backup og meta

Masama nga ba Ang Pagsusuot ng Bra? Alamin Dito!

Masama nga ba Ang Pagsusuot ng Bra? Alamin Dito!

Nakatutulong ang mga brassiere o bra bilang panakip, at nagbibigay din ito ng suporta. Mahalaga para sa marami sa buong mundo ang ganitong uri ng damit panloob. Pinaniniwalaan ng iba na pinipigilan nito ang breast sagging, habang mahigpit naman ito para iba. Kaya naman, masama ba ang pagsusuot ng bra? May mga pangmatagalang side effect ba ang pagsusuot ng bra? Nagdudulot ba ito ng problema sa kalusugan? Magbasa pa para malaman.

Masama ba ang pagsusuot ng bra? Depende ito.

Sa katunayan, depende ito. Kung tama ang sukat ng sinusuot na bra, wala kang magiging problema. Maraming pag-aaral ang nagsasabing nakatutulong sa pagsuporta ng suso at pagpapanatili sa natural na hitsura ng utong ang pagsusuot ng tamang bra.

Makatutulong din ang pagsusuot ng tamang bra sa mga babaeng may malaking dibdib na mapawi ang anumang pananakit ng kanilang likod.

Bukod pa dito, makatutulong din ang tamang bra para maiwasan ang breast sagging sa hinaharap.

Ngunit taliwas sa paniniwala ng marami, hindi nagbibigay ng sapat na suporta ang mga cup ng bra. Ang mga strap at clasp talaga ang sumusuporta.

Kung hindi sukat sa iyo ang bra, maaari kang magkaroon ng chronic back pain at masakit na pinched nerve sa leeg.

Gayundin, maaaring magdulot ng ilang isyu sa katagalan ang patuloy na pagsusuot ng hindi maayos na bra o mga bra na masyadong maliit o malaki para sa iyo.

Ang ginagawa ng maraming babae sa panahon ngayon, sinusukat nila ang sarili nilang cup size sa tuwing bumibili ng bra. Sa ganitong paraan, makaiiwas sila sa pagbili ng bra na mali ang sukat. Nakaka-stress sa diaphragm ang mga masikip na bra, at maaari pa itong makasagabal sa proseso ng pagtunaw ng pagkain.

Ang pangunahing layunin ng bra

Ayon sa The Institute of Osteopathy, may ebidensya na nagsasabing maaaring magsanhi ng pagbabago sa posture, at kalaunan humantong sa pananakit ng musculoskeletal, ang pagkakaroon ng mas malaking breast o cup size.

Pangunahing layunin ng bra na suportahan ang bigat at hugis ng breast. Ngunit maraming babae ang madalas nasisikipan at nahihigpitan kung nasaan ang strap ng bra. Maaari din makasama sa ribcage ang mga masikip na bra, at pati na rin magsanhi ng masakit na likod at leeg.

Kung maluwag ang strap ng bra, at masikip naman ang strap sa likod, maaaring hindi ito maging balanse.

Para sa mga sports bra, sobra-sobra madalas ang nabibigay nitong suporta at napipigilan din nila na gumana nang maayos ang ribcage, kaya naman napapahina nila ang muscle ng likod at nadidiinan din nila ang mga breast ligament.

Ngunit kung magsasagawa ng karaniwang ehersisyo, mahalagang magsuot ng suporta. Dahil kung hindi, maaaring manganib sa injury ang internal composition ng breast.

Ang science sa likod ng bra

Sa katunayan, wala pang siyantipikong patunay ang nagsasabing walang negatibong epekto sa kalusugan ng babae ang pagsusuot ng tamang bra.

Kung hindi tama ang sukat ng bra, maaari itong mauwi sa pananakit ng leeg at muscle sa dibdib. Nagdudulot din ng hindi magandang pakiramdam sa balikat ang masikip na shoulder strap. Dahil isa sa mga pangunahing suporta ng suso ang mga strap, maaaring humantong ang nararamdamang tensyon sa permanenteng pinsala ng shoulder tissue.

Sa isyu ng breast sagging, para sa mga taong mas malaki ang suso, mababawasan ang rate ng sagging sa tulong ng pagsusuot ng tamang bra dahil nasusuportahan ang connective tissue ng suso.

masama ba ang pagsusuot ng bra

Sakit sa suso at ang bra

Ayon kay Dr. Nanda Rajenseesh, isang Consultant Oncologist at Bariatric Surgeon, “Walang side effect ang anumang uri ng bra maliban kung masikip ang mga ito. Maaari itong magbigay ng hindi komportableng pakiramdam, at magduloti ng pinsala sa balat.” Dagdag pa niya, “Walang kaugnayan ang mga sakit sa breast, at sa mga bra na ginagamit mo.”

Maaaring makabuti sa posture ng babae, at makaiwas sa pananakit ng likod ang pagsusuot ng tamang bra. Para sa mga babaeng nakararanas ng masakit na likod kahit pa nagsusuot ng tamang bra, kumonsulta sa doktor. Maaaring may isa pang natatagong isyu sa kalusugan.

Matuto pa tungkol sa kalusugan ng mga babae dito.

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Is it OK to wear a bra while sleeping?

https://www.hopkinsallchildrens.org/Patients-Families/Health-Library/HealthDocNew/Is-It-OK-to-Wear-a-Bra-While-Sleeping

Accessed August 31, 2021

Common fears with no evidence: antiperspirants and bras

https://www.breastcancer.org/risk/factors/no_evidence

Accessed August 31, 2021

Is it bad not to wear a bra?

Is It Bad to Not Wear a Bra?

Accessed August 31, 2021

Wearing bras and musuculoskeletal pain

iosteopathy.org/news/41905/

Accessed August 31, 2021

 

Kasalukuyang Version

12/30/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Anu-Ano Ang Mga Paraan Para Palakihin Ang Dibdib?

Adenomyosis: Ano Ang Epekto Nito Sa Katawan?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement