Maraming kababaihan ang hindi alam ang bawat detalye ng mga nangyayari sa kanilang reproductive system, lalo na kung ang symptoms nito ay mild lamang. Pwedeng sabihin ng ilan na pareho lang ang pakiramdam nila kapag may dysmenorrhea, ngunit ito ay maaaring higit pa sa tipikal na muscle cramps. Alamin ang lahat ng impormasyon at pagsasaalang-alang tungkol sa gamot sa pelvic inflammatory disease.
Ano ang Pelvic Inflammatory Disease?
Ang pelvic inflammatory disease (PID) ay isang kondisyon na nakakahawa sa female reproductive organ, tulad ng vagina, matris hanggang sa cervix, pati na rin ang mga fallopian tubes. Ang impeksiyong ito ay pangunahing kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ang PID ay isang malubhang komplikasyon na maaaring makuha sa pinakakaraniwang sexually transmitted diseases na chlamydia at gonorrhea. Gayunpaman, maaari rin itong mangyari bilang resulta ng isang burst appendix o impeksyon sa bituka.
Ang tawag ng mga tao sa kundisyong ito ay “silent epidemic”. Dahil marami sa mga sexually active na mga babae ang maaaring meron nito. Pwedeng hindi pa nila alam dahil hindi nagpapakita ang mga sintomas. Sa ilang mga kaso, ito ay malamang na hindi napapansin dahil ang mga palatandaan ay masyadong mild para pansinin. Sa kabila nito, ang gamot sa pelvic inflammatory disease ay maaaring ibigay sa sandaling ito ay masuri kaagad.
Mga Palatandaan at Sintomas ng Pelvic Inflammatory Disease
Gaya ng nabanggit, maraming kababaihan ang maaaring makaranas ng mild symptoms ng pananakit na maaaring isa o higit pa sa mga sumusunod:
- Lower abdominal pain at mild pelvic pain (or tenderness)
- Pananakit habang nakikipagtalik
- Menstrual period pain
- Pananakit kapag umiihi
Ang iba pang sintomas ay:
- Lagnat ( mataas sa 38° C)
- Pagduduwal at pagsusuka
- Irregular menstrual bleeding
- Pamamaga
Ang ilang mga kababaihan ay maaari ring magkaroon ng mas maraming vaginal discharge na may kasamang pagbabago sa amoy at kulay; na karaniwang dilaw o berde.
Mga Sanhi ng Pelvic Inflammatory Disease
Bago mangyari ang anumang bagay o gamot sa pelvic inflammatory disease, dapat na matukoy muna ng doctor ang pangunahing sanhi nito.
Kapag ang mga mikrobyo tulad ng Chlamydia trachomatis at Neisseria gonorrhoeae, na nagreresulta sa chlamydia at gonorrhea, ay umakyat mula sa ari ng babae o cervix papunta sa reproductive organs, malamang na magkaroon siya ng sakit na ito. Iminumungkahi ng mas bagong ebidensiya na ang isa pang sexually transmitted infection, na kilala bilang Mycoplasma genitalium, ay posibleng maging responsable sa milder symptoms ng mga kababaihan sa kasalukuyan. Ang mga bacteria na ito ay kadalasang naninirahan sa ari ng babae sa loob ng ilang panahon hanggang sa magkaroon ng pag gamot sa pelvic inflammatory disease.
Mayroon ding ilang mga kaso kung saan ang mga surgical procedure tulad ng abortion, curette, o intrauterine device (IUD) insertion ay maaaring maging sanhi ng kondisyon. Ang impeksiyon ay karaniwang sumusunod sa pamamagitan ng tatlong natatanging reproductive organ: ito ay nagsisimula sa cervix, pagkatapos ay ang endometrium, at panghuli ang fallopian tubes.
Pelvic Inflammatory Disease Risk Factors
May posibilidad na magkaroon ka ng ganitong kondisyon kapag mayroon kang:
- Sexually transmitted infections (STI).
- Multiple sex partners.
- Pelvic inflammatory disease in the past.
- Partner na nakikipagtalik sa iba.
Ang mga kabataang babae, may edad na 25 pababa, ay mas nasa panganib din kapag sila ay aktibo sa pakikipagtalik.
Mga Komplikasyon ng Pelvic Inflammatory Disease
Kung ang isang tao ay hindi nakatanggap ng wastong pag gamot sa pelvic inflammatory disease, maaaring mabuo ang scar tissue at pockets of abscesses. Ang mga ito ay maaaring makapinsala sa mga reproductive organ sa mahabang panahon.
Ang ilang mga komplikasyon sa pelvic inflammatory disease ay:
- Infertility
- Ectopic pregnancy
- Tubo-ovarian abscess (TOA)
- Tubal factor infertility
- Chronic pelvic pain
Paggamot sa Pelvic Inflammatory Disease
Ang mga na-diagnose sa early stage ay maaaring iligtas ang kanilang mga sarili sa karagdagang pinsala sa kanilang mga reproductive organ, na maaaring mauwi sa mga nabanggit na komplikasyon.
Maaaring magreseta ang doktor ng iba’t ibang uri ng antibiotic para gamutin ang mga pathogen at bacteria. Pwedeng mga injectable o tablet depende sa kung ano ang akma sa iyong sitwasyon.
Mahalaga rin na mag follow-up sa iyong doktor tungkol dito.
Key Takeaways
Humingi ng tulong medikal para gamot sa pelvic inflammatory disease kung maramdaman mo ang alinman sa mga palatandaan at sintomas.
[embed-health-tool-ovulation]