Ang sanitary pad at tampon ang madalas na period buddy ng mga kababaihan. Gayunpaman, unti-unting nakikilala ang menstrual cups ng mga tao. Ano ang menstrual cup? May pros at cons ang menstrual cup na mahalagang isaalang-alang bago subukan ang nauusong ito. Sabay natin tingnan.
Ano Ang Menstrual Cup?
Ang menstrual cup ay isang feminine care device na ipinapasok sa loob ng vagina upang kolektahin (hindi sipsipin) ang menstrual fluid. Naging alternatibo ang menstrual cup sa paggamit ng absorbent menstrual pad at tampon.
Gawa sa medical-grade na latex o silicone ang menstrual cup. Tiyakin na ang biniling menstrual cup ay gawa sa silicone kung ikaw ay latex-sensitive.
Mayroong dalawang uri ng menstrual cup, (1) vaginal menstrual cup na ipinapasok sa loob vagina, at (2) cervical menstrual cup na inilalagay naman sa cervix kung saan nasa bandang itaas lamang kaunti ng vagina.
Ang ibang menstrual cup ay reusable, habang ang iba ay disposable. Sa tamang pangangalaga, maaaring magtagal ang reusable cup ng anim na buwan hanggang sampung taon. Kung gagamit naman ng disposable menstrual cup, dapat kaagad itong itapon matapos gamitin. Para matulungan ka sa pagpapasya kung ang menstrual cup ba ay para sa iyo, isaalang-alang ang mga sumusunod na pros at cons.
Paano Gamitin Ang Menstrual Cup
Upang malaman ang pros at cons ng menstrual cup, narito ang inisa-isang gabay sa paggamit ng menstrual cup.
- Maghugas mabuti ng kamay gamit ang tubig at sabon
- I-sanitize at sterilize ang menstrual cup bago gamitin.
- Dahan-dahang ipasok ang cup gamit ang tubig o water-based lubricant kung kinakailangan. Iwasan ang oil-based lubricant sa silicone menstrual cup upang hindi ito masira.
- Pumuwesto sa relaxed position sa tulad ng paghiga, pagtayo, pag-squat o pag-upo sa palikuran. Mas madaling maipapasok ang cup kapag nahanap na ang pinakakomportableng posisyon.
- Ipasok ang cup sa pamamagitan ng folding method o pagtupi sa kung paanong paraan naisin. Ilagay ito sa lower vaginal canal, at nasa loob na ito kapag narinig na ang suction sound o pop.
- Maaaring gamitin ang daliri para hawakan ang base ng cup upang makita kung mayroon bang bahaging nakayupi. Marahang ayusin ang base ng cup para mawala ang mga nakatiklop na bahagi, at ilagay ito nang tama.
- Kung hindi komportable sa stem ng cup, maaaring gupitin ang stem bago ito ipasok.
- Maaaring gamitin ang menstrual cup ng labindalawang oras o itapon ang laman nito dalawang beses sa isang araw depende sa flow.
- Ulitin lang ang una at pangalawang hakbang sa pagtatanggal ng cup. Pero sa halip na ipasok, ilalabas ang cup mula sa vagina.
- Gamitin ang daliri upang marahang mahila ang stem hanggang sa maabot na ang base ng cup. Maingat na pisilin ang base ng cup para matanggal ito sa pagkakalagay, at marahang hilain ito palabas. Iwasang hilain ito nang walang pag-iingat para hindi magsanhi ng discomfort.
Matapos Gamitin
- Itapon ang laman ng cup sa palikuran, at hugasan ang cup gamit ang maligamgam na tubig at sabon, at saka patuyin. Matapos ang regla, i-sterilize ang menstrual cup sa pamamagitan ng pagpapakulo dito ng lima hanggang sampung minuto. Siguraduhin na ang cup ay hindi sumasayad sa pinagpapakuluan.
- Ilagay sa malinis na bag o pouch at itabi para sa susunod.
Pros At Cons ng Menstrual Cup
Para matulungan kang mas maintindihan kung ang menstrual cup ba ay para sa iyo, narito ang pros at cons ng menstrual cup na makatutulong sa iyong pagpapasya:
Pros At Cons ng Menstrual Cup: Kapakinabangan
- Mas nagtatagal ang menstrual cup kaysa sa ibang sanitary products. Makatitipid ka ng pera at makatutulong ka rin sa kalikasan. Karaniwang nagpapalit ng pad o tampon mula apat hanggang anim na beses sa isang araw depende sa flow, ngunit kung gagamit ka ng menstrual cup ay kailangan mo na lang itapon ang laman nito dalawang beses sa buong araw, o gamitin ito diretsong labindalawang oras.
Pagdating sa pros at cons ng menstrual cup, malinaw na mas matipid sila. Maaaring masulit ang menstrual cup at umabot ng anim na buwan hanggang sampung taon; malaki ang matitipid nito at mababawasan din ang landfill waste.
Kapakinabangan
- Kinokolekta ng cup ang menstrual blood sa halip na sipsipin nito. Mapapansing walang menstrual odor kapag gumagamit ng menstrual cup dahil hindi nakasisingaw ang dugo sa hangin.
- Sa magandang bagay dito sa listahan ng menstrual cup pros at cons, mas madali silang gamitin. Kailangan lamang hanapin ang tamang posisyon at maipasok ang cup nang maingat sa loob ng vagina, at iyon na. Hindi kailangan ng menstrual cup ng mga applicator katulad ng sa tampon, o maraming pandikit katulad ng sa sanitary pad.
- Maiiwasan ng paggamit ng menstrual cup ang pagkakaroon ng toxic shock syndrome (TSS). Madalang man ang pagkakasakit ng TSS, maluba naman ang komplikasyong ito na nagmumula sa bacterial infection. Ang hindi regular na pagpapalit ng tampon ang sanhi ng TSS. Mataas ang panganib ng pagkakaroon ng TSS kung gumagamit ng tampon nang hindi nagsasanay ng good hygiene (hindi regular na pagpapalit o nalilimutang tanggalin ito sa matagal na oras)
- Mas madaling gamitin ang menstrual cup lalo na tuwing umaalis. Hindi nangangailangang bumili at magtapon ng kahit na anong sanitary product habang nasa biyahe. Reusable at madaling dalhin ang menstrual cup.
- Maaari pa ring magkaroon ng leakage sa menstrual cup ngunit hindi ito kasing hirap ng nangyayari sa mga pad at tampon. Maaaring magkaroon ng kaunting leak kung mayroong heavy flow.
Ipinapayong gumamit ng panty liner sa una at pangalawang araw ng regla para maiwasan ang mga insidente.
Pros At Cons ng Menstrual Cup: Kahinaan
- Kailangan ng panahon para masanay sa paggamit ng menstrual cup. May hamon sa paggamit ng menstrual cup lalo na sa mga unang gagamit nito. Hindi tulad ng sanitary pad, kailangan lang ilagay sa panty at tapos na.
Sa pagtitimbang ng pros at cons ng menstrual cup, dapat malamang kailangan muna ng ilang pagsasanay bago tuluyang humusay sa paggamit ng menstrual cup. Kaya inirerekomendang magsanay munang gamitin ito habang hindi pa nagsisimula ang regla.
Kahinaan
- Maaaring makalat ang pagtatanggal at paglilinis ng menstrual cup. Dahil naglalaman ng dugo ang cup, nahihirapan ang mga unang beses pa lang na gumamit ng cup sa pagtanggal at pagtapon ng laman sa palikuran nang hindi naduduwal. Bahagyang nakakahiya rin ang paglilinis ng menstrual cup sa pampublikong palikuran.
- Makararanas ng hirap sa pagpasok ng menstrual cup ang mga may IUD insertion dahil maaaring maalis ang IUD string. Maaari ding maging problema ito ng mga dalaga at kababaihan na wala pang karanasan sa pagtatalik.
Isa pang dahilan ng mahirap na pagpasok ng menstrual cup ang pagkakaiba ng anatomy. Maaaring mahirap mahanap ang tamang posisyon ng cup kung mayroong pelvic organ prolapse (buwa) o fibroids.
- Ang downside ng listahan ng menstrual cup pros at cons, kailangang linisin ito tuwing pagtapos gamitin. Matrabahong bagay ito sa mga abalang tao. Kailangang hugasan ng sabon at maligamgam na tubig ang menstrual cup. Kailangan ding i-sterilize sa kumukulong tubig sa loob ng sampung minuto.
Kung sa tingin mong kaya mong pangatawanan ang ganitong pangangalaga, ang menstrual cup ay para sa iyo.
Kung may vaginal conditions o unang beses pa lang na gagamit, mabuting makipag-ugnayan sa iyong gynecologist tungkol sa kung ano ang menstrual cup at ang pros at cons nito. Makapagbibigay sila ng medical advice bago tuluyang gumamit ng menstrual cup.
Key Takeaways
Pinakamahalaga ang sariling kaginhawaan sa pagpili ng tamang produkto para sa sarili. Kung aprubado ng doktor at nakagawa ka na ng desisyon, panahon na para subukan ang menstrual cup.
[embed-health-tool-ovulation]