Mayroong secretions ang vagina na nagmula sa skin cells ng vagina at cervix na may natural na amoy dahil sa female hormone na estrogen. Iba-iba ang amoy ng vagina ng mga kababaihan. Ano ang gamot sa vaginal discharge?
Nakasalalay ito sa kalinisan sa katawan, edad, physiological markers, pangangatawan, yugto ng menstrual cycle, mga pagkaing kinokonsumo, at mga aktibong gawain na kinabibilangan.
Kailangan ng healthy vagina ang good bacteria at balanseng pH level upang maging healthy rin ang amoy nito. Ang healthy na vagina ay amoy light, fermented milk, musky o fleshy. Mag-aamoy metallic naman ang vagina ng isang babae kung nasa yugto ito ng menstrual cycle. Magbabago rin panandalian ang amoy ng isang vagina pagtapos ng pakikipagtalik.
Ang magandang balita ay may natural na kakayahang linisin ng vagina ang kanyang sarili, at panatiliing mabuti ang pH nang mag-isa. Ito ang nagtataboy ng mga hindi mabuting bacteria. Ngunit may mga sitwasyon din na magdudulot ng ibang amoy na nilalabas ng vagina. Kung mapansin na mag-iba ang amoy ng vagina sa karaniwan at tumagal ito ng ilang araw, mabuting komunsulta sa doktor.
Tiyakin ding alam mo ang sariling amoy ng vagina. Alamin ang karaniwang amoy ng sarili sa ibaba nang matukoy ang mga posibleng problema sa hinaharap.
Karaniwan lang ang vaginal discharge. Pero marapat na ipatingin kaagad ang vaginal discharge na mas marami sa karaniwan, may pagkakulay berde, may malansang amoy, at may kaugnayan sa pangangati o pagdurugo.
Ano Ang Sanhi ng Vaginal Malodor?
Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit iba ang amoy ng vagina.
Foreign Body Reaction
Nakakaapekto sa amoy ng vagina ang mga tela (tulad ng synthetic underwear at thongs) na nagkukulong ng init at moisture.
Breathable ang cotton underwear na isang uri ng pananamit kaya inirerekomenda ito. Minsan nagsasanhi rin ng irritation ang mga tampon at condom. Kasama rin dito ang mga produkto tulad ng feminine hygiene, pulbo, at iba pang mga scented na produktong panligo.
Bacterial Infection
Bacterial vaginosis ang pinakakaraniwang vaginal infection. Mga babaeng nasa pagitan ng edad na 15 at 44 ang madalas tamaan nito.
Walang tiyak na dahilan nito. Nangyayari ito tuwing hindi balanse ang good bacteria at bad bacteria. Mas malaki ang tsansang magkaroon ng bacterial vaginosis ang mga babaeng sexually active at mga babaeng nagdo-douche. Hindi inirerekomenda ang pagdo-douche.
Yeast Infection
Ang yeast infection na isang uri ng fungal infection ang nagsasanhi ng puti at mala-kesong vagina discharge na dahilan ng malubhang pangangati.
Trichomoniasis
Isa itong uri ng STD. Dahil dito nagiging kulay dilaw at berde, mabula, at malansa ang vagina discharge.
Paano Mapapabuti Ang Vaginal Odor
Mayroong iba’t ibang paraan para makatulong sa amoy ng vagina. Kung tutuusin, kung maganda ang amoy ng ibaba, nakatataas din ito ng kumpiyansa sa sarili bilang babae at mas nagagawa nang mabuti ang mga pang araw-araw na gawain
Gamot sa Vaginal Discharge: Malinis na Pangangatawan
Mahalaga ang higit na pangangalaga sa vagina tuwing naliligo. Gumamit ng tubig o unscented na sabon para linisin ang ari, gamitin ang maligamgam (hindi mainit) na tubig at kamay (hindi tela) upang matanggal ang mga patay na balat, dumi, at pawis na maaaring nagsama, lalo na sa tuping bahagi ng labia.
Gamot sa Vaginal Discharge: Prescription Treatments
Kailangan ng gamot upang mabigyang lugas ang vaginal infection na nagsasanhi ng mabahong discharge. Tiyakin na iwasan ang paggagamot sa sarili dahil may mga angkop na gamot sa iba’t ibang impeksyon.
Gamot sa Vaginal Discharge: Magsuot ng Maluwag na Damit
May mga damit na lubhang masisikip na nagkukulong ng init, moisture, at bacteria na nagsasanhi ng musky na amoy sa vagina. Tiyaking nakakahinga ang vagina at kayang dumaan ng hangin sa mga sinusuot na damit. Pinakamabuti ang pagsusuot ng cotton na damit panloob, at iwasan ang mga thong at lycra na damit panloob.
Gamot sa Vaginal Discharge: Maglinis Pagtapos Makipagtalik
Sanayin na malinis ang pangangatawan sa bawat pagtatalik. Linisan ang ari pagtapos upang matanggal ang mga body fluid na nailabas. Maglinis gamit ang tubig ngunit iwasan ang douche. Huwag rin gumamit ng scented na lubricant dahil nagsasanhi ito ng hindi balanseng pH ng vagina.
Gamot sa Vaginal Discharge: Maglinis nang Mabuti Matapos Umihi
Ugaliin ang pagpunas mula harap papunta sa likod sa tuwing naglilinis ng ari upang matanggal sa vagina ang mga bacteria
Gamot sa Vaginal Discharge: Magpalit Palagi
Kung mayroong regla, tiyaking regular na nagpapalit ng pad at tampon. Huwag ring gumamit ng pantyliner nang matagal dahil maaari itong pamuhayan ng mga bacteria.
Gamot sa Vaginal Discharge:Uminom ng Tubig
Nakatutulong ang regular na pag-inom ng tubig sa pagsiguro na maayos ang loob ng katawan. Napapangasiwaan nito ang lahat, kabilang na ang amoy ng vagina dahil naiiwasan nito ang paglaki ng mga bacteria.
Gamot sa Vaginal Discharge: Bawasan Ang Asukal, Karne, At Alak
Bawasan ang pagkain ng asukal. Nakatutulong ang maraming pagkain ng asukal sa yeast infection na nakakaapekto sa vagina at nagpapabago sa natural nitong amoy.
Bawasan din ang pagkain ng pulang karne at alak dahil nagdudulot ito ng acidic na amoy ng vagina. Nakakaapekto rin sa amoy ng vagina ang maraming pampalasa, sibuyas, bawang, at kape.
Key Takeaways
[embed-health-tool-ovulation]