Kadalasang tinatawag na PMS, ang premenstrual syndrome ay isang grupo ng mga pisikal at emosyonal na sintomas na nangyayari mga isang linggo bago magsimula ang regla. Upang maging mas tiyak, ang mga sintomas ng PMS ay nangyayari halos pagkatapos ng ovulation.
Wala pa ring eksaktong dahilan kung bakit nangyayari ang PMS. Ayon sa mga researcher, maaaring ito ay dahil sa mababang antas ng mga hormone, tulad ng estrogen at progesterone.
Ang mga palatandaan ng PMS ay nare-resolve kapag nagsimula ang regla. Ito ay maaaring maiugnay sa normalisasyon ng hormonal levels.
Ang mga Sintomas ng PMS ay Naiiba sa bawat Babae
Napakahalagang maunawaan na ang nakakaranas ng PMS ay hindi pareho-pareho sa lahat ng kababaihan. Ang ilang mga kababaihan ay nakakaranas ng mild na mga sintomas, habang ang iba ay may malubhang mga signs.
Ang totoo, ilang kababaihan ang kailangang mag-absent sa trabaho o paaralan dahil ang kanilang mga sintomas ay napakalubha at hindi sila makaalis sa kama. Sa kabilang banda, may mga kababaihan na nagsasabing ang PMS ay halos walang epekto sa kanilang buhay.
Bukod pa rito, maaaring makaranas ng magkaibang sintomas ang dalawang babae na nagsasabi ng mild premenstrual syndrome.
Halimbawa, ang isa ay maaaring magkaroon ng bloating at fatigue, habang ang isa naman pag-iyak at mga acne breakout.
Ang mga sintomas ng PMS ay nag-iiba din depende sa sitwasyon ng babae. Halimbawa, pagkatapos manganak, maaaring bumalik ang mga sintomas ng PMS, ngunit iba na ang mga ito sa dati.
Ang bottom line ay, naiiba sa bawat babae ang signs ng PMS. Kaya nga kung minsan ay ikinakabit natin ang salitang “potensyal” sa mga senyales ng premenstrual syndrome.
Ang Mga Potensyal na Palatandaan ng Premenstrual Syndrome
Sa ngayon, maaaring mayroon ka ng ideya tungkol sa kung gaano kaiba ang mga potensyal na senyales ng PMS. Narito ang mga pinakakaraniwang sintomas ng PMS:
Emotional Signs and Symptoms
- Mood swings, pagkamayamutin, o pagiging galit sa maliliit na bagay
- Kawalan ng kakayahang mag-concentrate
- Mga pag-iyak
- Social isolation
- Depressed mood
- Hindi matulog
- Kabalisahan
- Pagbabago sa gana (ayaw kumain, o palaging gutom)
- Confusion
- Memory lapses
- Kawalan ng tiwala sa sarili
- Kalungkutan
- Less interest in sex (Nabawasan ang interes sa sex)
Physical Signs and Symptoms
- Fluid retention, kadalasang nagreresulta sa pagtaas ng timbang
- Constipation
- Diarrhea
- A general feeling of tiredness or fatigue
- Acne breakouts
- Headache
- Breast tenderness
- Joint pain
- Muscle pain
- Bloating
- Gassy feeling
- Intolerance to alcohol
- Increased sensitivity to noise and light
- Clumsiness
- Sleepiness
- Hot flushes and sweating
Tandaan na hindi mo kailangang maranasan lahat ng mga potensyal na senyales ng PMS.
Diagnosis
Hindi tulad ng ibang health conditions, ang PMS ay hindi kailangan ng mga pagsusuri sa laboratoryo para sa isang positibong diagnosis. Iinterbyuhin ka ng doktor tungkol sa mga sintomas na iyong nararanasan at kung gaano kadalas mo ito nararanasan. Magtatanong din sila kung paano nakakaapekto ang mga sintomas na ito sa iyong buhay.
Malamang may PMS ka kung:
- Ang mga potensyal na palatandaan ay nangyayari 5 – 7 araw bago magsimula ang regla.
- Dahil sa mga sintomas hindi ka makapag saya o maka gawa ng ilang pang-araw-araw na gawain.
- Naganap ang mga ito ng hindi bababa sa 3 siklo ng regla.
- Nagtatapos ang mga ito ng hindi bababa sa 4 na araw pagkatapos ng iyong regla
Dahil dito, magandang magkaroon ng isang talaan ng lahat ng mga sintomas na iyong nararanasan para sa hindi bababa sa tatlong mga cycle ng regla. Ito ay para masabi mo sa iyong doktor sa isang konsultasyon.
Home Remedies para sa mga Palatandaan ng Premenstrual Syndrome
Sa kabutihang palad, may maraming mga remedyo sa bahay para sa mga sintomas ng PMS. Sa pangkalahatan, ang remedy ay para mapahupa ang mga sintomas. Ilan sa mga home remedy ay:
- Mag aerobic exercise. Ang mga pisikal na ehersisyo tulad ng mga aerobic exercise ay maaaring mapabuti ang fatigue at sumaya ang mood. Sa ilang mga kaso, puede rin nitong bawasan ang pananakit ng premenstrual o regla.
- Gumawa ng healthy choices sa iyong diet. Hindi bababa sa dalawang linggo bago ang iyong regla, bawasan ang caffeine, asin at asukal. Ito ay maaaring makatulong sa pagpapagaan ng iyong mga sintomas ng PMS. Bukod pa rito, maaari kang kumuha ng kaunti, frequent snacks upang mabawasan ang bloating.
- Maghanap ng mga coping mechanisms para sa stress. Kung lalo kang nalulungkot, maaaring subukan ang mga simpleng paraan para bawas ang stress. Halimbawa paggawa ng journal, pakikipag-usap sa mga kaibigan, at mga aktibidad tulad ng yoga at masahe.
- Sapat na pahinga at tulog. Ang kakulangan sa tulog ay maaaring magpalala sa iyong emotional signs, kaya magandang ideya na makakuha ng sapat na pahinga at tulog.
- Huwag manigarilyo. Ang ilang mga pag-aaral ay nag-uulat na ang mga babaeng naninigarilyo ay may mas matinding PMS kaysa sa mga hindi.
- Mag breathing exercises. Maaaring makatulong sa mga sintomas tulad ng pananakit ng ulo at pagkabalisa.
- Uminom ng mga OTC na gamot para sa pain. Kung nagdudulot ng sobrang discomfort, maaari kang gumamit ng mild na over-the-counter na mga pain reliever.
Kailan Magpapatingin sa Doktor
Dahil maraming sintomas ng PMS, paano mo malalaman kung kailangan mo nang kumunsulta sa doktor?
Bilang general rule, pumunta sa iyong doktor kapag wala sa mga remedyo sa bahay ang nakakatulong sa iyo. Ganun din kung ang mga palatandaan ng PMS ay negatibong nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay at iyong kalusugan.
Bukod pa rito, mayroong isang malubhang anyo ng PMS na tinatawag na premenstrual dysphoric disorder o PMDD. Maaari sabihin na ang PMDD ay ang nakakapanghinang bersyon ng PMS, dahil ang mga sintomas ay kadalasang nagiging dahilan na hindi maka function ang babae. Ang mga malubhang sintomas ay kinabibilangan ng:
- Matinding depresyon; ang ilan ay nakakaranas pa nga ng suicidal tendencies
- Mga panic attacks
- Kawalang-interes o kawalan ng interes kahit na sa mga relasyon at pang-araw-araw na gawain
- Pangmatagalang pagkamayamutin at galit na maaaring makaapekto sa ibang tao
- Pakiramdam ng labis na kahirapan sa pag-concentrate
- Extreme mood swings
- Binge eating
Ang ilan sa mga pisikal na sintomas ng PMS ay nararanasan pa rin sa PMDD. Dahil nakakapanghina ang PMDD, mahalagang pumunta sa iyong doktor para humingi ng tulong. Sa kaganapang ito, maaaring magreseta ang doktor hindi lamang ng mga painkiller, kundi pati na rin ang mga antidepressant.
Factors na Nakakadagdag sa Mga Palatandaan ng Premenstrual Syndrome
Habang ang eksaktong dahilan ng PMS ay hindi pa alam, maaari itong maapektuhan ng ilang mga kadahilanan. Ilan dito ay:
- Stress
- Poor physical health
- Kalagayang sikolohikal
- Hindi malusog na timbang – Ang mga babaeng sobra sa timbang ay mas malamang na makaranas ng mga sintomas ng PMS kaysa sa mga nasa normal na timbang.
- Naninigarilyo
Ang mga palatandaan ng premenstrual syndrome ay nag-iiba sa bawat babae. Parehong emosyonal at pisikal na mga sintomas ang PMS. Kadalasang epektibo ang home remedies sa pamamahala ng karamihan sa mga senyales ng PMS. Gayunpaman, kung malubha ang mga sintomas at negatibong nakakaapekto sa iyong mga aktibidad sa pang-araw-araw at kalusugan, dapat kumunsulta sa iyong doktor.
[embed-health-tool-ovulation]