backup og meta

Maitim na Regla, Ano Ba Ang Ibig Sabihin Nito? Alamin Dito

Maitim na Regla, Ano Ba Ang Ibig Sabihin Nito? Alamin Dito

Malaking bahagi ng populasyon ang nireregla. Ngunit para sa isang bagay na pangkaraniwan, marami pa ring dapat matutunan tungkol dito. Tinatawag na regla ang proseso kung saan buwan-buwan lumalabas ang tissue at dugo mula sa inner lining ng uterus sa vagina. Naiiba ang kulay nito sa bawat tao. At maaari ding magbago pa ito hindi kalaunan sa buhay ng isang tao o sa loob lamang ng isang period cycle. Ano ang dahilan sa likod ng maitim na regla at iba pang mga pagbabago sa kulay nito? Basahin ang sumusunod para malaman.

Sa article na ito, tatalakayin natin kung ano ang karaniwang sanhi ng maitim na regla, kung dapat bang mag-alala, at kung ano ang iba pang mga bagay na maaaring dahilan ng maitim na regla.

[embed-health-tool-ovulation]

Maitim na regla at iba pang mga pagbabago sa kulay nito

Madalas nagbabago ang dugo ng regla sa buong duration na nangyayari ito.

Sa simula, posibleng mas matingkad na pula ang kulay nito. At pagkatapos, maaari itong mas maging maitim habang lumilipas ang mga araw. Posible rin na mas maitim ang kulay ng dugo sa simula. At mas light ang kulay nito sa kalagitnaan, at muling iitim uli hanggang matapos.

Oxidation ang sanhi sa likod ng maitim na regla. Kapag na-expose ang dugo sa oxygen, nagiging maitim ang kulay nito tulad ng kung paano nangangalawang ang bakal ngunit sa mas maikling panahon.

Samakatuwid, kung mas matagal ang paglabas ng dugo mula sa matris, mas nagiging maitim din ang kulay ng dugo. Maaari ding makaapekto sa kulay at consistency ng discharge ang regular vaginal fluids. At normal lang ang lahat ng ito.

Maitim na regla, dapat bang maalarma?

Kadalasan, hindi ito dahilan para mag-alala. Kung nangyari ito sa loob ng normal na panahon ng iyong regla, sa normal na dami, hindi ito dapat alalahanin. Tulad ng nabanggit sa itaas, sinasabi lang ng maitim na regla na mas matagal lang lumabas ang dugo mula sa matris.

maitim na regla

Maitim na Regla: Iba pang mga sanhi

Unang rason ang nabanggit sa itaas. Maaaring mabagal ang daloy ng dugo sa simula at pagtatapos ng regla. Ito ang nagbibigay ng oras sa dugo para mag-oxidize. Kaya maaaring dumilim ang kulay ng dugo at magresulta sa maitim na regla.

Naiwang bagay sa loob ng katawan

Isa pang dahilan ang maaaring pagkaiwan ng isang bagay sa loob ng katawan na humahadlang sa daloy ng dugo. Maaaring bagay na hindi natural sa katawan tulad ng condom, contraceptive device (cervical caps, diaphragms, o vaginal rings).

Hematocolpos

Maaari din itong hematocolpos o retained menses. Nangyayari ito kapag hindi makalabas sa vagina ang dugo ng regla. Sa halip, naiipon ito, habang unti-unting nag-o-oxidize at nagiging mas maitim na regla. Kadalasan ang hymen, septum, o mga komplikasyon sa operasyon ang nagdudulot nito. Gayunpaman, kung hindi pa na-diagnose ng ganitong kondisyon, lubos na malabo itong mangyari.

Bihira lang ang cervical cancer

Napakabihira lang ng susunod na dahilan ngunit mabuti ding alamin. Maaari itong mangyari kung nakararanas din ng irregular period, menorrhagia, at pagdurugo matapos makipagtalik. Maaaring ang maitim na regla, sa hindi karaniwang kaso, ay maging isang maagang sintomas ng cervical cancer.

Walang masyadong natatanging senyales ang early-stage ng cervical cancer ngunit kung mayroong history ng cancer, maaaring patunayan na mali ang mga sintomas at ipasuri ito. 

Sa mga huling stage, kasama sa mga sintomas ang pagdurugo o pananakit habang o pagtapos ng pakikipagtalik, fatigue, mas mahaba at mas mabigat na regla, pananakit ng balakang, at pamamaga ng binti.

Postpartum lochia (discharge)

Kung nanganak lang kamakailan, maaaring postpartum lochia ang maitim na regla na isang karaniwang anyo ng pagdurugo na nangyayari sa unang 6-8 na linggo pagtapos ng panganganak. Maraming dugo ang naipon at kalaunan naglalabas ang katawan ng maitim na dugo nagiging light sa kalaunan habang patuloy ang pagdurugo.

Kung wala pang 5 buwang buntis, sa kasamaang-palad, maaaring indikasyon ng maagang pagkalaglag ang maitim na dugo. Maaaring nakaranas ng missed miscarriage ang katawan at mayroon pa ring mga sintomas ng pagbubuntis kaya pinakamabuting gawin ang magpa-ultrasound upang tiyak kung ano ang nangyari at matapos na ang pag-aalala.

Sexually Transmitted Infection (STI)

Panghuli, maaaring isang impeksiyon na nakukuha sa pakikipagtalik ang nagdudulot nito kung kasabay ng itim na dugo ang mahapding pakiramdam tuwing umiihi, discharge na may hindi magandang amoy, pangangati, pananakit o pagdurugo habang o pagtapos makipagtalik, pelvic pressure o pain, at spotting sa pagitan ng regla.

Key Takeaways

Nakababahala ang maitim na regla kung nangyayari ito kasabay ng iba pang mga sintomas o sa labas ng normal na cycle ng regla. Karamihan sa mga babae, tumatagal ang regla ng dalawa hanggang isang linggo kada tatlo hanggang limang linggo. Maaaring kailanganin ng ilang partikular na kondisyon ng pagbisita sa healthcare provider kung nangyari ito sa panahon ng pagbubuntis, pagkatapos manganak, o habang papunta sa menopause.
Pinakamainam ding magpasuri kung may kasamang abnormal discharge at pangangati, cramping o pananakit, at lagnat na maaaring senyales ng impeksiyon. Ang treatment para dito, kung kinakailangan, depende ito sa tiyak na dahilan. Ibig sabihin, ang pagtanggal ng bagay, paggamit ng mga antibiotic para sa mga impeksyon, at iba pang mga pamamaraan na kinakailangan gawin upang maresolba ang mga natatagong karamdaman. Kung hindi sigurado sa anumang bagay, siguraduhing manaliksik at makipag-ugnayan sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa menstruation and its impact on health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Black Period Blood

https://flo.health/menstrual-cycle/health/period/black-period-blood Accessed October 25, 2021

What Does the Color of Your Period Mean

What Does the Color of Your Period Mean?

Accessed October 25, 2021

Menstrual Clumps

https://kidshealth.org/en/teens/clumps.html

Menstrual Blood Color

https://kidshealth.org/en/teens/blood-color.html

Accessed October 25, 2021

Irregular Vaginal Bleeding

https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/vaginal-bleeding-irregular

Accessed October 25, 2021

Vaginal Bleeding

https://www.mayoclinic.org/symptoms/vaginal-bleeding/basics/definition/sym-20050756

Accessed October 25, 2021

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Bakit Mahina Ang Menstruation? Heto Ang Mga Posibleng Maging Dahilan

Ano ang Pinagkaiba ng Implantation Bleeding sa Menstruation?


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement