Maraming bagay ang maaaring maka impluwensya sa mood. Halimbawa, ang ating kalooban ay maaaring magbago depende sa kung ano ang nangyayari sa atin: ang pagkawala ng isang tao ay maaaring makapagpalungkot sa atin, habang maaari tayong ma-frustrate dahil sa hindi makamit na goals. Maaari din tayong maging mas moody kaysa karaniwan dahil sa mga factors na gutom, stress, fatigue, at hormones. Ano ang ilan sa mga epekto ng hormonal imbalance sa mood na dapat malaman ng mga kababaihan?
Moodiness: Dapat Ka Bang Mag-alala?
Na ang mga babae ay moody kapag “meron yan” ay isang running joke sa mga pamilya at malalapit na kaibigan. Ngunit, ang “joke” ay talagang may siyentipikong paliwanag.
Ayon sa mga ulat, ang mga hormone na estrogen at progesterone ay nakakaapekto ng mood. Ito ay na nagbabago-bago ng level depende sa phase ng menstrual cycle. Ito ang dahilan kung bakit nakakaranas ang ilang kababaihan ng mga sintomas ng premenstrual syndrome, kabilang ang mood swings.
Kaya naman, mahalagang itanong: dapat bang mag-alala ang mga babae sa “pagiging moody?” Malamang na kung ang moodiness mo ay dahil sa iyong regla, lumilipas, at nama-manage, hindi kailangang mag-alala.
Gayunpaman, kung ang iyong mood swings ay may iba pang mga sintomas, malamang na oras na upang makipag-usap sa iyong doktor. Dahil ang mood swings ay maaaring isa sa mga epekto ng hormonal imbalance.
Paano Nakakaapekto ang Hormones sa Mood
Narito ang ilan sa mga hormonal imbalance issues at ang kanilang mga epekto sa mood ng mga babae:
Imbalance sa Estrogen
Ang mga kababaihan na may mababang level ng estrogen ay maaaring makaranas ng mood swings, anxiety, at maging depresyon. Isa sa mga dahilan kung bakit ito nangyayari ay dahil ang hormone na ito ay nagpapataas ng endorphins at serotonin. Sila ng mga “happy hormones” na nagbo-boost ng mood.
Tandaan din na nangyayari ang mood swings kung may mataas na level ng estrogen sa katawan mo. Kaya mahalaga ang balanse sa hormone na ito.
Imbalance sa Progesterone
Ang mataas o mababang antas ng progesterone ay maaari ding epekto ng hormonal imbalance sa iyong mood. Dahil ito ay “nagbabalanse” sa impluwensya ng estrogen. Ipinakikita pa ng mga pag-aaral na ang progesterone ay may axiolytic (anti-anxiety) na epekto. Kaya ang pagtaas o pagbaba sa level nito ay maaaring maka-impluwensya sa iyong nararamdaman.
Hypothyroidism at Hyperthyroidism
Ang thyroid hormone, na ginawa ng thyroid gland sa ibabang bahagi ng leeg, ay kumokontrol kung paano gumagamit ng enerhiya ang ating katawan. Maaari rin itong makaapekto sa ating mood. Halimbawa, kapag may sobrang thyroid hormone (hyperthyroidism), maaari itong magresulta sa mga sintomas tulad ng pagkamayamutin, pagkabalisa, at nerbiyos.
Sa isang banda, ang pagbaba ng thyroid hormone (hypothyroidism) ay maaaring magresulta sa mga sintomas gaya ng mild hanggang sa severe fatigue at depresyon.
Mababang Testosterone
Kahit na ang testosterone ay isang “male hormone,” ang mga kababaihan ay gumagawa nito sa maliit na halaga. Ayon sa mga ulat, ang isang makabuluhang pagbaba sa hormone na ito ay maaaring humantong sa:
- Moodiness
- Depression
- Pagkabalisa
- Pagkapagod
Gayunpaman, tandaan na ang mataas na level ng testosterone ay maaaring pahiwatig ng polycystic ovary syndrome (PCOS), na nagdudulot din ng pagkapagod, pagkabalisa, at emosyonal na stress.
Mababang Cortisol
Hindi natin maaaring pag-usapan ang mga karaniwang epekto ng hormonal imbalance sa mood nang hindi binabanggit ang cortisol.
Ang mataas na antas ng cortisol, ang stress hormone na ginagawa ng adrenal glands, ay maaaring humantong sa pagkabalisa, pagkamayamutin, at depresyon. Tandaan na ang pagiging moody ay isa ring sintomas na may kakaunting cortisol.
Imbalance sa Insulin
Finally, ang mga hormone tulad ng insulin ay nakakaapekto rin sa ating mood. Ang insulin, ang hormone na ginawa ng pancreas, ay tumutulong sa ating mga selula na gumamit ng asukal para sa enerhiya. Bukod sa problema sa glucose absorption, ang imbalance sa insulin ay maaari ding maging sanhi ng:
- Pagkairita
- Pagkabalisa
- Galit
- Depresyon
Key Takeaways
Dahil walang tiyak na mga parameter para sa pagsukat ng moodiness, pinapayuhan kang makipag-usap sa iyong doktor kung ang epekto ng hormonal imbalance sa mood ay nakakasagabal na sa iyong mga relasyon at pang-araw-araw na gawain.