backup og meta

Gamot sa PCOS, ano ba ang pinakamainam? Alamin dito!

Gamot sa PCOS, ano ba ang pinakamainam? Alamin dito!

Ang polycystic ovary syndrome o PCOS ay nangyayari dahil sa imbalance ng woman’s reproductive hormones— kaya ang tanong ng kababaihan ano ang gamot sa PCOS? Para maiwasan ang anumang hindi magandang epekto nito sa kalusugan ng isang indibidwal.

Ang PCOS ay kadalasang nagreresulta sa pagtaas ng timbang, mga alalahanin sa buhok at balat, at fertility issues. Kaugnay ng mga epekto ito napakahalaga na malaman kung ano ang gamot sa PCOS.

Basahin ang artikulong ito para sa mga makabuluhang detalye tungkol sa PCOS at tritment nito.

Polycystic Ovary Syndrome (PCOS): Ang Kailangan Mong Malaman

Mga opsyon sa PCOS Treatment

Dahil ang exact cause ng polycystic ovary syndrome ay hindi pa rin alam. Walang iisang medication para gamutin ang kondisyon. Sa pangkabuuan, ang most effective treatment para sa PCOS ay nakasalalay sa mga sintomas na nararanasan ng babae.

Halimbawa, ang ilang mga babae ay nakakaranas lamang ng mga iregularidad sa period. Kaya ang kanyang tritment ay nakatuon lamang sa sintomas na iyon. Gayundin, ang ibang mga babae nakakaranas ng maraming isyu. Dahil dito, maaaring magrekomenda ang kanilang doktor ng kombinasyon ng mga gamot.

Kung mayroon kang ka nito, narito ang mga PCOS treatment:

Pagbawas ng timbang

Marahil, ang unang bagay na ipapayo sa’yo ng iyong doktor ay ang pagbabawas ng timbang.

Ang mga ulat ay nagpapakita na maraming kababaihan na may PCOS ay mayroong above normal Body Mass Index. Ang problema dito ay ang pagiging overweight at labis na katabaan. Kung saan nauugnay ito sa mga sintomas ng PCOS. Tulad ng anovulation o lack of menstruation.

Bukod pa rito, ang pagiging sobra sa timbang o obese ay maaaring mabawasan ang iyong response sa ilang mga gamot sa PCOS.

Para sa mga kadahilanang ito, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng low calorie o low carbohydrate diet. Maaari din silang bumuo ng naaangkop na plano sa pag-eehersisyo para sa’yo upang makatulong sa pagbaba ng timbang.

Dahil ang mga eksperto ay nagsasabi na ang pagbaba ng kahit 5% lamang ng iyong timbang sa katawan ay maaaring mapabuti ang iyong kondisyon, maaari mong isaalang-alang ang pagbabawas ng timbang bilang isang kasanayan upang natural na gamutin ang PCOS.

Gamot sa PCOS: Mga contraceptive na tabletas para makatulong na ayusin ang iyong regla

Ang mga babaeng nag-ovulate ngunit nakakaranas ng hindi regular na regla. Dahil sa kanilang PCOS ay maaaring makinabang sa pag-inom ng oral contraceptive pill.

Ang kombinasyon ng tabletang naglalaman ng progestin, estrogen, progestin-only pills o mini-pill— ay maaaring makatulong sa pagpapanumbalik ng balanse ng reproductive hormones. Para sa kadahilanang ito, makakatulong din sila sa pag-regulate ng iyong menstrual cycle.

Bukod pa rito, ang pag-inom ng oral contraceptive pill ay maaaring mabawasan ang risk na magkaroon ng endometrial cancer (cancer of the womb lining). Gayunpaman, tandaan na ang matagal na paggamit ay nauugnay sa mas mataas na risk para sa cervical at breast cancers.

Mga gamot para matulungan kang magbuntis

Karamihan sa mga kaso ng polycystic ovary syndrome ay nailalarawan sa pamamagitan ng anovulation. O ang kawalan ng kakayahan ng ovaries na maglabas ng egg cells. Ang anovulation ay humahantong sa mga isyu sa panregla. Tulad ng madalang na regla (maaaring mas mababa sa 9 sa isang taon) o infertility.

