Sa mga Pilipino, malamang na narinig mo na ang kuwento ng matatanda sa pagpahid ng regla sa mukha para maiwasan ang acne sa hinaharap. Saan ito nagmula, ano ang katotohanan, at epektibo ba ito? Matuto nang higit pa mula sa aming Hello Doctor expert, si Dr. Rani Cadiz, habang inilalatag niya ang mga katotohanan at ang mga benepisyo ng pagpahid ng regla sa mukha.
Totoo Bang Maiiwasan Ang Acne Kung Gumamit Ka Ng Dugo Mula Sa Iyong Unang Regla?
Walang batayan ang lumang alamat ng paggamit ng dugo ng panregla bilang maskara sa mukha o paghuhugas ng mukha nito.
Nagmumula sa pagbara ng mga follicle ng buhok ang acne, isang pangkaraniwang kondisyon ng balat sa mga teenager. Ang kombinasyon ng nakulong na langis, mga patay na selula ng balat, at cutibacterium acnes ay nagreresulta sa hindi magandang tingnan na mga bukol at pamamaga.
Ang pagpahid ng regla sa mukha ay hindi tumutugon sa alinman sa mga sanhi ng acne sa itaas. Sa katunayan, maaari pa itong makadagdag sa impeksyon. Isipin na lang kung paano mahawahan ang dugo ng panregla ng iba pang likido mula sa genital tract.
Saan Nagmula Ang Ideya Ng Pagpahid Ng Regla Sa Mukha?
Mahirap tuklasin kung saan nagmula ang alamat na ito dahil itinuturing ng maraming kultura ang dugo ng panregla bilang “marumi” o “hindi malinis.” Sa ibang gawi, pinapayuhan pa nga ang babae na huwag gumamit ng pampublikong paliguan sa panahon ng regla. Marahil ay naging mas sikat ito kamakailan — pagpahid ng regla sa mukha — pagkatapos i-promote ito ng ilang influencer para magbigay ng kabataan ng ideya na hindi pagtanda o parang “mga hindi tumatanda na bampira.”
Ano Ang Koneksyon Ng Regla At Acne?
Maraming kababaihan ang nagpapatunay sa kaugnayan ng kanilang acne habang malapit nang magsimula ang kanilang regla. Hindi pa ganap na naipapaliwanag ang eksaktong mekanismo at pagkakaugnay ng sanhi. Ngunit sinasabing nauugnay ito sa mataas na antas ng androgen.
Ang mga babaeng dumaranas ng hyperandrogenia (nadagdagan na mga hormone ng androgen) ay kadalasang mayroong premenstrual acne flare. Ang mataas na antas ng androgen ay nagreresulta sa pagtaas ng produksyon ng langis sa balat na maaaring makabara sa mga pores.
Benepisyo Ng Pagpahid Ng Regla Sa Mukha, Meron Ba?
Ayon sa isang pag-aaral (Yang et. al.), ang menstrual blood ay binubuo ng tatlong natatanging likido sa katawan: dugo, vaginal fluid, at ang mga cell at fluid ng late secretory phase ng uterine endometrial lining. Ang iba pang mga bahagi ay mga proteolytic enzyme, cytokine, at mga protina mula sa magkakaibang uri ng immune cells.
Sa teorya, maaaring may mga potensyal na benepisyo ang pagpahid ng regla sa mukhal, PERO walang kasalukuyang siyentipikong ebidensya na sumusuporta sa paggamit ng regla para sa acne. Hindi man lang ito maa-absorb ng balat upang “makamit” ang ninanais na “anti-acne” na epekto.
Epektibo Ba Ito?
Hindi, hindi ito epektibo. Sa kasalukuyan ay walang balidasyon ang pag-aaral upang suportahan ang paggamit nito.
Ligtas Ba Ito?
Maaari itong magdulot ng potensyal na pinsala. Ang virus at bacteria na nakakahawa sa regla ay maaaring magdulot ng posibleng pamamaga o paglala ng acne. Baka mas mahirapan pa kung makapasok ito sa iyong mga mata.
Ito Ba Ay Sulit Na Subukan?
Hindi, mas mabuting iwasan ang gawaing ito.
Paano ang tungkol sa “mga vampire facial”? Ang ilang mga derma clinic ay nag-aalok ng serbisyong ito kung saan kumukuha sila ng dugo mula sa pasyente. Pagkatapos, pinaghihiwalay ang plasma, at muling ipinapasok ang dugo/plasma sa balat. Mayroon bang anumang panganib? Mayroon bang anumang benepisyo?
Ang “mga vampire facial,” na kilala rin bilang platelet-rich plasma (PRP) injections, ay ginagamit upang pasiglahin ang paglaki ng bagong collagen upang bigyan ang balat ng isang mas kabataang hitsura. Ito ay naidokumento sa iba pang mga medikal na kaso i.e. para sa pagpapagaling ng sugat, joint injuries, at sakit na nauugnay sa arthritis.
Ang mga pag-aaral sa paggamit nito sa mukha ay nagpakita na ang autologous PRP treatment ay nagpabuti ng mga kondisyon ng balat, kabilang ang pagtaas ng kapal ng balat, pinahusay na nilalaman ng collagen, at pagbawas ng pigmentation.
Tandaan na ang isa sa mga potensyal na panganib ay ang pagkakaroon ng mga sakit na dala ng dugo gaya ng HIV. Ito ay maaaring dahil sa hindi ligtas at hindi malinis na pag-iimbak at paghawak ng mga karayom. Ang iba pang mga panganib sa lugar ng iniksyon ay pangangati, pamamaga, at pasa.
Bilang konklusyon, mayroon bang anumang benepisyo ang pagpahid ng regla sa mukha? Posible, ngunit hindi suportado ng medikal.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.
[embed-health-tool-ovulation]