Pigsa sa pepe ay maaaring magsimula bilang isang maliit at pulang bukol. Maaari itong mamaga, sumakit at magkaroon ng nana. Mabilis itong tumubo at magugulat ka na lang kapag may nakapa kang bukol na malambot at medyo mainit. Maaari itong lumaki ng dalawang pulgada o higit pa.
Medyo nakakatakot ang itsura nito lalo na kung hindi mo alam na normal na pigsa lamang pala. Habang ang pagkakaroon ng anumang bukol sa bahagi ng vulva ay nakakataranta, hindi naman nakakapinsala ang mga ito. Yun nga lang, posibleng mahapdi at masakit ito tulad ng pangkaraniwang pigsa. Karamihan sa ganitong pigsa ay benign at karaniwan.
Ano ang pigsa sa pepe?
Ang piga, na tinatawag ding furuncle o abscess ng balat, ay isang bukol na masakit at puno ng nana. Tumutubo ito sa ilalim ng balat sa may pubic area. Karaniwan itong nangyayari kapag na-impeksyon ng Staphylococcus aureus o staph bacteria ang mga saca na naglalaman ng mga ugat ng buhok at mga oil glands. Kapag ang follicle ng buhok ay nahawaan ito ay tinatawag na folliculitis.
Ikaw ba ay regular na nag-aahit? Maaaring masugatan ang iyong balat habang nag-aahit ka at nagiging sanhi ito ng pigsa sa pwerta. Papasok ang bacteria sa sugat at magdudulot ng impeksyon.
Hindi lamang isa, ngunit maaaring tumubo ang maraming pigsa sa public area. Kapag ang mga pigsa ay pinagsama-sama upang bumuo ng isang lugar ng impeksyon, tinatawag itong carbuncle.
Sanhi ng pigsa sa pepe
Ingrown na Buhok
Hindi laging nagiging pigsa ang mga ingrown na buhok, ngunit kung ang follicle ng buhok ay magkakaroon ng impeksiyon, maaari itong lumaki at mapuno ng nana. Maaaring magkaroon ng mga bukol sa ari kapag ang buhok sa loob ng follicle ay kumulot o tumubo patagilid. Ang mga bukol ng ingrown na buhok ay maaaring mabuo sa pubic area, vulva, at labia. Ang isang ingrown na pigsa sa ari ay maaaring tumubo pagkatapos mag-ahit ng pubic hair gamit ang hindi wastong mga pamamaraan sa pag-ahit.
Sebum
Ang sobrang produksyon ng sebum ay maaaring maging sanhi ng pagbara sa mga glandula ng langis. Kapag ang bakterya ay nakulong sa mga glandula na ito, maaari itong magka-impeksyon at magdulot ng mga pigsa. Ang mga babaeng may makapal na pubic hair at mamantikaing balat ay mas madaling tubuan ng pigsa sa vagina.
Staph infection
Ang Staphylococcus aureus na bacteria ay natural na nabubuhay sa labas ng iyong katawan at sa bukana ng iyong ilong. Kapag ito ay nakapasok sa mga ugat ng buhok, maaari itong magdulot ng impeksiyon.
Mga impeksiyon na nakukuha sa pakikipagtalik
Maaari din maging sanhi ng pigsa sa pepe ang mga impeksiyon na nakukuha sa pakikipagtalik. Pwede rin itong sanhi ng mga genital piercings. at mga butas sa ari ay maaari ding pinagbabatayan ng mga pigsa sa ari.
Cysts
Ang isa pang karaniwang sanhi ng pigsa sa ari ay ang Bartholin gland cyst. Ang Bartholin glands ay matatagpuan sa ilalim ng balat malapit sa butas ng pepe. Ang mga glandula na ito ay maaaring maharangan at maging sanhi ng pagbuo ng matigas na bukol. Kapag nagka impleksyon ito, maaari itong maging sanhi ng pagbuo ng pigsa.
Paano gamutin ang pigsa sa pepe
Karamihan sa mga pigsa ay kusang nawawala sa loob lamang ng ilang araw. Ang iba ay nawawala sa loob ng isa o dalawang linggo. Maaaring pagaanin ang mga sintomas at pabilisin ang proseso sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga sumusunod na hakbang:
-
Warm compress
Dampian ng towel na may katamtamang init ang lugar na may pigsa at iwanan ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Ulitin ang prosesong ito tatlo o apat na beses sa isang araw hanggang sa mawala ang pigsa. Ang init mula sa compress ay nakakatulong sa pagsulong ng mas maraming sirkulasyon ng dugo. Dahil dito, mas madaling labanan ng mga white blood cells ang natitirang impeksiyon.
-
Magsuot ng maluwag na pang-ibaba habang nagpapagaling
Bawasan na malantad sa friction ang pigsa sa pepe kung kaya dapat na magsuot ng maluwag na pang-ibaba pati ng damit. Pagkatapos mag-ehersisyo, magpalit ng malinis at tuyong damit na panloob.
-
Linisin at protektahan
Kapag pumutok ang pigsa, linisin nang maigi ang lugar at lagyan ng antibiotic ointment. Maaari kang magpareseta sa iyong doktor ng nararapat na ointment. Pagkatapos, takpan ng sterile gauze o adhesive bandage. Panatilihing malinis ang lugar, at palitan ang dressing araw-araw.
-
Iwasan ang pagbutas ng pigsa
Ang pagbubutas ng pigsa sa pepe ay naglalabas ng bacteria. Kapag ginawa mo ito, maaaring kumalat ang impeksiyon sa iabng lugar at magpalala dito.
Gamot ng pigsa sa pepe
Meron namang over-the-counter na gamot na maaaring makatulong sa sakit na dulot ng pigsa. Gayunpaman, mas makabubuting kumunsulta sa iyong doktor para sa agarang lunas at ginhawa.













