hindi balanseng bilang ng bacteria sa puki, ang bacterial vaginosis o BV ay maaaring maging sanhi rin ng white discharge.
Gayunpaman, pakiusap na tandaan na ang BV discharge na kulay ay iba-iba. Ang ibang mga babae ay mapapansin ang whitish-grey na mucus, habang ang iba ay mapapansin ang yellowish o greenish vaginal discharge. Ang vaginal discharge ay maaaring sanhi ng ibang uri ng STDs, tulad ng chlamydia, at bacterial infections lalo na kung ang isang tao ay sexually active.
Sa huli, kung ito ay bacterial vaginosis, mapapansin mo ang matapang, at malansang amoy na may abnormal na discharge.
Yeast Infection
Isa pang posibleng rason para sa pagkakaroon ng white discharge ay ang vaginal yeast infection. Tulad ng bacterial vaginosis, ang yeast infection o Candidiasis ay nangyayari dahil may microbial balance.
Gayunpaman, sa halip na bacterial overgrowth, nangyayari ang yeast infection dahil sa pagdami ng candida, isang uri ng fungi na natural na makikita sa balat ng tao.
Karaniwang nakikita ang white discharge sa yeast infection bilang “cottage cheese.” Ito ay puti, makapal, at karaniwang lumpy. Gayunpaman, ito ay karaniwang hindi mabaho.
Pagbubuntis
At sa huli, ang “white menstruation” bago ang regla ay maaaring maagang senyales ng pagbubuntis.
Hindi ito magiging madali na matukoy sa pagitan ng normal na leukorrhea at white discharge na may kaugnayan sa pagbubuntis. Gayunpaman, ang ilang pag-uulat ng mga babae na ang leukorrhea na may kaugnay sa pagbubuntis ay nakikita bilang “mas makapal” o “mas creamy”
Kailan Hihingi ng Medikal na Tulong
Gaya ng pagiging karaniwan ng white mens bago ang period, pakiusap na humingi ng medikal na tulong kung naranasan ang kahit na anong sa mga sumusunod na sintomas:
- Pagbabago sa amoy ng puki. Kung ito ay matapang, malansang amoy, ito ay maaaring indikasyon ng bacterial vaginosis.
- Pagbabago sa kulay; maaaring ito ay indikasyon ng BV o ibang sexually-transmitted infections.
- Pangangati, sakit, o mahapding pakiramdam sa puki
- Pamamaga o rashes (kahit na walang vaginal discharge)
Mahalaga na kausapin ang iyong doktor dahil ang bacterial vaginosis, yeast infection, at ibang STIs ay maaaring makaapekto sa iyong fertility; karagdagan, kung ikaw ay buntis na, maaari kang maging at risk maging ang iyong baby.
[embed-health-tool-due-date]
Key Takeaways
Gayunpaman, kung nangyari ang white menstruation na may kasamang sintomas tulad ng matapang na amoy sa puki, sakit, at pamamaga, mahalaga na kausapin agad ang iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Babae rito.