Pamilyar ba kayo sa kung ano ang vaginal cuff at sa koneksyon nito sa mga kababaihan? Marahil ang ilan sa inyo ay hindi alam ang tungkol sa bagay na ito kaya naman mahalaga na mapag-usapan ito upang maging aware ang lahat sa kung ano ang vaginal cuff at bakit mahalaga ito para sa mga babae.
Ipagpatuloy mo ang pagbabasa ng artikulong ito para sa mga mahahalagang impormasyon tungkol sa vaginal cuff.
Ano Ang Vaginal Cuff?
Ano ang vaginal cuff? Ito ay isang bahagi sa upper portion ng vagina patungo sa peritoneum. Ito ay sinasara pagkatapos tanggalin ang cervix at uterus pagkatapos ng isang hysterectomy.
Kilala rin ang vaginal cuff bilang vaginal remnant kung saan ito ang natitirang tissue sa mga babae pagkatapos ng hysterectomy. Ito ay nabubuo kapag ang upper part ng ari ng babae ay tinahi pagkatapos matanggal ang cervix at matres.
Sa madaling sabi, sa pamamagitan ng pagtatahi sa mga gilid o edges ng surgical site ay nagagawa ang vaginal cuff. At sa oras na mabuksan ulit ang cuff, asahan mo na pwedeng isagawang muli ang vaginal cuff repair para isaayos ito.