Para sa ilang kababaihan, ang epektibong PCOS treatment ay ang pagtanggap ng mga gamot na nag-uudyok sa obulasyon, ayon sa inireseta ng kanilang doktor.

Ang mga halimbawa ng mga gamot sa PCOS ay:

Clomiphene citrate o CC

Ginagamot nito ang infertility sa mga babae. Isa rin ito sa first-line treatment para sa PCOS dahil itinataguyod nito ang obulasyon. Ayon sa mga ulat, madalas na iniinom ito ng mga babae sa unang bahagi ng kanilang menstrual cycle. At higit sa pagiging economical, ang CC ay mayroon ding kaunting masamang epekto at nangangailangan ng kaunting pagsubaybay.

Gamot sa PCOS: Metformin

Ang mga taong naghahanap ng pinakamabisang PCOS treatment ay kung minsan ay mga nagtataka na ang metformin ay isang opsyon. Dahil gamot ito para sa diabetes.

Ngunit, tulad nito, karamihan sa mga kababaihang may PCOS ay nakakaranas din ng insulin resistance. Kaya maaaring makatulong sa kanila ang metformin.

Bukod dito, ang paggamit ng gamot na ito ay nauugnay din sa pagtaas ng menstrual cycles at mas mahusay na obulasyon. Sa katunayan, kung ang isang babae ay hindi nabubuntis kahit na may CC medication. Ang doktor ay malamang na magdagdag ng metformin sa plano ng tritment.

Nakakatulong din ang metformin sa pagpapababa ng mga antas ng androgens. Isang grupo ng hormones na responsable para sa development ng male characteristics. Ang mga babaeng may PCOS ay kadalasang nakakaranas ng acne at labis na paglaki ng buhok. Sa mga unwanted body parts dahil sa pagtaas ng antas ng androgen.

Anastrozole at letrozole

Ang anastrozole at letrozole ay mga gamot na gumagamot sa breast cancer. Ngunit ang mga babaeng may PCOS ay maaari ding makinabang mula sa mga ito dahil inii-stimulate nila ang ovaries.

Gonadotrophins

Sa wakas, upang mapukaw ang obulasyon at gamutin ang kawalan, maaaring bigyan ka ng doktor ng mga gonadotrophin sa pamamagitan ng iniksyon. Gayunpaman, ang gamot na ito ay maaaring mag-overstimulate sa iyong mga ovary at mapataas ang pagkakataon ng maraming pagbubuntis.

Key Takeaways

Sa kasalukuyan, walang tiyak na iisang gamot sa PCOS.
Ang epektibong treatment para sa PCOS ay depende sa mga sintomas na iyong nararanasan. Para mapangasiwaan ang iyong kondisyon, maaaring kailanganin mong bawasan ang iyong timbang. At uminom ng ilang mga gamot upang mapabuti ang iregularidad ng regla o infertility.
Gaya ng nakasanayan, ang paghingi ng medikal na atensyon ay gawin. Para makatulong na maiangkop ang isang epektibong plano sa paggamot. Isa ito sa pinakamahusay na unang hakbang.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Treatment options for polycystic ovary syndrome
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3039006/
Accessed December 9, 2020

Treatment
-Polycystic ovary syndrome
https://www.nhs.uk/conditions/polycystic-ovary-syndrome-pcos/treatment/
Accessed December 9, 2020

Drug Treatments for Polycystic Ovary Syndrome
https://www.aafp.org/afp/2009/0415/p671.html
Accessed December 9, 2020

Polycystic ovary syndrome (PCOS)
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pcos/diagnosis-treatment/drc-20353443
Accessed December 9, 2020

Polycystic ovary syndrome
https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/polycystic-ovary-syndrome
Accessed December 9, 2020

Kasalukuyang Version

03/16/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Cyst Sa Obaryo: Paano Malalaman Kung PCOS O Hindi?

Pagkain Para Sa May PCOS: Idagdag Ang Mga Ito Sa Iyong Diet


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement