backup og meta

Tamang paglilinis ng pepe: Paano ba ang tamang paraan upang gawin ito?

Tamang paglilinis ng pepe: Paano ba ang tamang paraan upang gawin ito?

Kahit anong linis natin sa katawan, hindi pa rin tayo makakasiguro sa pagpapanatili ng kalinisan.Ngunit mayroong isang organ na hindi nangangailangan ng extra help- ang vagina. Mahalagang matutunan ang tamang paglilinis ng pepe.

Ang vagina ay isang self-cleaning organ. Ito ay gumagawa ng mga natural secretions, na tumutulong sa paglabas ng mga dead cell at bacteria sa labas ng katawan.

Ang mga secretion na ito ay mga likido na nagmumula sa vaginal walls, mucus sa cervix, at good bacteria na nasa ari. Napapanatili ng good bacteria, o lactobacilli, ang malusog na balanse ng bacteria sa loob ng ari, at tumutulong na protektahan ang babae mula sa mga sexually transmitted infections (STI) at mga sakit.

Ang mga likidong ito ay inaalis sa katawan bilang discharge.Karaniwang puti o malinaw, at walang malakas na amoy ang malusog na discharge. Normal lang sa mga babae na magkaroon ng discharge basta’t walang malakas na amoy o kulay. Kadalasan hindi ito nakakapinsala, lalo na kung walang pangangati o pananakit sa paligid ng ari.

Kung ang ari ay kayang linisin ang sarili, ano ang maaari mong gawin para mas mapangalagaan ito? Ano ang tamang paglilinis nito?

Mayroon bang tamang paglilinis ng pepe?

Linisin lamang ang panlabas na bahagi ng ari

Habang ang ari ay may sistema ng paglilinis ng mga panloob na bahagi nito, maaari kang tumuon sa paghuhugas ng panlabas na ari, na tinatawag ding vulva.

Ang vulva ay ang panlabas na bahagi ng ari na binubuo ng mga panlabas na labi (ang labia), ang mons pubis, ang klitoris, at ang mga bukana ng ari at urethra. Ang tamang paglilinis ng pepe ay ang pag-iwas sa mga matatapang na sabon, antiseptics, at mga kemikal na panlinis upang linisin ang ari.

Gumamit ng banayad, walang amoy na sabon upang linisin ang pepe

Normal sa vagina na may musky smell, kahi na malinis ito. Ang natural na amoy nito ay maaaring magbago sa paglipas ng cycle ng regla habang bumababa ang hormone levels. Maaaring hindi palaging sanhi ng discharge ang amoy. Pwedeng dahil rin ito sa pawis, na naipon sa paligid ng singit.

Ang pubic area ay maraming sweat glands, at ang pubic hair ay maaaring magkaroon ng bacteria, na maaaring magdulot ng amoy. Dahil dito, mahalagang laging malinis ang ari at malaman ang tamang paglilinis ng pepe.

Hindi inirerekumenda na gumamit ng mga scented na sabon at mabangong feminie wash para itago ang amoy. Maaaring makairita ang mga ito sa balat at makagambala sa balanse ng bacteria.

Ang douching, na pag-flush ng tubig sa ari para linisin ito, ay hindi rin inirerekomenda ng mga medikal na propesyonal. Ito ay nag-aalis ng mabubuting bacteria, at nakakagambala sa bacterial balance ng pepe. Ang imbalance na ito ay maaaring magresulta sa impeksiyon at pamamaga. Maaaring ding maging madaling maapektuhan ang ari ng mga impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik.

tamang paglilinis ng pepe

Patuyuin ang iyong ari at punasan mula sa harap hanggang sa likod

Matapos gumamit ng banyo at linisin na mabuti ang sarili, i-pat dry ng tissue ang ari upang tuyuin. Ito ang tamang paraan.

Iwasang punasan mula sa likod hanggang sa harap. Ito ay para maiwasan ang pagkalat ng bacteria at pagpasok sa ari, na maaaring magdulot ng impeksyon. Siguraduhing linisin din ang lugar sa pagitan ng iyong ari at anus.

Regular na linisin ang ari

Iwasan ang buildup ng discharge at pawis. Maaari itong mauwi sa pangangati, yeast infection, at bacterial imbalance. Magsuot ng cotton underwear at iwasan ang sobrang sikip na damit. Nakakatulong ito na panatilihing malamig at malusog ang iyong ari. Maaari ding magsuot ng panty liner, partikular ang unscented na uri.

Habang ang tamang paglilinis ng pepe ay lubos na hinihikayat, iwasan din ang labis na paglilinis. Ito ay maaaring humantong sa pagkatuyo ng ari. Sa panahon ng regla, linisin nang madalas kung kinakailangan. Mahalagang malaman ang tamang paglilinis ng ari at kung paano mapapanatili ang tamang kalinisan lalo na kapag may regla.

Practice safe sex

Sa panahon ng pakikipagtalik, maaaring makapasok ang ilang bacteria at virus sa vagina. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng mga sakit tulad ng HIV, chlamydia, gonorrhea, genital warts, syphilis at herpes.

Ano ang dapat hitsura ng vaginal discharge?

Puti o malinaw ang malusog na discharge. Pero, maaaring magbago ito sa kulay, dami, consistency, at amoy sa iba’t ibang oras ng buwan. Ang mga pagbabagong ito ay sanhi ng progesterone at estrogen sa dugo. Ang dalawang hormone na ito ang responsable sa pag-regulate ng menstrual cycle at pagbabago kung may regla.

Kung ang discharge ay nagsimulang magmukhang cottage cheese, maaaring ito ay senyales ng yeast infection. Ang yeast infection ay maaaring may kasabay na pangangati.

Kung ang discharge ay nagiging dilaw o berde, o maging kulay abo, maaaring ito ay sintomas ng trichomoniasis o bacterial vaginosis. Ang bacterial vaginosis ay nagiging sanhi din ng discharge na may malakas at malansang amoy.

Ang mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, tulad ng gonorrhea at chlamydia, ay maaari ding makaapekto sa discharge. Maaaring din na sabayan ng lagnat, pananakit ng tiyan, o pananakit habang nakikipagtalik.

Kailan dapat magpatingin sa iyong doktor

Iba-iba ang discharge sa bawat babae, at nagbabago sa buong cycle ng regla. Subaybayan ang iyong pang-araw-araw na discharge. Ito ay upang matukoy kung ano ang normal at malusog para sa iyo.

Tandaan ang mga unusual changes sa iyong discharge, lalo na kung may mga sintomas tulad ng:

Magpatingin sa iyong doktor o gynecologist kung ang discharge ay:

Nagbabago at mas malakas ang amoy

May pagbabago sa kulay o dami

Kung sinubukan mo ang tamang paglilinis ng pepe at nagpapatuloy ang mga sintomas, pinakamahusay na tumawag sa iyong doktor.

Ang mga pagbabagong ito ay posibleng vaginal infection. Ang pinakakaraniwang uri ng impeksyon sa vaginal ay bacterial vaginosis, na maaaring gamutin ng mga antibiotic.

tamang paglilinis ng pepe

Key Takeaways

Hindi mo kailangang masyadong mag-alala tungkol sa ari dahil maaari nitong linisin ang sarili nito. Regular na hugasan ang panlabas na bahagi ng ari at gumamit ng banayad na panlinis. Ito ay upang mapanatili ang mabuting pisikal na kalinisan.Tandaan na sundin ang mga tip na ito sa tamang paglilinis ng pepe at pagkakaroon ng mas magandang vaginal health.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Anatomy of the Vulva https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=34&contentid=19522-1

Keeping your Vagina Clean and Healthy https://www.nhs.uk/live-well/sexual-health/keeping-your-vagina-clean-and-healthy/ Accessed September 14, 2020

Vaginal Discharge A to Z https://www.health.harvard.edu/a_to_z/vaginal-discharge-a-to-z Accessed September 14, 2020

Keeping Your Vagina Clean and Healthy https://www.nhs.uk/live-well/sexual-health/keeping-your-vagina-clean-and-healthy/ Accessed September 14, 2020

Vulvar Care https://my.clevelandclinic.org/health/articles/4976-vulvar-care Accessed September 14, 2020

Feminine Hygiene Tips https://www.healthywomen.org/your-health/feminine-hygiene-tips Accessed September 14, 2020

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Anu-Ano Ang Mga Paraan Para Palakihin Ang Dibdib?

Adenomyosis: Ano Ang Epekto Nito Sa Katawan?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement