backup og meta

Period Underwear Yeast Infection: Posible Ba Itong Mangyari?

Period Underwear Yeast Infection: Posible Ba Itong Mangyari?

Parami na ng parami ang gumagamit ng mga period panties, na kilala rin sa tawag na menstrual underwear. Pero gaano ba ka-ligtas ang paggamit nito, at posible ba itong magdulot ng period underwear yeast infection?

Ano ang period underwear?

Ang period underwear ay ginawa upang maging kapalit ng mga regular sanitary napkins. Bukod dito, hindi disposable ang period underwear kaya’t mas environment friendly ito kumpara sa sanitary napkins na isang beses lang nagagamit.

Halos wala rin gaano pinagkaiba ang period underwear sa napkins, pero sa halip na isang pad, kasama na sa underwear ang absorbent layer nito. Ayon din sa manufacturer ng ganitong napkins, mas komportable ito gamitin dahil para lamang itong regular underwear.

Ang isa pang kagandahan nito ayon sa manufacturers ay mas absorbent ito kumpara sa regular napkin. Ayon sa kanila, maaari itong suotin buong araw na hindi kinakailangang magpalit. Dahil dito, mas komportable ang mga gumagamit nito at hindi dapat mag-alala na baka puno na ang kanilang underwear.

Nagdudulot ba ito ng period underwear yeast infection?

Bago naman natin pag-usapan kung mayroon ba talagang “period underwear yeast infection,” ay alamin muna natin kung ano ba ang mga yeast infection.

Ang yeast infection ay nagmumula sa mga yeast o fungi na natural nang natatagpuan sa ating balat. Nagkakaroon ng yeast infections kapag hindi makontrol ang pagdami ng yeast.

Iba’t-ibang bahagi ng katawan ang maaaring magkaroon ng yeast infections, kabilang na ang bibig, pusod, mga singit singit sa balat, pati na ang vagina. Pero mas karaniwang nagkakaroon ng yeast infections sa vagina, dahil ang environment dito ay kaaya-aya para tumubo ang yeast.

Ang pagsusuot din ng masikip na underwear o kaya underwear na hindi hinahayaang makahinga ang balat ay maaaring maging sanhi ng yeast infection. Pagdating naman sa paggamit ng sanitary napkins, posible itong magdulot ng yeast infection kung hindi ito agad pinapalitan

Pero paano naman ang period underwear? Posible ba itong maging sanhi ng period underwear yeast infection?

Period underwear: kailangan ko ba ito?

Kung ikaw ay prone sa pagkakaroon ng yeast infections, mas mainam siguro ang umiwas sa paggamit ng menstrual underwear. O kaya kung susubukan mo man ang mga produktong ito, piliin mo ang mga gawa sa cotton at nakakatulong para makahinga ang iyong balat.

Maaari rin na ang pagsuot ng menstrual underwear nang matagal ay maaaring magdulot ng yeast infection. Dito papasok ang paggamit ng underwear na mas breathable upang hindi ma-trap ang moisture na nagiging sanhi ng yeast infection.

Bukod dito, kung madalas ka magkaroon ng yeast infection, mas mainam na dalasan mo ang pagpapalit ng menstrual underwear.

Mainam din na umiwas sa menstrual underwear na mayroong mga nanosilver particles, dahil maaari itong makasama sa iyong kalusugan. Bago bumili, magtanong muna sa mga kakilala o kaya mag-research dito online upang masiguradong ligtas ang iyong underwear na bibilhin.

Paano makakaiwas sa yeast infections?

Hindi lang limitado sa pagpili ng tamang underwear at napkin ang pag-iwas sa yeast infection. Heto ang ilang tips pagdating sa feminine hygiene:

  • Iwasan ang paggamit ng sabon upang hugasan ang iyong genitals. Ito ay dahil posibleng ito pa ang maging sanhi ng yeast infection.
  • Gumamit ng breathable underwear na gawa sa cotton. Makakatulong ito na mapanatiling tuyo ang vagina.
  • Kung wala kang reseta para sa antibiotics, huwag itong inumin. Dahil ito ay nakakabawas sa good bacteria na tinutulungan upang makaiwas sa overgrowth ng yeast.
  • Matapos maligo, tuyuin ng mabuti ang iyong singit at paligid na area
  • Kapag gumagamit naman ng napkin, ugaliin itong palitan upang makaiwas sa yeast infections.
  • Ang probiotics ay maaaring makatulong upang dumami ang good bacteria sa katawan, na nilalabanan ang yeast infections.

Key Takeaways


Kung susubok ka ng bagong feminine hygiene product, mainam kung pag-aralan mo muna itong mabuti bago mo bilhin. Malaki ang maitutulong ng pag-research online, at pag-alam ng mga naging karanasan ng ibang tao sa produktong ito. Kung maaari, maganda rin na magpakonsulta sa iyong doktor para makasiguradong ligtas at walang magiging problema ang paggamit ng mga produktong ito.

Alamin ang tungkol sa Menstruation dito

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Vaginal yeast infection (thrush): Overview – InformedHealth.org – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK543220/, Accessed January 18, 2021

2 Concerns About Nanosilver in Period Underwear and Pads, https://www.womensvoices.org/2019/04/24/concerns-nanosilver-period-underwear-pads/, Accessed January 18, 2021

3 15 Best Breathable Underwear Options, According To An Ob-Gyn, https://www.womenshealthmag.com/health/g28626566/breathable-underwear/, Accessed January 18, 2021

4 Vaginal Yeast Infections | Michigan Medicine, https://www.uofmhealth.org/health-library/hw61044, Accessed January 18, 2021

5 My Menstrual Underwear Has Toxic Chemicals in It | Sierra Club, https://www.sierraclub.org/sierra/ask-ms-green/my-menstrual-underwear-has-toxic-chemicals-it, Accessed January 18, 2021

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Fungus sa Mukha: Bakit Ito Nangyayari at Paano Ito Malulunasan

Malassezia Yeast Na Sanhi Ng Fungal Infections, Paano Nga Ba Gamutin?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement