backup og meta

Epekto Ng PCOS Sa Kalusugan, Ano Nga Ba?

Epekto Ng PCOS Sa Kalusugan, Ano Nga Ba?

Ang polycystic ovary syndrome (PCOS) ay isang pangkaraniwang kondisyon sa mga babaeng nasa edad na ng panganganak. Tinatawag ito ng mga eksperto na hormonal disorder na humahantong sa mga sintomas tulad ng hindi regular na regla, pagtaas ng antas ng androgen, at mga cyst sa mga ovary. Ano ang iba’t ibang komplikasyon at epekto ng PCOS sa kalusugan?

Mga Epekto Ng PCOS Sa Kalusugan

Ang mga epekto ng PCOS sa kalusugan ay kadalasang nakikita sa mga kasamang palatandaan at sintomas nito. Ang ilan ay banayad na discomfort na maaaring maranasan ng mga babae, habang ang iba ay nagdudulot ng antas ng pagkabalisa. Nasa ibaba ang pinakakaraniwang epekto ng PCOS:

1. Infertility

Ang mga babaeng may PCOS ay kadalasang nakakaranas ng hindi nareregla o hindi regular na regla. Upang ilagay ito sa konteksto, may mga kaso kung saan ang mga babae ay nakakaranas lamang ng siyam na siklo ng regla sa isang taon, habang ang iba ay may higit sa 35 araw sa pagitan ng kanilang buwanang regla.

Ang madalang o iregular na siklo ng regla na ito ay nagpapahirap sa isang babae na magbuntis. Ayon sa mga ulat, maraming mga pasyente ang nakakaalam tungkol sa kanilang kondisyon ng PCOS dahil humingi sila ng medikal na atensyon tungkol sa mga alalahanin sa pagkabaog.

epekto ng pcos sa kalusugan

2. Tumaas Na Androgens

Kapag pinag-uusapan ang mga epekto at komplikasyon ng PCOS, mahalagang maunawaan ang papel ng androgens.

Marami sa atin ang nakakaalam ng androgen bilang “male hormone.” Gayunpaman, ang mga kababaihan ay gumagawa din nito, sa mas maliit na halaga.

Sa polycystic ovary syndrome, ang pasyente ay nakakaranas ng pagtaas sa kanilang mga antas ng androgen na nagreresulta sa mga sintomas tulad ng pagkakalbo, labis na paglaki ng hindi gustong buhok sa katawan, at oily na balat na nagdudulot ng mga acne breakout.

3. Nadagdagang Insulin

Karamihan sa mga kababaihan na may polycystic ovary syndrome ay mayroon ding tumaas na antas ng insulin o insulin resistance. Gumagamit ang ating katawan ng insulin upang sumipsip ng asukal at gamitin ito bilang enerhiya.

Ang mga problema tulad ng pagtaas ng mga antas ng insulin o resistensya sa insulin ay maaaring humantong sa mataas na asukal sa dugo, paglitaw ng mga madilim na patak ng balat o mas umiitim ang mga singit (acanthosis nigricans), at kahit na labis na pagtaas ng timbang at labis na katabaan.

Mga Potensyal Na Komplikasyon Ng PCOS

Ang mga epekto ng PCOS sa kalusugan na binanggit namin sa itaas ay ginagarantiyahan na ang interbensyong medikal. Gayunpaman, kapag hindi pinamamahalaan nang naaangkop, ang PCOS ay maaaring higit pang umunlad at mapataas ang panganib ng babae na magkaroon ng:

1. Diabetes

Ang mga babaeng may PCOS na nakakaranas ng mas mataas na antas ng insulin o insulin resistance ay maaaring magkaroon ng prediabetes o type 2 na diabetes sa kanilang buhay. Bukod pa rito, kung sila ay nagbubuntis, maaari silang makaranas ng gestational diabetes at kahit na mga gestational hypertensive disorder, tulad ng preeclampsia.

2. Endometrial Cancer

Ayon sa mga eksperto, isa sa mga potensyal na pangmatagalang komplikasyon ng PCOS ay ang pagtaas ng risk na magkaroon ng endometrial cancer.

Ipinaliwanag nila na ang mga kababaihan ay karaniwang nakakaranas ng buwanang pagkakapal ng endometrial lining bilang paghahanda para sa pagbubuntis. Kapag hindi nangyari ang pagbubuntis, ang katawan ay “naglalabas” ng sobrang lining sa panahon ng regla.

Gayunpaman, ang mga babaeng may PCOS ay may iregular o madalang na regla; kaya naman hindi nila lubusang maalis ang makapal na lining. Dahil dito, mas nasa panganib silang magkaroon ng endometrial cancer.

3. Mga Problema Sa Cardiovascular

Kasama rin sa mga potensyal na epekto at komplikasyon ng PCOS ang mga problema sa cardiovascular.

Nakikita mo ang pagtaas ng antas ng androgen ay maaaring makaapekto sa lipid profile ng babae. Nangangahulugan iyon na nanganganib silang magkaroon ng mas mataas na halaga ng taba sa kanilang dugo (hyperlipidemia). Sa ilang mga kaso, maaaring magpakita ang mga babae ng tumaas na low-density lipoprotein (LDL) o masamang kolesterol at nabawasan ang high-density lipoprotein (HDL) o magandang kolesterol.

Ang kawalan ng timbang na ito sa mga antas ng lipid at sobrang timbang at labis na katabaan ay nagpapataas ng panganib ng isang babae na magkaroon ng mga kondisyon ng cardiovascular, tulad ng hypertension.

Mahalaga:

Ang metabolic syndrome ay isa rin sa mga potensyal na pangmatagalang komplikasyon ng PCOS. Ito ay nangyayari kapag ang isang tao ay nakakaranas ng mataas na asukal sa dugo, mataas na kolesterol, at mataas na presyon ng dugo sa parehong oras. Ang syndrome na ito ay higit pang naglalagay sa isang babae sa panganib ng sakit sa puso.

4. Obstructive Sleep Apnea

Kailangan natin ng karagdagang pananaliksik tungkol sa obstructive sleep apnea o ang tinatawag na OSA. Ngunit ang mga kasalukuyang pag-aaral ay nagmumungkahi na ang mga babaeng may PCOS ay nasa mas mataas ang risk na magkaroon nito. Sa kondisyong ito, ang isang tao ay paulit-ulit na humihinto sa kanilang pagtulog. Nangyayari ito dahil ang mga kalamnan ng lalamunan ay nakakarelaks at nakaharang sa daanan ng hangin. Mga ibang senyales na posibleng mayroon kayong OSA ay may history na naghihilik habang tulong, laging antok o pagod sa umaga kahit na kumpleto ang tulog noong gabi.

5. Depression at Pagkabalisa

At sa wakas, mayroon tayong depresyon at pagkabalisa bilang bahagi ng mga potensyal na epekto ng PCOS sa kalusugan.

Ang pagbuo ng mga potensyal na pangmatagalang komplikasyon tulad ng mga sakit sa cardiovascular, cancer, diabetes, at sleep apnea ay maaaring makabuluhang makaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao. Ito ay maaaring humantong sa pagkabigo, pagkabalisa, at kahit na depression.

Key Takeaways

Napakahalagang pamahalaan ang PCOS upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga potensyal na komplikasyon gaya ng endometrial cancer, diabetes, cardiovascular disease, at sleep apnea.

Matuto pa tungkol sa PCOS dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Long term complications of polycystic ovary syndrome (PCOS), https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25156132/#:~:text=But%20PCOS%20has%20also%20long,or%20dyslipidaemia%20are%20frequently%20described., Accessed January 19, 2021

Polycystic Ovary Syndrome (PCOS), https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=85&ContentID=p08334, Accessed January 19, 2021

Long term health consequences of polycystic ovarian syndrome: a review analysis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2683463/, Accessed January 19, 2021

Health Risks Associated with PCOS, https://www.uchicagomedicine.org/conditions-services/endocrinology-metabolic-disorders/polycystic-ovary-syndrome/pcos-risk, Accessed January 19, 2021

Polycystic ovary syndrome (PCOS), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pcos/symptoms-causes/syc-20353439, Accessed January 19, 2021

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

PCOS Diet Meal Plan: Anu-Ano Ang Dapat Kainin?

Buntis na may PCOS: Posible ba itong Mangyari?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement