backup og meta

Masakit ang ari (babae)? Alamin kung Ano ang Sanhi ng Vaginismus

Masakit ang ari (babae)? Alamin kung Ano ang Sanhi ng Vaginismus

Ang ari (babae) ay may kakayahan na maunat habang nakikipagtalik at nanganganak. Ito ay elastic, ibig sabihin na ito ay babalik sa natural na hugis pagkatapos. Gayunpaman, ilan sa mga babae ang nakararanas ng vaginismus, ito ay sanhi ng pagsikip ng ari. Masakit ito kung nakikipagtalik at nagsasagawa ng ilang medical exams. Talakayin natin ano ang sanhi ng vaginismus, at paano ito malulunasan.

Ano ang vaginismus?

Ang vaginismus ay hindi boluntaryong contraction o spasms ng muscles sa ari. Ang kondisyon na ito ay humahantong sa parehong pisikal at sikolohikal na sakit sa mga babae na walang vaginal abnormalities.

Karaniwang nagreresulta ang vaginismus sa sakit habang nakikipagtalik at sa pelvic exams kung saan may ipinapasok na medical na kagamitan sa ari. Maaari din itong mangyari sa paggamit ng tampons at menstrual cups. Ang kondisyon ay maaaring sanhi ng takot, anxiety, panic, at kawalan ng kakayahan na humingi ng tulong. Wala pa ring eksaktong paraan upang makaiwas sa vaginismus.

Ano ang mga uri ng vaginismus?

Ang mga sumusunod ay ang apat na uri ng vaginismus na dapat mong malaman:

Primary: Ang ganitong uri ng vaginismus ay panghabangbuhay na kondisyon kung saan ang babae ay nahihirapan na magpasok ng kahit na ano sa kanyang ari. Mahirap din ang pelvic o gynecologic exams, dahil ang mga test na ito ay nangangailangan ng pagpasok ng mga medikal na kagamitan sa loob ng ari. Karamihan ng mga babae ay mapapansin ang kondisyon na ito sa kanilang unang pagtatangka sa pakikipagtalik. Ang babae na may primary vaginismus ay hindi kailanman maa-achieve ang kahit na anong uri ng vaginal penetration nang matagumpay.

Secondary. Ito ay kung naranasan ng mga babae ang sintomas ng vaginismus matapos makaranas ng vaginal penetration. Ang sanhi ng ganitong uri ng vaginismus ay maaaring traumatic na panganganak, masakit na history ng pakikipagtalik, o naunang gynecological surgery.

Global. Ang mga babae na may global vaginismus ay nakararanas ng pagsikip ng ari mula pa simula. Ngunit, ang kaibahan nito sa ibang mga uri ay ang global vaginismus ay pagsakit sa ari kung may akmang pag pasok pa lamang na kahit na ano rito.

Situational. Ito ay tumutukoy sa kondisyon kung saan sumasakit ang ari ng babae kung nasa isang sitwasyon. Halimbawa, ang babaeng may situational vaginismus ay maaaring komportableng sumailaim sa pelvic test ngunit nakararanas ng labis na masakit na ari kung susubukan niyang gumamit ng tampon.

Ano ang mga sintomas ng vaginismus?

Ang pinaka karaniwang sintomas ng vaginismus ay kabilang ang:

  • Hapdi, discomfort, o hapdi habang nakikipagtalik. Habang isinasagawa ang mga sitwasyon na ito, ang penetration ay kadalasang hindi matagumpay.
  • Sakit sa ari o discomfort kung sasailalim sa pelvic o gynecological exams.
  • Hirap, discomfort o sakit kung magpapasok ng tampons o menstrual cups.
  • Hindi makontrol na spasms sa vaginal muscles.
  • Pakiramdam ng pagiging balisa tungkol sa pag-iisip ng pakikipagtalik at penetration

Tandaan na ang vaginismus ay hindi nakahahadlang sa orgasm ng babae. Ang mga babaeng may vaginismus ay maaari pa ring ma-reach ang kanilang orgams sa pamamagitan ng direkta at hindi direktang clitoral stimulation nang wala o walang tulong ng sex partner.

Ano ang mga sanhi ng vaginismus?

Maaaring nag-ugat ang vaginismus mula sa pisikal at sikolohikal na salik. Karamihan ng pagkakataon, ang babae ay walang kontrol dito. Ngunit sa tiyak na mga sitwasyon, ang anticipation ay maaaring i-trigger ang kondisyon. Ang pag-alam sa sanhi ng vaginismus ay nakatutulong sa pag-iwas nito.

Ang mga sanhi ng vaginismus ay maaaring pisikal, tulad ng:

  • Menopause
  • Hindi sapat na foreplay
  • Kawalan ng vaginal lubrication
  • Vaginal delivery (panganganak)
  • Side effects ng gamot at/o pelvic o gynecologic na surgery
  • Impeksyon sa reproductive tract tulad ng vaginal yeast infection at urinary tract infection (UTI)

Mayroon ding sikolohikal o mental na salik kabilang ang:

  • Traumatic na karanasan noon tulad ng sekswal na abuso, history sa masakit na intercourse, o pagkakaroon ng abusadong partner.
  • Insecurity tungkol sa itsura ng ari o kawalan ng sexual self-esteem
  • Takot na makaranas ng sakit, lalo na sa mga taong magsasagawa ng penetrative sex sa unang beses
  • Takot na mabuntis
  • Hindi nagnanais na ma-expose sa sexual acts o mga imahe sa murang edad

Paano nila nadi-diagnose ang vaginismus?

Ang iyong doktor ay tatanungin ka tungkol sa iyong mga sintomas, kailan mo pa ito nararanasan, at ang iyong sexual history. Ang mga tanong na ito ay kinakailangan upang matukoy ang sanhi ng vaginismus.

Matapos ang pisikal na eksaminasyon, maaari kang sumailalim sa pelvic exam upang makita ng doktor kung ano ang nangyayari sa loob ng iyong puke. Habang nasa pelvic exam, maaaring gumamit ang doktor ng speculum upang maayos na buksan ang iyong puke. Upang pawiin ang discomfort o sakit, maaaring maglagay ang doktor ng anesthesia. Sa mga malalang kaso, gayunpaman, maaari silang mag-administer ng local o general anesthesia.

Paano malulunasan at iiwasan ang vaginismus?

Narito ang ilang lunas na maaaring irekomenda ng iyong healthcare provider:

Pelvic floor physical therapy (Kegel exercises). Ang lunas na ito ay nakatutulong sa mga pasyente na mapalakas ang kanilang pelvic floor muscles upang matugunan ang tiyak na problema tulad ng dysfunction, panghihina at sakit.

Vaginal dilator therapy. Normal na inirereseta ng mga doktor ito. Ang vaginal dilators ay instrumento na nasa iba-ibang laki upang makatulong na unti-unting maunat ang ari. Ang layunin ng therapy ay upang unti-unting dagdagan ang laki ng dilator na ginagamit nang hindi nasasaktan ang pasyente. Upang maging komportable, ang mga pasyente ay gumagamit ng numbing topical cream sa unang subok.

Topical therapy. Ang therapy na gumagamit ng topical na gamot upang lunasan o mawala ang sakit mula sa vaginismus.

Cognitive-behavioral therapy. Ang therapy na ito ay ipinapayo para sa mga pasyente na ang mga kondisyon ay resulta mula sa traumatic na karanasan, anxiety at/o depresyon.

Sex therapy. Ang mga magkasintahan ay sumasailalim sa sex therapy upang matutuhan kung paano mapabubuti ang kanilang intimacy.

 Maiiwasan ba ang vaginismus? Sa ngayon, wala pang kabuuang paraan upang maiwasan ang vaginismus. Ang tanging paraan lamang ay ang pag-schedule ng regular ng check-ups sa iyong doktor upang ma-monitor ang kalusugan ng iyong ari.

Mahalagang Tandaan

Ang vaginismus ay isang disorder na lubhang nakaapekto sa buhay ng isang babae. Ang kondisyon na ito ay maaaring makapinsala sa confidence ng babae at ang relasyon sa kanyang partner. Kaya’t kung sa tingin mong nakararanas ka ng mga sintomas, mainam na malaman ang sanhi ng vaginismus. Maraming mga babae ang naka-recover na mula sa ganitong kondisyon sa tulong ng propesyonal at akmang lunas.

Matuto pa tungkol sa Pelvic Related Issues dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vaginismus  https://www.winchesterhospital.org/health-library/article?id=96850 Accessed October 29, 2020

Vaginismus https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15723-vaginismus Accessed October 29, 2020

Vaginismus https://www.nhs.uk/conditions/vaginismus/ Accessed October 29, 2020

Vaginismus https://www.healthdirect.gov.au/vaginismus Accessed October 29, 2020

Vaginismus https://www.mountsinai.org/health-library/diseases-conditions/vaginismus Accessed October 29, 2020

What is Vaginismus? https://www.novaivffertility.com/fertility-help/vaginismus/ Accessed October 29, 2020

Kasalukuyang Version

12/22/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Para saan ang kegel exercises, at paano ito ginagawa?

Ano ang ginagawa sa isang pelvic exam?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement