backup og meta

Sanhi ng Yeast Infection, Ano nga ba?

Sanhi ng Yeast Infection, Ano nga ba?

Ang yeast infection ay maaaring karaniwang sa mga babae, ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi na gagawa ng mga aksyon tungkol dito. Nakatutulong ang pag-alam kung ano ang sanhi ng yeast infection na mapababa ang banta ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon.

Anong Sanhi ng Yeast Infection sa mga Babae?

Nangyayari ang yeast infection kung mayroong overgrowth ng candida, isang uri ng fungal yeast. Ang fungal yeast na ito ay nasa katawan at karaniwan na makikita sa balat, bibig, lalamunan, tiyan, at puki.

Para sa mas maraming parte, ang candida ay hindi nagiging sanhi ng problema, dahil pinananatili ng katawan na kontrolado ang dami ng yeast. Gayunpaman, may mga bagay na nagtri-trigger ng biglaang pagdami ng candida, at ito ang nagiging sanhi ng yeast infection.

Hormonal Changes

Ang pagbabago ng hormone ay sanhi ng pagbubuntis, contraceptive pills, o maging ang menstrual cycle. Ito ay maaaring maging sanhi ng yeast infection. Nangyayari ito dahil sa mas maraming estrogen hormone na maaaring mag-trigger ng dami ng fungi. Ito ay nagreresulta na makaranas ang mga babae ng sintomas ng yeast infection.

Posible rin na ang hormonal changes ay makapatay o makapagbago ng balanse ng tiyak na uri ng bacteria sa puki. Ang mga bacteria na ito ay kadalasan na responsable sa pagpapanatili ng balanse ng candida, ngunit kung may imbalance, nagreresulta ito sa yeast infection.

Ang pinaka mainam na paraan dito ay gumamit ng antifungal na gamot sa lalong madaling panahon. Kung ito ay bumabalik, huwag mag-alinlangan na kausapin ang iyong doktor.

sanhi ng yeast infection

Diabetes

Diabetes ang isa pang maaaring sanhi ng yeast infection. Ang mga taong may diabetes ay mas mataas ang level ng blood sugar sa katawan. Ibig sabihin nito na ang kanilang ihi ay mas mataas ang concentration ng sugar.

Dahil ang yeast ay lumalaki sa sugar, ang diabetes ay maaaring sanhi ng pagdami ng candida na hindi na kontrolado. Kaya’t ito ay nagreresulta sa yeast infection.

Upang maiwasan na mangyari ito, mainam na panatilihin na kontrolado ang level ng blood sugar. Makatutulong ito na maging normal ang sugar sa iyong ihi, at mabawasan ang banta ng yeast infection.

Mahinang Immune System

Isa pang posibleng sanhi ng yeast infection sa mga babae ay ang mahinang immune system. Ito ay dahil sa maraming bagay, tulad ng pagkakaroon ng HIV, pagsasailalim sa chemotherapy, o pagkakaroon ng kondisyon na nakokompromiso ang immune system.

Ito ay nangyayari dahil ang immune system ay hindi kayang panatilihin ang dami ng candida sa puki. Nagreresulta ito sa fungi na dumami at hindi makontrol, at nagiging sanhi na magkaroon ng yeast infection.

Hindi Ligtas na Pagtatalik

Isang interesadong sanhi ng yeast infection sa mga babae ay ang hindi ligtas na pagtatalik. Ang yeast infections ay hindi nakahahawa, at hindi kinokonsiderang sexually transmitted disease, kaya’t paano ito nagiging sanhi ng hindi ligtas na pakikipagtalik?

Ang dahilan dito ay ang chemistry ng iyong katawan ay maaaring may reaksyon sa bacteria at yeast ng ari ng iyong kapareha. Maaari itong magpabago ng balanse ng sarili mong bacteria at yeast sa ari, na humahantong sa yeast infection.

sanhi ng yeast infection

Paggamit ng Antibiotics

Panghuli, ang palaging paggamit ng tiyak na antibiotics (broad spectrum antibiotics) ay nagpapataas ng banta na magkaroon ng yeast infection. Ito ay dahil sa ang antibiotics ay hindi nagdi-discriminate ng pagkakaiba ng may pakinabang at masamang bacteria sa katawan.

Ibig sabihin nito na kung ikaw ay gumagamit ng antibiotics, pinapatay mo rin ang ilang good bacteria sa katawan. Posible na ang antibiotics ay makapatay ng bacteria na nagpapanatili ng dami ng candida mula sa sobrang pagdami nito. At nagreresulta ito sa yeast infection.

Ito rin ang rason bakit ang ilang mga babae ay napapansin ang pagkakaroon ng yeast infection matapos kumonsumo ng antibiotics.

Ang yeast infection ay nalulunasan na kondisyon. Karamihan ng over-the-counter antifungal na gamot ay maaaring maging mabisa sa paggamot ng infection. Gayunpaman, kung pabalik-balik ang infection, o nakararanas ng malalang sintomas, mainam na pumunta sa doktor.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Babae rito.

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vaginal Yeast Infections: Treatment, Causes, Prevention & Symptoms, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/5019-yeast-infections, Accessed December 3, 2020

Yeast infection (vaginal) – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/yeast-infection/symptoms-causes/syc-20378999, Accessed December 3, 2020

Vaginal Candidiasis | Fungal Diseases | CDC, https://www.cdc.gov/fungal/diseases/candidiasis/genital/index.html, Accessed December 3, 2020

Vaginal yeast infections | womenshealth.gov, https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/vaginal-yeast-infections, Accessed December 3, 2020

What is a Yeast Infection? | Symptoms, Signs and Causes, https://www.plannedparenthood.org/learn/health-and-wellness/vaginitis/what-yeast-infection, Accessed December 3, 2020

Yeast Infection After Period: Causes, Treatments, and Home Remedies, https://www.healthline.com/health/womens-health/yeast-infection-after-period, Accessed December 3, 2020

Kasalukuyang Version

03/27/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Anu-Ano Ang Mga Paraan Para Palakihin Ang Dibdib?

Adenomyosis: Ano Ang Epekto Nito Sa Katawan?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement