backup og meta

Ano ang hormonal imbalance, at paano ito nakakaapekto sa kalusugan?

Ano ang hormonal imbalance, at paano ito nakakaapekto sa kalusugan?

Mahalagang malaman kung ano ang hormonal imbalance. Dahil pwede nitong “guluhin” o “sirain” kung paano dapat gumana ang bodily organs. 

Basahin ang artikulong ito, para malaman ang iba’t ibang uri ng hormonal imbalances sa mga babae?

Ano ang hormonal imbalance?

Ilarawan muna natin kung ano ang hormonal disorder sa mga kababaihan. Para mas lubos na maintindihan ang konsepto nito.

Ang mga glandula ay gumagawa ng hormones at direktang inilalabas ito sa daluyan ng dugo, para maabot ang iba’t ibang organs. Kapag naroon na, ang hormones ay “magtuturo” sa organ na gawin ang function nito sa tamang oras.

Nagaganap ang hormonal imbalance kapag mayroong kaunti o sobra sa isang partikular na hormone. Dahil naiimpluwensyahan ng hormones, kung paano ginagampanan ng ating mga organs ang kanilang function. Pwedeng mag-trigger ito ng ilang problema ang imbalances.

5 Hormonal disorders na maaaring makaapekto sa kababaihan

Ang mga problema sa glandula na gumagawa ng hormone ay pwedeng humantong sa isang hormonal imbalance issue. Gayundin, kapag ang bahagi ng utak na nag-uutos sa glandula na i-sustain ang problema — ang hormone disorder ay maaaring mangyari. 

Dagdag pa rito, ang external factors tulad ng stress, lifestyle changes, at mga gamot ay pwedeng mag-trigger ng hormonal issues.

Nasa ibaba ang ilang mga halimbawa ng hormonal imbalances sa mga babae:

Cushing’s syndrome

Ang isang halimbawa ng hormonal imbalance disorder ay ang Cushing’s syndrome. Nangyayari ito kapag nalantad ang katawan sa sobrang steroid hormone, at cortisol. Kung saan, kilala rin ito bilang stress hormone.

Sinasabi na ang mga taong may Cushing’s syndrome ay may mga sintomas. Tulad ng purple o pink na stretchmarks sa kanilang balat, bilugan na mukha, at isang matabang bukol. Sa ibaba ng likod ng leeg (sa pagitan ng mga balikat).

Makikita na ang kondisyong ito ay pwedeng mangyari kapag ang adrenal glands ay gumagawa ng masyadong maraming cortisol. Gayunpaman, ang steroid medications ay maaari ring mag-trigger ng Cushing’s syndrome.

Diabetes mellitus

Ang isa pang well-known condition na may isyu sa hormonal imbalance ay tinatawag na “diabetes mellitus”. Makikita na ang diabetes ay nagdudulot ng pagtaas ng blood sugar levels. Dahil ang pancreas ay hindi gumagawa ng sapat na hormone insulin (type 1), o ang cells na hindi tumutulong ng maayos sa insulin (type 2).

Kung hindi ginagamot, ang diabetes. Ito ay pwedeng humantong sa mga komplikasyon na nakakaapekto sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kabilang ang mga mata, nerbiyos, at puso.

Tandaan na ang management ng diabetes ay depende sa ilang factors. Tulad ng uri ng diabetes, ang kalubhaan o severity ng iyong mga sintomas, at ang pagkakaroon ng iba pang underlying condition sa kalusugan. Kung mayroon kang type 1 diabetes, malamang na makakatanggap ka ng insulin replacement therapy. Ito ay gagawin sa pamamagitan ng mga injections.

Ano ang hormonal imbalance: Mga problema sa thyroid hormone

Alam mo ba na ang thyroid conditions ay mas komon sa babae, kaysa sa lalaki? Karaniwan, kapag ang thyroid gland ay nagpapanatili ng problema, dalawang bagay ang pwedeng mangyari: ito ay hindi maging aktibo (underactive) o sobrang aktibo (overactive).

Ang underactive thyroid ay gumagawa ng masyadong maliit ng thyroid hormone. Ito ay humahantong sa isang kondisyon na tinatawag na “hypothyroidism”. Sinasabi na ang mga taong may hypothyroidism ay nakakaranas ng mga sintomas. Tulad ng pagbaba ng timbang, mabilis na tibok ng puso, at pagiging sensitibo sa init.

Sa kabilang banda, ang overactive thyroid ay naglalabas ng masyadong maraming thyroid hormone. Kung saan, ito ang nagiging sanhi ng hyperthyroidism. Makikita, na ang kondisyong ito ay nagdudulot ng mga sintomas. Gaya ng pagtaas ng timbang, constipation, at pagiging sensitibo sa lamig.

Kung mayroon kang hypothyroidism, malamang na magrerekomenda ang doktor ng thyroid replacement therapy. Gayunpaman, kung mayroon kang hyperthyroidism, pwede kang makatanggap ng mga anti-thyroid drugs o radioactive iodine; isang opsyon din ang thyroid surgery.

Mababa o mataas na antas ng estrogen

Ang mga problema sa antas ng estrogen ay bahagi din ng iba’t ibang uri ng hormonal imbalances sa mga babae.

Makikita na ang estrogen ay isang mahalagang hormone para sa kalusugan ng kababaihan. Iniuugnay ito ng karamihan sa mga tao sa sexual at reproductive health. Gayunpaman, ang estrogen ay nakakaapekto rin sa:

  • Buto
  • Mga kalamnan
  • Mga daluyan ng puso at dugo
  • Balat
  • Buhok
  • Daluyan ng ihi

Sa pagsaalang-alang ng mga impluwensya ito. Hindi nakakagulat ang pagtaas o pagbaba sa level ng estrogen. Dahilan, para ma-trigger ng iba’t ibang mga sintomas.

Ang low estrogen levels na karaniwang nagaganap sa panahon ng menopause ay nagreresulta sa:

  • Hot flashes
  • Mga pawis sa gabi o night sweats
  • Mood swings
  • Pagkabalisa
  • Kulubot na balat
  • Pagnipis ng tissue

Kung mayroon kang ganitong kondisyon, pwedeng kausapin ka ng doktor tungkol sa estrogen replacement therapy.

Habang ang high estrogen levels naman ay nagdudulot ng mga sintomas tulad ng:

  • Pamamaga at panlalambot sa dibdib o suso
  • Pagiging bloated
  • Malakas na pagdurugo
  • Tumaas na mga sintomas ng premenstrual syndrome
  • Sakit ng ulo
  • Pagkalagas ng buhok

Ang high estrogen levels ay maaaring dahil sa isang tumor sa adrenal glands o ovaries o cirrhosis.

Polycystic ovary syndrome (PCOS)

Masasabi na ang PCOS ay isang kondisyong tinaguriang bilang pinakakaraniwang sanhi ng infertility sa babae. Ang eksaktong dahilan ng kondisyong ito ay hindi alam (unknown). Ngunit naniniwala ang scientist na may kinalaman ito sa pagtaas ng insulin at androgens.

Makikita na ang PCOS ay nagreresulta sa irregular o missed periods, labis na buhok sa katawan, acne breakouts, at pagtaas ng timbang. Mapapansin din na ang mga babaeng may polycystic ovary ay pinapayuhan na panatilihin ang isang malusog na timbang. Para makatulong na mapabuti ang kanilang mga sintomas.

Key Takeaways

Ang iba’t ibang uri ng hormonal imbalances sa mga babae ay nagaganap sa iba’t ibang dahilan. Nagti-trigger din sila ng mas malawak na hanay ng mga sintomas. Kung mapapansin mo rin, ang alinman sa mga sintomas na tinalakay sa itaas. Pinakamahusay na paraan sa pagtugon nito ay ang pagkonsulta sa’yong doktor.

Matuto pa tungkol sa Female Hormonal Imbalance dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cushing syndrome
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cushing-syndrome/symptoms-causes/syc-20351310#:~:text=Cushing%20syndrome%20occurs%20when%20your,much%20cortisol%20on%20its%20own.
Accessed December 18, 2020

Diabetes Mellitus (DM)
https://www.msdmanuals.com/home/hormonal-and-metabolic-disorders/diabetes-mellitus-dm-and-disorders-of-blood-sugar-metabolism/diabetes-mellitus-dm
Accessed December 18, 2020

Low Estrogen Levels in Menopause
https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=85&ContentID=P00559
Accessed December 18, 2020

Estrogen Levels Test
https://medlineplus.gov/lab-tests/estrogen-levels-test/
Accessed December 18, 2020

Polycystic ovary syndrome (PCOS)
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pcos/symptoms-causes/syc-20353439
Accessed December 18, 2020

Kasalukuyang Version

05/12/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Mga Problema Sa Thyroid Pag Nakararanas Ng Menopause

Epekto sa Balat ng Hormonal Imbalance


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement