Ang PCOS ay isang pangkaraniwang isyu sa mga kababaihan, ngunit kadalasan nalalaman lang ng ilan na mayroon sila nito sa bandang huli. Anu-ano ba ang mga maagang sintomas ng PCOS at may maaari bang magawa tungkol dito? Alamin.
Ang PCOS ay isang pangkaraniwang isyu sa mga kababaihan, ngunit kadalasan nalalaman lang ng ilan na mayroon sila nito sa bandang huli. Anu-ano ba ang mga maagang sintomas ng PCOS at may maaari bang magawa tungkol dito? Alamin.
Bago tayo tumungo sa mga maagang sintomas ng PCOS, atin munang bigyang linaw kung ano nga ba ang kondisyon at ang mga kakakibat na sanhi nito.
Ang polycystic ovary syndrome (PCOS) ay tumutukoy sa isang hormonal disorder karaniwan sa mga babaeng nasa kanilang reproductive age. Ang naturang hormonal imbalance ay dulot ng mga ovary ng labis na male hormones (androgen). Kung kaya, kadalasang madalang o matagal ang regla ng mga kababaihang mayroon nito. Bukod pa rito, maaari ring magkaroon ng maliliit na cysts sa iyong ovaries dahil sa kakulangan ng ovulation (anovulation). Gayunpaman, sa kabila ng terminong “polycystic,” hindi naman lahat ay nagkakaroon ng cyst.
Ito ay isa sa mga karaniwang dahilan ng pagkabaog ng ilang mga babae. Posible ring tumaas ang panganib para sa iba ng mga kondisyon tulad ng type 2 diabetes at sakit sa puso.
Bagaman hindi pa alam ang eksaktong dahilan ng pagkakaroon nito, may ilang mga salik na maaaring makaapekto:
Iminumungkahi rin ng mga pananaliksik na ang ilang mga genes ay maaaring maiugnay sa PCOS.
Isa sa maagang sintomas ng PCOS na maaari mong mapansin kung mayroon ka man nito ang pagkakaroon ng irregular or missed periods. Dahil dito, nahihirapan ang mga babae mag-ovulate. Subalit, hindi ito agarang na-didiagnose hanggang sa 2-3 taon pagkatapos ng unang regla upang malaman kung regular ang menstrual cycle.
Maaari ring magdulot ng mga pagbabago ang naturang hormonal imbalance sa ibang parte ng katawan. Kabilang din ang mga sumusunod sa kinikilalang maagang sintomas ng PCOS:
May ilan ding may PCOS na nakararanas ng high blood pressure, high cholesterol, o high blood sugar. Karaniwan mas malala ang mga naturang sintomas kapag obese.
Kapag napansin mong mayroon ka na ng mga nabanggit na sintomas, mangyaring kumunsulta na sa doktor. Tatanungin nito ang iyong medical history at mga sintomas. Maaari rin siyang magsagawa ng physical exam at ilang mga tests, tulad ng blood tests at ultrasound, upang malaman kung ang mga nararamdaman ay dulot ng naturang kondisyon. Sa ultrasound, makikita kung mayroong mga cysts sa ovaries ng isang babae.
Mahalaga ang early diagnosis batay sa iyong maagang sintomas ng PCOS, medical history, at iba pang mga pangkalusugang kondisyon upang magkaroon ng angkop na treatment. Ito ay nakapokus sa pamamahala ng mga partikular na concerns tulad ng pagkabaog, acne, obesity, o hirsutism. Maaaring magreseta sa iyo ang iyong doktor ng ilang mga gamot, lifestyle changes, o pareho.
Kung ang problema nais mong magkaanak, maaaring ikonsidera ang pagbabago ng diyeta at aktibidad. Makatutulong ang balanseng diyeta at ang pag-eehersisyo sa pagbabawas ng timbang at mga sintomas. Kaakibat nito ang mga gamot na maaaring makatulong sa ovulation. Ngunit mayroong ilang mga panganib ang paggamit nito. Kung kaya, nararapat na mapagusapan ninyo ng iyong doktor kung mainam ba ito para sa iyo.
Ang ilan na walang planong magkaanak ay maaari rin namang resetahan ng mga birth control pills. Bukod sa mga pills at lifestyle changes, mayroong mga gamot na maaari ring makatulong maibsan ang iba pang mga sintomas.
Alamin ang iba pa tungkol sa PCOS dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
7 signs you might have polycystic ovarian syndrome, https://www.health.qld.gov.au/news-events/news/7-signs-you-might-have-polycystic-ovarian-syndrome, Accessed August 23, 2022
Symptoms – polycystic ovary syndrome, https://www.nhs.uk/conditions/polycystic-ovary-syndrome-pcos/symptoms/, Accessed August 23, 2022
Polycystic ovary syndrome (PCOS), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pcos/symptoms-causes/syc-20353439, Accessed August 23, 2022
Polycystic Ovary Syndrome (PCOS), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8316-polycystic-ovary-syndrome-pcos, Accessed August 23, 2022
Polycystic Ovary Syndrome (PCOS), https://kidshealth.org/en/teens/pcos.html, Accessed August 23, 2022
Polycystic Ovary Syndrome (PCOS), https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/polycystic-ovary-syndrome-pcos, Accessed August 23, 2022
Kasalukuyang Version
08/29/2024
Isinulat ni Fiel Tugade
Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel
In-update ni: Jan Alwyn Batara