backup og meta

pH balance ng vagina, kailan masasabi na normal ito?

pH balance ng vagina, kailan masasabi na normal ito?

Kailangan ang wastong pangangalaga sa vagina para masiguro ang sexual at overall health. Narito ang ilang mga tip para mapanatili ang malusog na pH balance ng vagina at lubrication.

Pag-unawa sa Vaginal pH balance at Lubrication

Ang pH ay isang yunit ng pagsukat kung gaano ka-acidic o basic ang isang substance mula sa sukat na 1-14. Kung mas mababa ang numero sa sukat, mas acidic ang isang substance. Ang normal pH balance ng babae ay mas mababa sa 4.5.

Kasunod ng bowel, pumapangalawa ang vagina sa dami ng bacteria. Ngunit nariyan ang mabubuting bacteria na ito para makatulong na mapanatili ang vaginal health. Ang kanilang patuloy na presensya ay nangangailangan ng normal na pH balance ng vagina. 

Ang mga bacteria na ito ay responsable sa: 

Numerical dominance

Gumagana ang mga ito para higitan ang iba pang mga nakakapinsalang bakterya na maaaring pumasok sa ari.

Maaaring gumawa ng bacteriocins

Ang mga bacteriaocin ay mga natural na antibiotic na maaaring makatulong na mabawasan o pumatay ng iba pang bacteria na pumapasok sa ari.

Pagpigil sa pagpasok ng bacteria sa vaginal wall

Pinipigilan nito ang masamang bacteria na makapasok sa vaginal tissues.

Panatilihin ang pH balance sa healthy level

Ito naman ay nagpapanatili ng balanse ng bacteria na malusog sa loob ng ari.

Ano ang kinalaman ng mga bacteria na ito sa pH balance ng vagina? 

Pinapanatili ng bakterya ang pH balance ng vagina sa karaniwang mababang antas nito, na mas mababa sa 4.5. Ang lactic acid na ginawa ng lactobacilli sa vagina ay maaaring magpababa ng mga pH level. Nakakatulong ito na maiwasan ang paglaki ng ibang organismo sa loob ng iyong ari. Kung mas mataas ang pH balance sa katawan ng babae (o kung mas acidic ang vaginal pH), maaaring bumaba ang bilang at kalidad ng good bacteria at maaaring tumaas ang bad bacteria. Ito ay maaaring mauwi sa mga impeksyon tulad ng bacterial vaginosis o thrush. 

Bakit mahalaga ang pag-aalaga sa iyong vagina? 

Parehong ang loob at labas na bahagi ng iyong ari ay maaaring mairita at mahawa. Ito ay maaaring humantong sa discomfort. Mahalagang pangalagaan ang iyong ari para matiyak na ito ay walang impeksyon at pangangati. Sa ganitong paraan maaari mong mapanatili ang malusog na vaginal pH at lubrication.  

Pagpapanatili ng Malusog na pH Levels

Narito ang ilang paraan upang mapanatili ang malusog na pH balance ng vagina:

Practice safe sex

Ang mga sexually transmitted infection (STI) ay naililipat sa pamamagitan ng mga likido sa katawan. Ang unprotected sex ay nagdaragdag ng panganib na mahawa ka sa sakit na ito at mainfect ang iyong ari. 

Hugasan nang maayos ang iyong ari 

Habang kayang linisin ng vagina ang sarili nito, ipinapayo na hugasan lamang ang panlabas na bahagi ng malinis, maligamgam na tubig at iba pang hindi nakakapinsalang mga sabon o gel. Kung may regla, hugasan ito ng dalawang beses isang araw.

Bigyang-pansin ang mga produktong ginagamit 

Ang ilang mga sabon, pabango, at gel ay maaaring makapinsala sa vagina. Maaari silang makairita sa iyong ari at maka istorbo sa maselang balanse ng bacteria. Maging maingat sa mga produktong ginagamit mo. Ito ay makakatulong sa pH balance ng vagina.

Huwag mag-douche 

Maaaring bawasan ng douching ang dami ng good bacteria na nasa iyong ari. Ito ay maaaring humantong sa impeksyon at pangangati. Maaari rin nitong itulak ang impeksyon pataas sa iyong matris, o kilala bilang “ascending infection.” 

Kumain ng probiotics 

Ang pagkain ng mga produktong mayaman sa probiotic gaya ng yogurt, kefir, o chia seeds ay isang magandang paraan upang mapanatili ang pH balance ng vagina.

Panatilihin ang magandang perineal hygiene 

Ang pagkakaroon ng good hygiene ay mabuti sa iyong ari. Palaging paghuhugas ng mga kamay, hindi pag-ahit sa buong pubic area, at pagpupunas mula harap hanggang likod pagkatapos umihi. Ito ang ilang mga halimbawa ng mabuting perineal hygiene.

Magkaroon ng regular na check-up sa iyong gynecologist

Bisitahin ang iyong gynecologist kung may unusual discharge o pagdurugo sa ari. Ang taunang check-up para sa mga Pap test ay pinapayo din para makita ng maaga ang mga abnormalidad.

Paano mapangalagaan ang reproductive health

Magkaroon ng malusog na timbang 

Ang kakulangan sa timbang o sobra sa timbang ay maaaring makaapekto sa obulasyon. Kung napakataba at sobra sa timbang ay maaari ring magpapataas ng amoy sa paligid. 

Practice safe sex

Gaya ng nakasaad sa itaas, ang hindi protektadong pakikipagtalik ay nagdaragdag ng pagkakataong magkaroon ng mga STI. Ang gonorrhea at chlamydia ay mga impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik na maaaring magdulot ng pagkabaog.

Iwasang magtrabaho ng night shift

Maaring makaapekto sa produksyon ng hormone ang pagtatrabaho ng night shift. Ito ay maaaring makaapekto sa obulasyon.

Huwag manigarilyo 

Ang paggamit ng tabako ay maaaring magpababa ng fertility. Ang paninigarilyo ay nakakatanda at nakakaubos ng iyong mga egg cell.

Huwag uminom ng labis na alak 

Ang pag-inom ng maraming alak ay maaaring magpataas ng risk sa ovulation disorders. Ipinapayo din na umiwas sa pag-inom sa panahon ng paglilihi at pagbubuntis. 

Bawasan ang pagkonsumo ng caffeine

Habang ang mababang antas ng caffeine ay hindi nakakapinsala, ang paggamit ng higit sa 200 milligrams sa isang araw ay maaaring magdulot ng mga problema sa fertility.  

Huwag mag-over-exercise 

Ang sobrang pisikal na aktibidad ay maaaring makapigil sa obulasyon gayundin makabawas sa produksyon ng mahalagang hormone, progesterone.

Mag-ingat sa pagkakalantad sa mga lason

Ang mga pollutant at lason gaya ng lead, solvents, o pesticides, ay maaaring magdulot ng pagkabaog.

Treatment para sa vaginal dryness

Bukod sa pagtiyak ng malusog na pH balance ng vagina, mahalaga din na tiyakin ang wastong vaginal lubrication. Ang vaginal dryness ay isang pangkaraniwang kondisyon na maaaring magdulot ng pangangati at discomfort sa ari. Ang kakulangan ng vaginal lubrication ay nagreresulta din sa pananakit at pangangati sa oras ng sexual intercourse.  

Gumamit ng vaginal moisturizers

Kung kinakailangan, maaari mong piliing gumamit ng water or silicone-based products na makakatulong sa lubrication ng iyong ari. Narito ang ilang mga halimbawa. Laging tanungin ang iyong doktor bago sumubok ng mga bagong paggamot.

  • Replens
  • Gyne-Moistrin
  • KY Jelly

Ang paggamit ng petroleum jelly ay hindi inirerekomenda lalo na para sa mga maaaring nakakaranas ng vulvar irritation.

Iwasan ang oil o petroleum-based lubricants. Ito ay dahil maaaring mapataas nito ang impeksyon at masira ang condoms. Kung ang mga lubricant o moisturizer ay hindi gumagana, ang isa sa mga pinaka-epektibong paraan ng treatment para sa vaginal dryness ay vaginal estrogen. Karaniwang nangangailangan ito ng reseta mula sa iyong doktor.   

Maaari mo ring alamin ang iba pang mga opsyon para sa lubrication kung nagpaplano kang makipagtalik. Mangyaring kumunsulta sa iyong doktor bago subukan ang anumang gamot. 

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vulvar Care https://my.clevelandclinic.org/health/articles/4976-vulvar-care date accessed 5/8/2020

Female Fertility: Why Lifestyle Choices Count https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/getting-pregnant/in-depth/female-fertility/art-20045887 date accessed 5/8/2020

Keeping Your Vagina Clean and Healthy https://www.nhs.uk/live-well/sexual-health/keeping-your-vagina-clean-and-healthy/ date accessed 5/8/2020

How Can I Stay Healthy Down There? https://www.thewomens.org.au/health-information/vulva-vagina/your-vulva-vagina/how-can-i-stay-healthy-down-there date accessed 5/8/2020

Bacterial Vaginosis https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/bacterial-vaginosis date accessed 5/8/2020

Vaginal pH Test https://www.fda.gov/medical-devices/home-use-tests/vaginal-ph date accessed 5/8/2020

Maintaining Vaginal Health https://health.cornell.edu/sites/health/files/pdf-library/Maintaining-Vaginal-Health.pdf date accessed 5/8/2020

Vaginal Dryness https://www.nhs.uk/conditions/vaginal-dryness/ accessed 5/14/2020

Kasalukuyang Version

07/26/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Anu-Ano Ang Mga Paraan Para Palakihin Ang Dibdib?

Adenomyosis: Ano Ang Epekto Nito Sa Katawan?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement