Mayroon nga bang mga gamot sa yeast infection? Kung saan tutugon ito sa mga babaeng maaaring makaranas ng vaginal yeast infection ng ilang beses sa kanyang buhay.
Habang nagdudulot ito ng discomfort, tulad ng vaginal burning pamumula, at pangangati. Karamihan sa mga kasong ito ay madaling malutas sa pamamagitan ng mga gamot at simpleng kasanayan. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa gamot sa yeast infection at home remedies.
Paano Malalaman Kung Ikaw ay May Yeast Infection
Ano ang gamot sa yeast infection?
Ang vaginal infection ay nangangahulugang mayroong imbalance sa dami ng organismo sa ari.
Makikita na ang ating katawan, kasama ang bahagi ng ari ay natural na mayroong mga organismo tulad ng bakterya at fungi. Sa vaginal yeast infection— mayroon itong overgrowth ng fungi (yeast) na tinatawag na “candida”. Ang sobrang paglaki na ito ay nagdudulot ng mga sintomas tulad ng vaginal burning, pamumula, at pangangati.
Para maibalik ang balanse ng organismo sa ari— ang babaeng may yeast infections ay nangangailangan ng gamot. Sinasabi na ang drug treatment ay maaaring topical at pwedeng nasa anyo ng creams o ointment na direktang nilalagay sa ari, o oral sa anyo ng mga tabletas.
Tritment para sa mild symptoms na may madalang na episodes
Kung sakaling mayroon kang madalang na episodes ng yeast infections na may mild symptoms lamang, siguradong magrerekomenda ang doktor ng ilang home remedies. Narito ang mga sumusunod na paggamot:
- Short-course treatment – maaaring magreseta ang doktor ng anti-fungal na gamot na kailangan mong inumin o i-apply mula 3 hanggang 7 araw. Ang isang halimbawa ng anti-fungal ay miconazole.
- Single-dose treatment – kung makita ng doktor na ang isang dosis ay sapat para gamutin ang iyong vaginal yeast infection pwede ka niyang bigyan ng single oral dose ng fluconazole. Subalit, kung ang iyong mga sintomas ay medyo malala, maaaring magpasya ang doktor na magrekomenda ng two single doses na may three-day interval.
Mga Karaniwang Paniniwala Tungkol Sa Yeast Infections
Tritment para sa malalang sintomas o madalas na episodes:
Ang cases ng madalang na episodes para sa vaginal yeast na may mild symptoms ay mas karaniwan. Ngunit posible rin para sa mga kababaihan na makaranas ng mga pag-uulit o malubhang sintomas at kung ganito ang kaso, maaaring magrekomenda ang doktor ng mga sumusunod:
- Pangmatagalang paggamot – sa diskarteng ito, pwedeng kailanganin mong uminom ng oral antifungal araw-araw nang hanggang 2 linggo. Pagkatapos noon, maaaring kailanganin mo ang follow-up doses na ite-take ng lingguhan hanggang 6 na buwan.
- Multidose treatment – isa pang opsyon ay magkaroon ng 2 hanggang 3 dosis ng oral antifungals para gamutin ang iyong mga sintomas.
Tandaan: Huwag mag-self-medicate kahit na ang ilang antifungal pills at cream ay binebenta sa counter. Sa halip, magtakda ng appointment sa’yong doktor dahil ang mga gamot na ito ay maaaring magresulta sa hindi kanais-nais na mga epekto.
Makakatulong ito na makatiyak na talagang mayroon kang yeast infection at hindi ang isa pang uri ng vaginitis, tulad ng bacterial vaginosis kung saan nangangailangan ito ng paggamot. Higit pa rito, ang oral antifungals ay maaaring hindi ang angkop na pagpipiliang tritment para sa’yo lalo na kung ikaw ay buntis.
Ang bottom line din dito: habang maaari kang magsagawa ng ilang home remedies para sa yeast infection, tandaan na isang doktor pa rin ang makakapagbigay sa’yo ng naaangkop na drug treatment.
Home remedies para sa yeast infection
Sa panahon ng iyong tritment, ang mga sumusunod na home remedies para sa yeast infection ay makakatulong din sa pagpapagaan ng iyong mga sintomas upang panatilihing kontrolado ang kondisyon:
Huwag gumamit ng mga tampons habang nasa ilalim ka ng pangkasalukuyan na treatment
Kung naglalagay ka ng cream o ointment para gamutin ang iyong mga sintomas ng yeast infection, iwasang gumamit ng tampons o menstrual cups.
Ang tampons at vaginal suppository ay maaaring mag-absorb ng gamot at binabawasan nito ang epekto ng gamot. Maganda kung gumamit na lang muna ng sanitary pads para sa paggamot.
Magsuot ng maluwag, cotton bottoms at undergarments
Ang maluwag na cotton ay nagbibigay-daan sa balat na huminga upang hindi ma-trap ang moisture o init ng katawan.
Bukod dito, siguraduhing palitan ang iyong mga damit at panty pagkatapos lumangoy o mag-ehersisyo dahil mahalagang hakbang ito upang maiwasan ang pag-unlad ng yeast. Sapagkat nadedebelop pa silang lalo sa mga maiinit at at mamasa-masa na kapaligiran.
Huwag mag-douche o maglagay ng kahit ano maliban sa mga gamot sa’yong ari
Walang napatunayang alternatibong gamot sa vaginal yeast infection at para sa kadahilanang ito, huwag maglagay ng anumang bagay sa’yong ari na hindi iniresetang gamot.
Huwag mag-douche, at lalo na huwag maglagay ng suka, bawang, o yogurt.
Iwasan ang pagkamot, kahit na nangangati ang feminine area
Isa sa most challenging aspects ng paggamot sa yeast infection at home remedies ay ang pag-iwas sa scratching. Ang pagkamot ay lalong nakakairita sa balat ng ari at ginagawa nitong mas madaling maapektuhan ang ari ng impeksyon. Kapag naramdaman mo ang pangangati, maglagay ng cold pack, o maligo.
Ugaliin ang kalinisang pambabae
Huwag kalimutang magsanay ng good feminine hygiene. Subalit, mahalaga na HINDI ito I-OVERDO dahil ang madalas na paghuhugas gamit ang sabon at tubig sa ari ay maaaring maging dahilan ng pagkaubos ng good bacteria. Ito rin ay maaaring maging sanhi ng labis na paglaki ng candida.
Hugasan rin ang ari ng maligamgam na tubig at punasan ito mula harap hanggang likod, at iwasan muna ang pakikipag-sex hanggang sa mawala ang iyong mga sintomas.
Matuto pa tungkol sa Yeast Infections dito.
[embed-health-tool-ovulation]