backup og meta

Pimple Sa Ari Ng Babae: Paano Nagkakaroon Nito At Naiiwasan? Alamin Dito

Pimple Sa Ari Ng Babae: Paano Nagkakaroon Nito At Naiiwasan? Alamin Dito

Normal na usapin lamang para sa kababaihan ang pagkakaroon ng tigyawat sa mukha, habang ang pimple sa ari ng babae ay isang paksa na hindi madalas na pinag-uusapan. Dahil para sa iba, isa itong napakasensitibong bagay at usapin na nakakahiya, lalo’t sangkot ang ari ng babae sa paksang ito. Pero kung tutuusin ang mga ganitong topic ay maganda na mapag-usapan upang malaman ng bawat isa kung bakit nagkakaroon ng tigyawat sa ari ang isang tao. Pwedeng maging daan ito para sa pagkakaroon ng awareness ng isang babae sa mga sakit na pwedeng kaakibat ng pagkakaroon ng pimples na dapat gamutin agad.

Basahin ang artikulong ito para sa mga mahahalagang impormasyon na dapat mong matutunan tungkol sa tigyawat sa ari ng isang babae.

Mga Dahilan Ng Pimple Sa Ari Ng Babae

Mahalaga na malaman mo ang sanhi kung bakit nagkakaroon ng tigyawat sa ari ang isang tao para mabigyan ng angkop na medikal na atensyon ang isang tao, at maiwasan ang anumang komplikasyon.

Narito ang mga sumusunod na dahilan ng pagkakaroon ng tigyawat sa ari ng isang tao:

Genital Herpes

Ang pagkakaroon ng pimples sa ari ng babae ay pwedeng maging sintomas ng genital herpes. Isa itong uri ng impeksyon na sanhi ng herpes simplex virus na pwedeng maipasa sa pamamagitan ng oral/anal, at vaginal sex. 

Sintomas Ng Kanser

Mayroong mga pagkakataon na ang tigyawat sa ari ng babae ay senyales ng vaginal o vulva cancer. Kaya naman kung mapapansin na marami kang tigyawat sa ari, magpakonsulta agad sa doktor para malaman ang iyong tunay na kalagayan.

Human Papilloma Virus (HPV)

Tandaan na ang pagkakaroon ng pimples sa ari ay maaaring maging sintomas ng HPV na pwedeng maipasa sa pamamagitan ng anal at vaginal sex. Ang HPV ay maaari rin maging sanhi ng cervical cancer.

Folliculitis

Ang folliculitis ay isang impeksyon sa hair follicles ng ari, kung saan isa ito sa madalas na sanhi ng pagkakaroon ng tigyawat sa ari ng isang babae. Maaari kang makaranas ng pangangati, pamamaga, at pagkakaroon ng nana sa ari dahil sa kondisyong ito.

Nakukuha ang folliculitis dahil sa mga sumusunod:

  • Mga sugat sa ari na naimpeksyon sanhi ng shaving
  • Pagsusuot ng mga masikip na damit
  • Paglublob o lusong sa maduming paliguan, swimming pool o hot tub
  • Pagkakaroon ng follicles na nairita o nabara dahil sa pawis at mga produktong ginagamit sa katawan

Cyst

Huwag mong kakalimutan na ang tigywat sa ari ng isang babae ay pwede ring maging cyst o “pocket of tissue” na mayroong fluid, hangin, at iba pang mga substance. Kadalasan ang uri ng cyst na tumutubo sa vagina ng isang babae ay ang “bartholin cyst.”

Mayroong mga pagkakataon din na pwedeng makuha ang cyst dahil sa pagkakaroon ng trauma sa vaginal wall pagkatapos ng surgery o panganganak.

Syphilis

Kagaya ng genital herpes at HPV maaaring makuha ang syphilis sa pakikipag-sex, pero kung agad na makikita ang kondisyon na ito ay madali itong magagamot ng penicillin. Ngunit kung napapabayaan ang sakit na ito, pwedeng humantong ito sa matinding pinsala ng utak, puso, at iba pang organs ng isang babae na maaaring mag-lead sa kanilang kamatayan.

Paano Maiiwasan Ang Pimple Sa Ari Ng Babae

Narito ang ilang tips na pwedeng gawin upang maiwasan ang tigyawat sa ari:

  • Pagkakaroon ng proper hygiene
  • Pagtiyak na walang nakakahawang sakit ang kapareha o ka-sex
  • Pagpapakonsulta sa doktor
  • Pag-iwas sa masyadong madalas na pagshe-shave
  • Hindi pagsusuot ng mga pambaba na damit na ubod ng sikip
  • Pagkakaroon ng healthy lifestyle at eating
  • Paninigurado na malinis ang tubig na gagamitin sa paglilinis ng katawan at ari
  • Pag-iwas sa paglublob sa maruruming pool, hot tub, at paliguan

Key Takeaways

Ang pag-uusap tungkol sa tigyawat sa ari ng isang babae ay isang magandang hakbang upang magkaroon ng kamalayan ang bawat isa sa mga kondisyon na pwede nilang kaharapin. Makakatulong din ito para maagapan ang anumang sakit na maaaring maging kaakibat ng tigyawat sa ari ng isang babae. Ipinapayo rin ang pagpapakonsulta sa doktor sa oras na makita na dumarami ang tigyawat sa vagina para mabigyan ka ng angkop na diagnosis at paggamot.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

6 Causes for Vaginal Bumps You Should Know About, https://www.goodhousekeeping.com/health/a29191672/itchy-bumps-on-vagina-causes/, Accessed July 21, 2022

Genital Warts, https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/genital-warts, Accessed July 21, 2022

HPV and Cancer, https://www.cancer.gov/about-cancer/causes-prevention/risk/infectious-agents/hpv-and-cancer, Accessed July 21, 2022

What causes vulvar varicosities during pregnancy, and how can I relieve the related discomfort, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/expert-answers/vulvar-varicosities-during-pregnancy/faq-20419426, Accessed July 21, 2022

What is Vaginal Cancer, https://www.cancer.org/cancer/vaginal-cancer/about/what-is-vaginal-cancer.html, Accessed July 21, 2022

Molluscum Contagiosum, https://www.cdc.gov/poxvirus/molluscum-contagiosum/, Accessed July 21, 2022

Clearance of recalcitrant warts in a patient with idiopathic immune deficiency following administration of the quadrivalent human papillomavirus vaccine, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1111/ced.13038, Accessed July 21, 2022

Kasalukuyang Version

05/31/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Bukol Sa Ari Ng Babae: Mga Uri, Sintomas, At Paggamot

7 Warning Signs Sa Babae Na Hindi Dapat Balewalain!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement